chapter 17

40 1 1
                                    

Chapter 17

PANTAY ANG KULAY ng aking mata at ng aking balat. Hindi naman masyadong kaitiman,pero gumaganda na ang kutis ko nang kunti. Kojic kasi ang ginagamit ko dito. Sosyal ang mga brand na gamit ko. Nag lo-lotion na din ako,na dati ay hindi ko nagagawa. Plano kong magbaon lahat ng bagay na meron dito,para naman mas gumanda ang kutis ko.

Tinitingnan ko ngayon ng repleksyon ko sa salamin. Gusto ko kasing malaman kung ano ba ang meron sa mukha ko at bakit lagi ko nalang siyang nahuhuling nakatingin saakin. Naphgikhik nalang ako sa naisip.

"What are you laughing at?"

Bumukas na pala ang pintuan ng kwarto. Naka kulay itim na kupas na damit siya ngayon. Ayan nanaman ang mga titig niyang nakakapanghina ng tuhod. Nakakagigil—este nakakainis ang laki kasi ng epekto niya saakin.

Tumikhim ako ng pumulupot na ang matitigas niyag braso sa bewang ko.

"W-wala naman." Pansin ko,lagi nalang akong nauutal kapag nandirito siya. Nakabihis na ako pero ramdam ko parin ang init na nang-gagaling sa katawan niya.

"Oh? Your trying to hide something on me now?" Umawang ang labi ko sa kanya.

"Ha?" Napakamot ako sa ulo ko. Minsan nga ay iniintindi ko na lang ang pag i-ingles niya,pero minsan sumasakit na ang ilong ko.

Kumibot ang mapupula niyang labi upang magsalita.

"Tell me,bakit ka natatawa?" Napanguso ako. Nagpipigil ng tawa sa may pagka accident—accent niyang pasasalita ng tagalog.

"Your'e laughing at me huh? You think im funny?" Buhol buhol na ang kilay ko.

"Alam mo! Hindi talaga kita maintindihan. Yur ispeykining english,a-aym not." Makukutusan ko talaga ang poging ito.

Hindi siya umimik pero,ngumuso lang siya. Aba! Bakit ang gwapo niya kapag ganun?

"Ang gwapo gwapo mo... Nakaka pagtaka kung bakit mo...nagustuhan ang katulad ko." Kusang bumuka ang labi ko para sabihin iyon.

May kung ano kasi sa isapan ko ang gumugulo. Nalilito pa kasi talaga ako.

"You dont believe that i love you?" May pait sa kanyang tono.

"A-aba! Wala akong sinabing ganyan ha. B-basta ang akin lang ay,nalilito parin ako." Sobrang kabado ang dibdib ko.

Napataas ang isa niyang kilay saakin. Sungit naman!

"Then,i will prove to you that i love you. " Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

"Pano?"

Marahas niyang dinakot ang harapan ko at hinimas iyon.

"You'll surely forget your name after this. " Ay parang gusto ko yan!

"Sige gawin na natin!" Filling so exiting! I mins Excited pala.

...

Gandang ganda sa sarili. Ganoon ang nararamdaman ko. Paano ba naman ay naka limang rounds pa kami kanina. Masasabi kong mahal niya na nga ako. Hindi niya lang kasi sinabi. Dinaan niya din sa pakiramdam. Alam kong mahal niya ako kaya masaya ako ngayon.

Tulog na tulog pa siya dahil nga sa pagod kanina. Pakembot kembot at pakanta kanta pa ako habang naluluto ng pagkain. Maraming laman ang ref. Niya kaya nilubos ko na ang pagluluto,tutal ay marunong naman ako sa ganitong gawain.

Sobrang saya ko fill—feeling ko tuloy ang haba haba na ng buhok ko. Teka,parang narinig ko na ang salitang yun ah? Inalog ko na lamang ang aking ulo.

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now