chapter 5

36 2 0
                                    


Chapter 5

TUMUNOG ang kumakalam kong sikmura.

Mag hahating gabi na kasi ng sinabihan ako ni Wenong na pumunta dito sa tabi ng supermarket. Si Wenong nga pala ang naging bosing ko simula nong tatlong araw na.

Wala na kasi akong ibang mapagkakakitaan at nabubogbog na ako ni papa, umuutang nalang din ako ng pang kain ni H ko. Sobrang deprissioning talaga ako ngayon.

Sinabihan kasi ako ni Wenong na maghintay dito at may lalapit daw saakin naka jaket na pula pero limang oras na ako dito at wala paakong nakikita!

Hindi ko naman masaisip kong jino-joke time lang ba ako ni Wenong pero kasi, pinagkatiwalaan nya naman ako nung nagsisimula paako. Mabuti nga at tinaggap nya ako sa trabaho. Kahit na taga kuha lang ako ng bag o 'di kaya ay taga hatid lang sa kanya.

Pero atlis diba? Nakaka wan taw,din ako. Minsan kulang pa kasi nga binubulabog na ako ni Aling Tasing sa babayaran namin.

Napa upo ako sa isang bato at tinatanaw ang mga taong dumadaan. Siguro ay gutom na ang mahal ko doon. Nakakakilig talagang isipin na nasa piling ko sya.

Para na nga kaming mag asawa eh. Kaso lang,maitim ako tapos mabaho pa ang kili kili. Mabuti nga at hindi sya nagsasawang iwan ako? Muntik ko ng mabatukan ang sarili ko. Paano naman sya aalis bobang? Ni hindi nya nga maalala kung ano ang pangalan nya!

" Psst!" Napalingon lingon ako sa paligid ng may marinig na sumitsit.

Madilim na kasi at alas nuwebe na, siningkit ko ang mga mata ko sa isang madilim na gilid. Pero hindi ko naman makita.

" Psst. Negra." Badtrip ah! May ganang pang mang asar!

Naiinis akong tumayo." Sino ba kasi yan!?"

Biglang gumalaw ang anino at lumabas doon ang isang naka kulay pulang jaket.

" Kanina pa kita tinatawag. Ikaw si Bobang?" Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nya pero kita ko ang mga pawis nya sa noo at ang mga tigyawat nito.

" Oo,ikaw na ba yun?" Saglit kong tingnan ang hawak hawak nyang bag.

" Oo,ito na yung bag. Paki sabi kay Wenong bigyan nya ako ng parte ha?" Hindi ko naintindihan kung anong parte ang sinasabi nya pero ng nilahad nya ito saakin ay kinuha ko na ito.

" Sige,sige. At mauna naako,kasi ang tagal mo,kanina pa ako naghintay dito." Sabi ko.

Luminga linga sya sa paligid,parang natataranta? At saka sya bumaling saakin.

" Mauna na din ako." At nag kumurap ako ay mabilisan na syag tumalikod at tumakbo sa madilim na lugar.

Nagsimula narin akong maglakad,pero di ko maiwasang sipatin ng tingin ang bag. Mabigat iyon,at sa ikatlong araw ko na pagbubuhat ng bag ay ngayon lang ako na tipok ng kyuryusidad.

Tumigil ako sa isang naka awang na liwanag galing sa isang karinderya na sirado na.

Ipinatong ko ang bag sa sahig at dahan dahang binuklat. Napatigagal ako at napahinto.

Gusto kong maglumpasay sa takot ngayon. B-bakit drugs ang laman ng bag na ito?...

Nagkamali lang ba ang taong iyon ng bigay? P-pero hindi naman ata dahil kilala nya si Wenong.

Dali dali kong sinara ang bag at kaba kabang sinukbit iyon sa balikat ko. Mabibilis ang mga lakad ko.

Ito ang dahilan kung bakit malaki ang binibigay saakin! Dahil pala sa drugs!.

Napabuga ako ng malalalim na hininga ng tumigil sa tapat ng gate ng isang maliit na ware house,dito nakatira si Wenong.

Kumatok ako ng dalawang beses at mabilis itong binuksan ni Galunggong, nanlalaki ang mga mata nya saakin,o sadyang ganon natalaga iyon?

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now