chapter 19

61 1 1
                                    

Chapter 19

NANINIRIK,MINUMUTA,at nanunuling.

Bumungad saakin ang mukha ni Luigi sa tapat ng pintuan,akala ko hindi na siya magpapakita dahil sa nangyare nung nakaraan. Pero heto at kumukulisap nanaman ang mga mata na parang sirang crismast lite—light ata yun.

"Anong ginagawa mo dito?"

Lumapad ang ngisi niya saakin.

"May sasabihin sana ako sayo. Pwede bang pumasok muna? Hindi kasi ako sanay sa init." Tumaas ang isa kong kilay. Sunog ang kulay niya. Ang galing mag-inarte ng hayup.

"O,sige basta may patutunguhan yang sasabinin mo." Binuksan ko ng malaki ang pintuan. Li-lipad siyang pumasok,paano ba naman ay winawagay-way niya ang mga braso.

Tmikhim ako at kumuha ng tubig sa lamesa pagkatapos ay ininom ito. Nanlalaki ang ngisi nya saakin.

"Gusto mo ng tubig?" Alok ko. Nakita ko kasing nanlalaway na ang bunganga niya.

Umiling siya." No,im. Fine" loko tong gago ah? Galing mag english pero kailangan talagang lumabas iyang laway niya?

Nilapag ko nalamang ang tubig at binalingan nalang siya.

"Ano ba ang gusto mong sabihin?"

Nahihiya niyang kinamot ang bun-bunan niya.

"E,hindi ka na kasi nagpapakita saakin ng tatlong linggo. Hinanap kita,pero hindi kita mahanap,saan ka ba nagpunta?" Nagtago ako ng tatong linggo kaya hindi niya ako nahanap. At kailan pa siya nagkaroon ng pakialam sa buhay ko?

"Tapos,yayayain sana kitang mag date. Kaso kulang pala iyong pera ko. Kaya yayain nalang sana kitang mag mall."

"Mall? Sasama naman ako anu ka ba!" Akalain mo. Niyayaya niya akong pumunta ng mall,haggang panaginip ko lang atang mapunta sa mga sosyal na lugar kagay nun.

Pati doon sa... Biglang pumait ang pakiramdam ko.

Dalawang araw na ang nakalipas ng umalis ako doon. Mabuti at nadala ko iyong natira sa sampung libo at namasahe ako pauwi dito.

"Para mag-pahangin. Ang init kasi ng panahon." Nawala ang ngisi sa labi ko at sinuntok ko siya sa panga. Mabuti at nakailag ang gunggong kaya sa noo niya tumama ang suntok. Hayun at tumba siya.

Iniwan ko siya doon sa sahig at pumasok ng kuwarto. Masakit para saakin ang nangyare. Hindi ko ata siya mapapatawad kung magpapakita siya. Halos matawa ako sa sinabi ko. Paano siya pupunta saakin,eh buhay na buhay nga iyong ex niyang pinaglihi sa pusa dahil hindi namatay.

Ang pilengera ko pala dahil nag-iisip ako na totoo yung mga sinasabi niya,pati yung mga kilos niya. Sa huli ako din ag iiyak,ako ag iniwan at niloko ako narin ang magdudusa sa huli. Lahat tinalikuran ko para sakanya.

Tinag ko siya dati kay amang,ngskripsyo ako para lang may makain siya,ginawa ko ang lahat para hindi siya magkasakit. Pero yun pala sarili ko dapat ang inuna ko.

E,anong magagawa ko. Mahal ko ang pisteng,manlolokong,hayup na poging iyon.

Pinawi ko ang luhang pumatak sa mata ko. Isa pang patak at ibabalik nakita sa mata ko.

Hapon ng bumili ako sa labas ng makakain. Hindi ko na yata maiipon ang natirang pera,dalawabg libo nalang ito. Mabilis kasing maubos dahil sa tuig at kuryente. Pati pagkain ko araw araw,ang tubig ay hindi libre kaya nawawaldas ang perang iipunin ko sana.

Nabili ko na lahat ng kailangan ko,kaya napag pasyahan ko nang umuwi. Tutal ay mag gagabi na kailangan ko pag mag-igib ng tubig para makaligo,simula kasi ng umalis na ako sa bahay ay araw araw na aong naliligo kasi hindi nawawalan ng tubig. Nauubos kasi palagi ni amang ang tubig na ini-igib ko,kaya wala akong pagpipilian kundi ang hindi nalang maligo.

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now