chapter 4

37 1 0
                                    


Chapter 4

HALOS umusok ang mukha ko sa hiya.

" A-anong gagawin ko dito?" Wala syang sinabi at naglakad na. Nilagpasan ako.

" Huy! Ikaw ha! May balak ka bang churvahin ako?" Sinundan ko sya at sinilip pa ang reaksyon nya pero malamig parin ang mukha niya!

" Ang tahimik tahimik mong englisero ka!. Alam mo bag pinag alala mo talaga ako kanina?" Kinuhit ko sya ng makaeating na sa taas.

Sumasalat ang hangin sa mukha nya. Lumilipad tuloy ang hibla ng kanyang buhok.

" Magsasalita ka o hahalikan kita?" Lumapit na ako sa kanya. Iwan ko ba kung saan ko nakuha ang lakas kong sabihin sakanya ito.

Pero kinagat nya lang ang pang ibabang labi nya at namungay ang mga mata. Para akong napapasong lumayo sakanya.

Sobrang pogi ng kupal!

Kumunot ang noo ko ng may kunin sya sa bulsa nya at pinakita saakin ang isang brip! Ito yung brip na binili ko para sakanya.

Namula ang buo kong mukha. Hindi ko pa naibibigay sakanya iyan dahil nga nahihiya ako,pero papaano nya naman nakuha yan?

Dali dali kong hinablot ito sakanya at pinagtaasan sya ng kilay.

" San mo to nakuha!?"

Wala syang sinabi.

Napakunot ang noo ko habang tinitingnan ang condom na nasa plastik.

" May... Balak ka ba sakin...fenis?" Nakatingin pain ako sa mga condom na iba iba ang clayvor.

Tama ba? Baka flavor?...

" Kapos ka diba?" Napaangat ako ng tingin.

Kunti lang ang mga sinasabi nya pero napapahanga nalang ako. Papaano nya nalaman na kapos ako?

" Sell it."

Napaisip ako ng sandali. Tutal ay marami nga naman ang condom na nasa plastik. Malaki lang talaga ng panganga ilangan ko ngayon at nakakapagtakang nalaman nya yun. At bakit sa lahat ng ibibigay nya saakin condom talaga?. Akala ko talaga... Kung siguro ganon nga ang nangyare katulad ng sa iniisip ko ay papayag naman ako.

Hindi naman kasi ako tumatanggi ng grasya.

Nang mag tanghali na nagpunta ako sa simbahan at doon ko lihim na pinapabenta kay Susan ang mga condom. Nagbibenta rin nga pala sya ng mga ibat ibang klaseng vibereytor—viberator ata yun.

Shet nga lang dahil pag kabalik ko doon ay nabalitaan kong nasa kulangan na si Susan. Nakuha rin ng mga pulis ang ibat ibang Veb—Viberator. Pati na doon ang mga condom.

Malungkot ako ng bumalik sa puno. Ayaw ko namang sabihin kay fenis—este H ang nangyare at baka kumuha nanaman sya ng condom kung saan.

...

Matapos iyong nangyare kay Susan ay inabala ko muna ang sarili sa pag aalaga sakanya. Ngayon nga ay abala kami sa pagkain.

Pancit at kanin. At dahil sa gutom ko ay naparami ang kain ko kaya malapit pa akong mabulunan.

Sinuntok ko ang dibdib ko dahil sa pagkakabara ng pagkain. Dali dali kong ininum ang tubig na nasa plastik na bote.

Napatingin sya saakin at bahagyang kumunot ang mga noo.

" Baket?" Himas ko ang aking lalamunan. Nandoon pa kasi ang sakit.

Yumuko sya at maarteng pinulot ang pansit kaya hindi sya masyadong nakakakain.

" Hindi ganyan fenis." Lumapit na ako sa kanya para tulungan sya.

" Tingnan mo ang gagawin ko ha?" Pagsisimula ko. Nakatingin lang sya saakin kaya nagpatuloy ako.

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now