chapter 8

32 2 0
                                    


Chapter 8

HINDI TOTOO!

Nagsisinungaling lang sya saakin! Wala talagang maalala si H,kaya sya nandito.

Pero bakit ganito?. Bakit nalilinlang ako sa sinasabi nya kung hindi talaga totoo?.

" Kamukha mo ang dati nyang fiancee,si Lerie." Ulit nya pa.

Nangingilid ang luha ko sa mata ng tingnan sya.

" Umalis ka na!" Isang kurap ng mata ay tumulo na lahat ng luha ko.

Bumuntong hininga sya at napahimas sa mukha.

" Okay. Kung ayaw mong maniwala ay ibigay mo nalang sakin si H. Para matapos ng lahat to." Nagtagis ang ngipin ko.

Pinakita ko sa kanya ang kutsilyo.

" Kung ayaw mong umalis. Tatanggalin ko yang bituka mo at ihahampas ko dyan sa apdo mo bago ko ipalunok sayo."

Nawalan ng kulay ang mukha nya.

" Oo na aalis na!" Inis nyang utas atsaka sinuot uli ang sombrero nya.

Bago pa sya tuluyang makatalikod ay humarap ulit sya saakin gamit ang malamig na mukha.

" One thing. H is a coldman,pagtyagaan mo nalang ang acting skills nya. I know it sucks." Tumawa pa sya.

Ngumiti muna sya saakin at kuminang nanaman ang hikaw nya sa tenga.

" And,oh. Do you mind if i came here next time?"

Sinaksak ko ang kutsilyo sa dingding.

Napalunok sya" Good night" at tumalikod.

Nanginig ang mga tuhod ko ng isarado ko ang pinto.

Sabi nya. Sabi nya saakin na wala syang maalala diba?. Papaanong?.. bakit ganun ka bilis?

Parang kabote na bigla alang sumlpot iyong si Vin,tapos sasabihin nya saakin to?. Hindi... Hindi dapat ako maniwala sa isang yun. Siguro ay nag jo-joking time lang sya saakin diba?

Kilalang playboy ang isang yun. At wala nang pinalampas,dinaig pa ang isang pota. Kaya paanong papaniwalaan ko sya?

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

Parang winawarak ang puso ko!

...

Maaga akong nagising kanina kaya nagawa ko na lahat ng gawaing bahay. Naka paglinis,laba,at nakapag igib na ako ng tubig,para hindi na maligo si H sa labas.

Bumili na din ako ng mga pagkain,katulad ng itlog at tuyo kanina. Sinalang ko ang kawali na hiniram ko sa nagpapaupa ng bahay. Nang matapos maluto ay nilagay ko na ang ulam sa platito atsaka nilagay sa maliit na lamesa.

Naka handa narin ang mga pinggan at kutsara. Hinihintay ko na lang sya na magising.

Kagabi kasi ay hindi ako makatulog kaya maaga akong napabangon. Hindi rin kasi ako mapakali kaya alatres pa nang umaga ay ginawa ko na ang mga dapat gawin.

Ayaw ko ring alalahanin yung kagabi. Siguro ay inaabala ko lang ang sarili ko.

Napahinto ako ng biglang may dumapong malalaking braso sa bewang ko. Napatalon pa ako ng humagod ang kamay sa likod ko.

" Ang aga mo namang magising." Paos ang bose nya.

Napaawang ang bibig ko. Isa ba to sa mga sinasabi kagabi ni Vin na akting?

Hindi ako makagalaw ng pinaharap nya ako sa kanya. Gusto ko syang halik halikan nang makita ang itsura nya.

Magulo ang buhok at namumungay ang mata,naka igting din ang panga, bumabagay sa matangos nyang ilong.

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now