Kabanata 1

346 18 3
                                    


Abalang-abala ang mga matang nakatutok sa harap ng laptop habang malilikot naman ang daliri kong nagtitipa sa keyboard ng laptop ko. Prenteng-prente akong nakaupo sa swivel chair at sa kinaroroonan ko'y kitang-kita ko lahat ng mga kapuwa ko empleyadong abala. May mangilan-ngilang nagkukuwentuhan, pero mas marami ang tahimik at pokus na pokus sa ginagawa. Sandali akong tumigil sa pagtitipa para magpakawala nang isang malalim na buntonghininga.

Itinukod ang siko sa mesa't hinilot ang magkabilang sintido. Hindi na lang sana ako pumayag sa gusto ng aking pinsan kagabi.

Hangover.

Hindi ako natutuwa at tila isang bangungot ang pangyayari kagabi. Bakit nga ba kasi ako pumayag? Nakailang buntonghininga pa ako hanggang sa marinig ko ang pag-ding ng elevator.

Hindi na ako lumingon para sulyapan ang pagtigil ng mga kapuwa ko empleyado. And as usual, narinig ko ang pigil na pagtili galing sa isang cubicle sa opisina. Kasunod noon ang bulungan ng mga kapwa ko kababaihan sa kabilang side ng opisina, at mahihinang hagikhikan ang narinig sa dalawa pang cubicles. Pasimple akong napairap at nailing na lamang sa kanilang asta.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang mga yabag niyang paniguradong suot na naman nito ang paborito niyang italian shoes na hinahalikan ang mamahaling marbled tiled flooring ng opisina. Ilang sandali pa ay tanaw ko na ang matipunong katawan niyang palapit sa aking gawi.

Nanatili akong nakatayo upang magtipa pa ng ilang salita sa isinusulat kong dokumento. Sa ingay na namuo sa opsina ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanilang lahat.

"Good morning, sir," nakangiting pagbati ng isa sa mga ka-opisina ko at nasundan pa iyan ng masiglang pagbati mula sa mga malalakas ang loob.

An angelic smile of him painted on his full lips as his welcomed to us. Ang pagkakatindig nito at wala kang mapupunang anumang mali, puwera na lang kung may alam ka.

Sinulyapan ko siya ng ilang minuto. Chin up, at tila artista ang datingan sa suot ng aming boss. Napatikhim ako sa outfit niya ngayon, na hindi naman nila napansin ang reaksyon kong iyon kahit medyo nakaaagaw ng eksena. Attractive business suit and not new at all to me is his coat. Iba-ibang style ng coat ang isinusuot niya, pero iba ngayon. He is wearing a baby pink coat, which made me chuckle. Natatawa akong mag-isa rito sa aking kinaroonan. Nakita kong napasimangot ang iba. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang sinabi ng ka-opisina ko sa aking bandang likuran.

"Guwapo nga, pero medyo suplado naman." Suplado ba? Kung una mong titingnan at kung hindi mo kilala nang lubusan ay mapapasabi ka talagang napaka-suplado niya. Pero, kahit na mukhang suplado ang aura niya'y marami pa ring nahuhumaling sa kaniyang alindog. Bahagya akong nailing. Kung alam lang talaga nila ang nalalaman ko, magugustuhan pa kaya nila ang tulad niya?

Naiiling ko na lamang ni-save ang tina-type kong dokumento bago ako tumayo. Iniayos ko ang pencil skirt kong suot saka kinuha sa ibabaw ng mesa ko ang planner at ang tilted pen. Sa pagtuwid ko nang tayo ay eksaktong tumigil sa harapan ko ang dahilan ng pinagbubulung-bulungan ng mga kapwa ko kababaihan.

Nagtama ang mga mata namin, at hindi nakatakas sa aking paningin ang isang matamis na ngiting ipininta niya sa labi nang titigan ako nito. "Althea, in my office please."

Kung first time mo rito ay tiyak kong giginawin ka sa lamig ng kaniyang aura, pero hindi pala. Iyon ang way niya para pagtakpan ang isang pinakaingat-ingatan niyang sekreto. Dala ang planner din niya ay agad akong sumunod nang pumihit na ito paharap para tumungo sa kaniyang opisina. Parang napagalitan ang lahat nang tumahimik at ramdam ko rin ang tingin nilang hindi na bago sa akin.

Aware ako sa tsismis, at tanging pagkibit-balikat na lang ang maisasagot ko sa kanila, at ganoon din madalas si boss. Hindi ba puwedeng magka-trabaho ang isang single na babae at single na lalaki? Bakit punong-puno sila ng intriga?

Sumasakit lamang ang ulo ko sa kanila dahil sa sobrang daldal nila't i-tsismis na may relasyon kaming dalawa. Kung alam lamang nila ang totoong nangyayari sa loob ng opisina ni boss Maurel sa tuwing kaming dalawa na lang ay paniguradong walang iintriga.

Oo, may relasyon kaming dalawa. Tipikal. He is my boss, and I am his executive assistant, and I am his best friend, hindi ang magka-ibigan.

Binuksan niya ang pinto, at bumungad naman sa akin ang napaka-comfortable niyang opisina. Hindi kami maririnig dito dahil sound proof ito kaya kahit magtititili siya ay walang makaririnig. Pagkasara ko ng pinto sa opisina niya ay narinig ko ang paglapag ng bag niya sa kaniyang mesa. Maging ang pagbuntonghininga niyang tila pagod na pagod ay naulinigan ko. Humarap ako sa kaniya at nakita ko siyang naghuhubad ng kaniyang coat. Tumingin ito ng ilang segundo sa akin hanggang sa inirapan ko siya, ngunit sinuklian niya ako nang malapad na ngiti.

Naglakad ito palapit sa kaniyang mesa at pabagsak siyang naupo sa kaniyang swivel chair. Ipinadaan pa nito sa kaniyang buhok ang mga mahahaba niyang daliri. "Iba talaga ang kamandag ko, bes. Naloka ka ba?" tanong niya sa akin na ikinatawa ko saka nginiwian.

"Oo na, ikaw na. Best actress ka na," tumatawa kong sagot sabay upo sa upuang nakapuwesto sa harap ng office desk niya. Inilapag ko ang dalang planner d'on at kaswal na sumandal sa kinauupuan.

Pinakatitigan niya ang kaniyang daliri. Tila nagpapantsya ring makulayan ang kaniyang mga kuko nang makitang sinulyapan niya ang bagong manicure at nail color sa kuko ko. Sumimangot siya nang naalala ang kaninang pangyayari. "Mga bruha kasi ang mga 'yan. Nakakita lang ng guwapo, laglag mata na. Nakakailang, bes, at mabuti na lang umayon ang pag-suot ko ng pink kaya medyo maganda mood ko ngayon," ismid niyang reklamo sa inis.

He doesn't want the attention of girls, he wants the attention of his same gender, a man rather.

"Parang hindi ko naririnig ang mga bulungan nila diyan, pati ang pagtititili nila. My god!" dugtong pa niyang napahawak pa sa kaniyang noo.

"Stress ka na ba, bes?" tawang-tawa kong tanong sa kaniya. Hinilot niya ang kaniyang sintido sabay irap sa akin nang bongga.

"Super, bakla. Umagang-umaga naiinis ako bigla. Kung alam lang nilang hindi ko sila tipo dahil- my God!" pasinghal niyang reklamo. It made him stressed. Muling umalingawngaw ang tawa ko na siyang ikinakairita rin niya.

Sino nga ba ang hindi magkakandarapa sa kaniya? From his oval shape face and his masculine-manly figure, who the hell will don't have a crush on him?

Itinaas ko ang palad ko. "Oh, chill. Baka ma-losyang ka na niyan at mamaya wala ng papatol sa 'yo," saway ko nang natatawa pa.

Umarko ang dalawang kilay niyang tila nanggitgitan sa traffic jam. "Who says that wala?" halukipkip niyang tanong. "Duh! Marami riyan sa tabi-tabi." He rolled his eyes like a girl and he flips his imaginary long hair. I just made a face.

Hindi ko maiwasang mapatitig ang mga mata ko sa labi niyang kulay pink. Why does my lips look pale? "Bakla, huwag mo akong titigan baka ma-fall ka sa akin, hindi kita masalo," biro niyang ikinangiwi ko.

"Asa!" asik ko. We look like a high schooler the way we talk, but we are comfortable with this. Dapat akong gumalang, pero ang sabi niya kapag kaming dalawa lang ay labas daw ang salitang "boss". Ngunit, sa harap ng mga empleyado ay kailangang pormal kami't propesyunal ang datingan.

He groaned from annoyance. "Bakla... huwag mo akong titigan," saway niya. I mentally rolled my eyes and grimace on him. Ako ang nanghihinayang sa kaguwapuhan niya. Iba na talaga ang panahon ngayon, marami na ang mamamatay sa akala mong lalaki siya, pero bakla pala.

But who am I to stopped him from being the real him. We've been friends and I knew his greatest secret on his life. Sino ang mag-aakalang ang guwapong ito at may makalaglag na ngiti ay isa palang closet gay. Yes, nobody else know about his gender preference except me. Siya at ako lamang ang may alam.

But what could be the reaction of his family when they knew his secret? Would they accept him as the way I accept the real him, or not?

Pinasadahan ko siya ng tingin nang sandaling tumahimik siya bigla. May problema yata. This past few days, I see him like this-problematic but he always laughs. Nag-aalala ako sa kaniya. Behind those silly jokes and beautiful smile painted on his lips, is a mask. Through his protruding deep-set eyes that suits on his brown eyes, I know that he has a problem.

"Bes, may problema ka ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. He shook his head.

"Wala. Tapos mo na ba 'yong dokumentong pinapagawa ko sa 'yo?" I bit my lower lip and slowly shook my head. My bad, hindi ko natapos dahil inuna kong magpakasaya kagabi.

Roses of AffectionWhere stories live. Discover now