chapter 14

54 1 2
                                    

Chapter 14

NI HINDI NIYA manlang ako hinabol matapos nya akong churvahin! Kakalabas ko lang sa malaki nyang condom—este condo pala.

Hindi pa matigil ang luha ko sa pagtulo. Dapat nga ay magsaya ako kasi binigyan nya ako ng sampung libo. Wala kasi akong pera pamasahe papunta sa bahay nung Marcha. Nung paalis na ako doon ko na hinirit na humiram ng pera,kahit limang daan lang sana pero sampung libo ang binigay.

Kulang pa nga daw iyon,wala lang daw syang cash,ayaw ko namang tumaggap nang card mula sa kanya. Babayaran ko pa ang inutang kong sampung libo sa kanya,ayaw kong magkautang na loob sa isang katulad nya.

Marahas kong pinahid ang luha at nagtawag ng taxi. Mabuti at alam ko pa ang address ng skwatir na tinitirhan ni Marcha.

Ilang minuto lang ay nakarating na nga ako sa bahay ni Marcha. Kumatok ako ng ilang beses at bumukas naman kaagad ang pinto.

"Ano yun—ay kalabaw!" Nabigla sya ng makita ako.

"Kukunin ko sana ang mga gamit ko."

Nakita ko syang lumunok bago hilaw na tumawa.

" Ah..eh kasi..." nauutal sya.

"Nasaan ang mga gamit ko?" Natataranta na ako.

"Yung mga gamit mo... Ano. Nasa kwarto,pero kasi hindi ko sinasadyang." Mabilis ko syang hinawi at naglakad papasok ng kwarto.

Hinalungkat ko ang mga gamit ko sa kahon pero wala naman doong nawala. Tutal ay maayos pa ang pagkakatupli nito.

"Eh,kasi..." Nakasunod na si Marcha saakin. Kumakamot pa sya ng batok nya.

"Ano... Nasuot ko ata yung brief." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Amin na." Mabuti at maputi syaako maitim kundi mabibigwasan ko talaga sya. Hindi ko naman nilalait ag kutis ko pero nirerespeto ko kasi ang mapuputi.

Dali dali syang kumilos at hinawi ang palda,pagkatapos binigay saakin ang brief. Namumula ang kanyang pisnge ng singhutin ko yun.

"Na miss ko kasi yung brief na binibenta ko dati,ganyan din yun,eh." Humagalpak sya ng tawa,na akala mo may nakakatawa.

Langhap ko ang masangsang na amoy galing sa brip. Nakakainis naman,dapat ako ang nagsuot nito hindi sya.

"Naku! Masangsang na yan,papalabhan ko muna,teka." Sabi nya.

"Upos!" Parang pamilyar ang pangalan na yun,saan ko nga ba iyun narinig?

Biglang lumabas ang isang batang lalaki na may malaking bungi sa harapan. Mataba ang pisnge pero payat.

"Ano po yun AKSGSBU?" Lumalabas ang laway nya sa mga bungi nya.

"Labhan mo muna to,NNNN." Ano daw?

Tmuwid ng tayo ang batang lalaki. Binigay ni Marcha ang brip.

"RAOTW." Ano bang sinasabi nila?

Nagulat ako ng hampasin ni Marcha ang batang lalaki sa batok.

"Loko ka! Anong RAOTW. Gawa gawa ka nanaman diyan!" Pumunghalit nya.

Napakamot sa pisnge ang bata.

"Ibig sabihin po nun Rayt Awi On The Wi." Bulol ang dila nito.

Kinurot sya sa pisnge ni Marcha.

"Ikaw na bata ka! Hala labhan mo na yan!" Winasiwas nya ang kamay.

Ngumingiti ang bata bago sumaludo,lumitaw ang dimple nya sa magkabilaang pisnge.

HIS OBSESSIONWhere stories live. Discover now