chapter 11

46 2 0
                                    


Chapter 11

PARA akong tanga na umiiyak habang naglalakad,wala na akong pake sa mga taong nakatingin saakin. Nang makarating sa inuupahan ay niligpit ko lahat ng mga gamit ko.

Kinuna ko ang mga damit,nilagay ko iyon sa isang kahon dahil kunti lang naman ang mga damit ko. Pagkatapos ay niligpit ko din ang mga sinampay ko sa labas,saka sinuksok sa kahon.

Huminga muna ako ng malalim bago pahidin ang tumulong luha sa pisnge ko. Binitbit ko ang kahon papunta sa sala at pinatong muna iyon doon. Kunti lang ang mga gamit dito kaya nilagayko na lang din ito sa isa pang kahon.

Pero sa'n naman kaya ako titira? Alam kong galit saakin si amang at may mga tao pang gustong pumatay saakin. Pati na din si Wenong,nang mawala ako sa pinag ta-trabahuan ko sa kanya ay lagi ko ng nakikita ang nakaka asiwang mukha ng mga utusan nya.

Kinakaban ako at natatakot para sa kalagayan ko. Pero ano pa bang magagawa ko? Wala na akong masasandigan,wala nang fafa,wala ng Fenis! Wala na si H! Wala na rin atang patutunguhan itong mabantot—este nakakaawa kong buhay.

Humahagulhol ako habang nilalagay ang mga natirang gamit sa iba pang kahon. Kinapa ko ang ilalim ng kama at nahawakan ko ang isang kahon kaya kinuha ko ito palabas.

Walang pasubaling binuksan ko iyon at mas napahagulhol nalang sa nabungaran. Yung mga brip nya! Pati yung damit nya nung napunta sya saakin. Ganoon parin ang amoy no'n,mabango at amoy na amoy ko parin talaga sya.

Ang poolish ko talaga pagdating sa kanya. Siguro ay Foolish ata yun.

Inalog ko ang ulo ko at binalik ang mga damit nya sa kahon. Tutal ay umalis nanaman din sya itatago ko na lang din ang mga gamit nya,dahil parehas nya naman kaming iniwan kaya dapat lang na kami ang magdamayan.

...

"Bakit ka naman aalis? Libre na ang poso at kahit sa next next month ka pa magbayad ng renta!" Talak ni Aleng Berna.

Dala dala ang tatlong kahon na hindi naman kabigatan ay naabutan ko si aleng Berna na nanagarilyo habang nag po-posoy kasama ang mga kaibigan nya. Binigay ko na din ang bayad nung nakaraang buwan pati sa susunod kahit na hindi narin naman ako titira doon. Ayaw ko kasing naalala ang mga eksena nya kasama ako doon. Mas nasasaktan lang ang maharot kong puso.

"Buo na po ang disesyon ko. Gusto ko po kasing mag trabaho at mas mabilis kong mas malapit sa tinitirhan ko yung trabaho diba?" Hindi iyon totoo. Basta makaalis lang ako sa bahay na iyon para makalimutan ko lahat ng mga alaala.

Binuga buga nya ang sigarilyo sa hangin. Nagpaalam muna pala sya sa mga kaposoy nya para makapag usap kami.

"Tama nga naman. Pero napamahal ka na kasi saakin,isipin mo. Halos mag iisang buwan ka na? Ang ganda kaya ng usapan natin." Napangiwi ako sa sinabi nya.

"Pasensya na po,pero kelangan ko talaga ng trabaho." Sabi ko. Tinapak tapakan nya ang sigarilyo bago mag kibit ng balikat.

"Kung yan ang disesyon mo,hindi naman kita mapipigilan. Ikaw din ang kawalan, ang ganda na ng offer ko sayo." Ani nya at saka namewang at kumulubot ang mukha.

"Huy mareng Berna! Ano? Dika na ba mag poposoy?!" Sigaw ng isang nyang kalaro malayo layo dito.

"Maglalaro pa ako mga deputa! Sino na ba ang nananalo?" Sigaw nya pabalik.

"Mananalo na ako! Bilisan mo dyan at kulelat ka nananaman!" Muling sumigaw ang kalaro nya.

"Gaga! Hintayin mo ako,aba nakakatatlo ka na ah?"

"Oo!"

Nanatili ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong alam.

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now