chapter 20 ( Book 2 )

75 1 0
                                    


BOOK 2

Chapter 20

MAPUTI,mapusyaw at nakakasilaw na ang kulay ng balat ko. Hindi ko akalaing puputi paako. I thought i would not have this white as paper skin.

Matapos kong tumitig sa salamin at ang magbihis ay kinuha ko na ang purse ko sa ibabaw ng lamesa. Sinuot ko ang stilettos,at saka binuksan na ang pinto at lumabas.

Sinalubong ako ng isang busangot na mukha ng maliit na paslit.

"San ka naman punta? Im so bored!" Yumuko ako at pinantay ang tingin sa babaeng bata.

"Saglit lang si mommy,may kikitain lang ako. Pag balik ko,mamamasyal tayo." Hinalikan ko ang noo niya.

Nameywang siya saakin,tumulis ang nguso ng paslit.

"But i dont want to stay in the mansion! Lolo is so boring,he's like a dog. Sunod ng sunod." Nagulat ako sa salita niya. Kailan pa ito natuto ng ganitong salita?

"Olive! Don't say like that to your lolo." Pero ang paslit! Inikutan lang ako ng bilog ng mata,bigla siyang nag walk out.

"Olive come back here! Ikaw na bata ka oh!" Tumayo ako at hinaol siya. Bago ko pa pasukin ang kwarto niya ay padabog niya tong isinirado. Sapol ang mukha ko!

Sinapo ko ang ilong ko." Olivia! Wag mo akong pinag-sisirhan ng pinto,baka mapingot ko iyang singit mo!" Ki atok lo ang pinto ng kwarto niya.

"Leave! Nasa banyo ako,im busy!" Sigaw niya pabalik. Lumaki ang butas ng ilong ko. Abang batang ito.

Kakatukin ko na sana ang pinto ng tumunog ang CP ko sa purse. Hinalungkat ko ito at pinagktitigan ang kung sino ang tumawag.

"Bon! Ano? Pupunta ka paba? Kanina pa kami dito,we are waiting for you here! Bilisan mo na at kanina pa kami naghihintay dito." Sumingit kaagad si Gail. Mukhang galit ata ang bruha.

"Wait,papunta na ako. Si Olive kasi nababagot ng paalis na ako. Basta hintayin niyo ko diyan!"

Narinig ko ang ingay sa kabilang linya,hindi ko pa siay marinig kaya sumigaw ako.

"Oo! Basta bilisan mo!" Sumigaw din siya. Agad ko ng pinatay ang tawag at nagpaalam sa yaya ni Olive na pabantayan siya at sabihing babalik din kaagad ako. Susuyuin ko na lang iyon mamaya.

Pinuntahan ko si papa sa garden,nagbabasa siya ng diyaryo habang umiinom ng kape.

"Alis na ko 'pa." Hinalikan ko siya sa pisnge,binaba niya ang dyaryo para magtama ang paningin namin.

"Where are you going? Hindi mo kasama ang apo ko?" Anas niya.

"Hindi po,may pupuntahan lang po akong importante. Kayo na po ang bahala kay Olive 'pa"

"Oh,good. At nang makapagpamasyal kami. Sige na,pumunta ka na kung saan ka pupunta,ako ang bahala sa apo kong maganda." Ngumiti ako. Paborito niya talaga ang apo niya,kaya spoiled siya nung lumaki,eh.

"Sige,pa. Alis na ko." Tumungo na ako palabas. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at pumasok ako sa loob.

Mabilis ang paharurot ko. Sanay na akong mag drive,pero hindi pa ako ganun ka tapang para lumagpas sa speed limit.

Dumaan ang pitong taong paghihirap,pagsasakripisyo at ang sakit na binaon ko sa puso ko. Pilit kong nililimot ang nakaraan pwro sa tuwing nakikita ko ang anak ko ay nakikita ko din sakanya ang mga mata at ang gulo ng mukha nito. Aaminin ko,nasatan ako sobra. Na kung makikita ko pa siya ay masasaksak ko na siya ng itak.

Aaminin ko ding mahal ko parin siya. Pero hanggang doon nalang yun,kung magkikita kami ulit,hindi ko na siya papansinin. Hindi na ako magpapadalos-dalos sa kilos ko pagdating sa kanya. Kung okay lang dati saakin na masaktan at tanggapin siya ng paulit-ulit ,at paniwalaan lahat ng kasinungalingan niya. Pwes ibahin nya ako ngayon.

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now