chapter 3

43 1 0
                                    


Chapter 3

" MAGKANO naman yang mangga?"

" Limang piso isa! Pero makakamura ka 'nay kapag inisang kilo muna." Hawak hawak ng basket ng mangga ay naglalako ako dito sa tabi tabi.

" E, mag kano ba ang isang kilo?"

Napangisi ako sa matanda na malapit ng mawalan ng buhok.

" Bente dos . At may kasama pang dagdag."

Tumango tango ang matanda.

" Ah,sige. Ano ba yung dagdag?"

" Isa pa pong mangga." Napakamot ako sa ulo ko.

" Ah,ganon ba?. Sige maglako ka na sa iba." Sabi nito kaya kumunot ang noo ko.

" Hindi ho kayo bibili?" Pag sisipat ko pero ang matanda ay umiling lang saakin.

Biglang may sumulpot na mga nurse.

" Ay, 'nay! Nandyan ka lang pala. Tayo na po sa loob?" Tumango ang matanda ng alalayan sya nitong maglakad.

" E,bibili sana ako ng mangga. Wala naman akong pira,may lima ka ba dyan?" Umiling ang nurse sakanya bago lumingon saakin.

" Pasensya ka na kay nanay ha?. Makulit kasi to,kaya kung san pagala gala sa mental house." Napalabi ako sa sinabi nya at tumango nalang.

" Sa susunod itali nyo na po si nanay sa rehas,at baka magtanong nanaman ng kung ano." Hilaw syang napatango at umalis na.

Pagkagising ko ng maaga ay naglako na kaagad ako ng mangga,dito sa santa ines mental hospital. Mag a-alas otso na ng umaga at pupuntahan ko pa si H my loves.

---

Pagkarating na pagkarating ko ay bigla nyang sinunggaban ang pandesal kong dala dala. Napaupo ako sa tabi nya ng makitang wala nanaman syang saplot na pang itaas.

Sadya bang pinapakita ng poging ito ang tumataginting nyang abs sa'kin?

Natatakam tuloy ako sa pandesal nya-este sa kinakain nyang pandesal.

Nakita nya ata ang pagkakatahimik at ang pag sulyap ko sa kanya kaya lumapit sya saakin at nilahad ang pandesal.

" Ha?" Tila naging tuod ako sa titig nya.

Bumuka ang mapula nyang labi para magsalita.

" Eat." May kung anong pumasok sa isipan ko at sinunggaban ang pandesal nya.

Kanda ubo ubo ako ng isubo iyon.

Matapos iyon,ay umuwi muna ako sa bahay para makuhanan sya ng iilang damit. Nalaman ko palang nabasa ng pawis ang binigay kong damit sa kanya,kaya nya hinubad. Kinakabahan pa ako nang makapunta na sa bahay dahil baka bugbugin nanaman ako ni amang.

At doon nga naabutan kong parang kinikiliti sa singit ang maharot na si Merna nang pinupunasan ang noo ni papa. Nakanganga ito habang tulog na tulog,at kakatapos lang atang uminom.

Hindi ko sila pinansin at lumakad papasok sa bahay. Nagpunta ako ng kwarto at pinili ang mga iilang damit na hindi na sinusuot ni amang.

Nang papaalis na ako ay naabutan ko pang mayroong nagbibenta ng brip.

May butas kasi iyong brip nya sa pwetan, at iba na din ang amoy non. Mabuti pa at bilhan ko sya ng bagong brip.

" Ala eh. Bili bili na mga suke! Ala, kaka nakaw-este kaka gawa lang nito!. Magandang klase,ibang klase! Maraming uri. Kakaibang titi!" Nilapitan ko ang babae na nag bebenta.

" Oh,suki! Anong sayo?" Sipat nya ng makalapit ako.

Nagtitingin tingin ako sa mga brip doon. Ano nga ba ang pwede sa kanya?

HIS OBSESSIONKde žijí příběhy. Začni objevovat