chapter 10

48 2 0
                                    


Chapter 10

"PABILI nga ng pandesal." 
Lumusot ang ulo ni Mang Podoy sa maliit na bintana. Lumaki ang ngisi nya ng makita ako.

" Bente ulit?" Tumango ako.

Pagkatapos ay kumuha sya ng isang plastik at doon nilagay ang mga pandesal. Binigay ko sa kanya ang isang daang piso. Kinita ko kanina sa pagpupunas ng mga sapatos sa eskinita.

" Aba! Gumaganda ka ata ngayon Bobang ah?" Sabi nya habang kumukiha ng panukli.

Hinawi ko ang buhok ko.

Lumabas naman ang asawa nyang si ate Osang sa bahay nila. 

" Oo nga ano! Gumaganda ka Bobang, parang pumuti ka ng kunti." Humalakhak pa sya. Nagmukha syang ginisang tae.

" Talaga po?" 

" Nag liwanag kunti yung mukha mo,tapos nawawala na yung anghit mo kahit na malapit na kami sayo. Kita mo! Ang laki na ng pinagbago mo." Kung pwede lang matadyakan sa panga itong si Mang Podoy ay nagawa ko na.

Ngumisi nalang ako sakanila.

" Bakit nga ba nagbago ka ng kunti?" Singit ng asawa ni Mang Podoy.

Bigla namang sumagi sa isipan ko ang nangyare kagabi. Parang tinatadyakan itong puso ko sa kilig. Pano ba naman kasi, jenerjer ako ni H! Naka ilan pa kami dahil ayaw nyang paawat hanggang sa hindi pa na nginginig ang mga tuhod. Naabutan pa nga kami ng alas singko ng umaga dahil ang lakas ng resistensya ni fafa.

Namula ako,kaya nag si kantyawan ang dalawa.

" Uy! Namumula ka na din! Ano ba talaga ang sikreto mo?" Usisa ulit ni Ate Osang.

" Wala naman po." 

Inakbayan ni Mang Podoy ang asawa.

" Itong asawa ko,naku! Napakaganda kahit na dati ay meron syang putok." Binulong nya ang panghuling sinabi pero mukhang narinig iyon ni Ate Osang kaya nabatukan sya.

" Ang sabihin mo Podoy! Ikaw yung may deperensya. Tinitiis na nga lang kita dati kahit na amoy inaamag na patay yang bunganga mo!" 

Niyakap ni Mang Podoy ang asawa." Wag mo naman akong pahiyain mahal. Alam ko namang mabaho talaga yung hininga ko dati. Pero wag mo namang ipagkait na wala kang putok dati." Sinapak ng asawa ang ulo ni Mang Podoy.

" Heh! Hindi ka kakain mamaya at bukas. Amagin ka sana dyan." Isang pingot ang natanggap ni Mang Podoy,At mabilis na umalis si Ate Osang.

Kamot kamot ng ulo si Mang Podoy ng ibigay saakin ang sukli.

" Pasensya ka na sa asawa ko ha? Hindi nya lang matanggap na may putok sya dati,inaamoy amoy ko kasi yun dati tapos hinahalik halikan pa. Pag mahal mo nga naman kasi talaga,mamahalin mo rin kung anong meron lang sya." Parang kinurot ang puso ko sa sinabi nya.

" Aalis na po ako Mang Podoy." 

Ngumiti si Mang Podoy saakin kaya lumitaw ang aparador nyang ipin.

" O,siya sige. Mag iingat ka Bobang." Sabi nito at umalis na ako doon.

Iniisip ko. Ganun rin ba saakin si H?, Kasi palagi nya ding inaamoy minsan hinahalik halikan nya pa yung kili-kili ko. 

Nangingiti ngiti ako ng may biglang pumara sa akin. Kabado ako ng maninag ang magandang kotse.

" Oh my god! Okay ka lang ba miss?" Hinawakan kong mabuti ang supot ng pandesal,at saka tumayo.

" Uki lang ako." Pinagpag ko pa ang buhok ko dahil natapunan iyon ng putik.

" Hindi ko talaga sinasadya. Talagang ayos ka lang ba?" 

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now