Kabanata 18

67 5 0
                                    

ISA-ISA kong binilang ang daliri ko. Lima. Limang linggo ang nagdaan na hindi kami nagpapansinan, at mabait siya sa akin. Himala kung tawagin dahil nakakabigla ang ipinapakita niya. Umikot-ikot ako sa kinauupuan kong swivel chair. Nagre-relax sandali bago ituloy ang ipinapagawang reports, pag-asikaso sa schedule nilang magkapatid as my boss. Wala pa ring nahahanap na qualified for the position of executive assistant for Maurel. Bakit pa kasi niya ako ipinamigay sa iba, e 'di siya ang nahihirapan ngayon.

Nag-inat-inat ako at humikab nang malakas, na para bang nasa bahay ako. Lumabas ang dalawa to meet their potential client. Sumasama ako sa kaniila, pero inaywan nila akong pareho. May brother date yata kaya ayaw akong isama.

Sa kalagitnaan ng pag-iinat-inat, biglang nakiliti ang tiyan ko nang mag-vibrate ito. Nangunot ang noo kong pinakatitigan ang tumatawag pagkabunot ng cellphone sa bulsa.

("Pinsan, nag-aaya si mamita ngayon na gumala sa Davao City. Pinapasabi niyang magpaalam ka raw sa boss mo dahil importante raw ito kaysa sa trabaho mo,") magandang bungad niya pagkasagot ko sa kaniyang tawag.

Umangat ang isa habang dahan-dahan kong iniaangat ang isa pang kilay. "Seryoso kang iyan talaga ang sinabi ni mamita?" nagdududa kong tanong. Madalas kasi ay wala namang pinapasabi sa mamita. Ayaw ko ng sumama sa kaniya dahil mapahamak ako. Baka maulit iyong nangyari.

She groaned. ("Kung ayaw mong maniwala sa akin, ito, kausapin mo.") Narinig ko ang maingay na ihip ng hangin sa kabilang linya. Mga yabag niyang nagdadabog-dabog. Naiinis ulit sa akin dahil sa hindi ko siya pinaniniwalaan.

("Mamita! Kausapin mo si Althea, ayaw maniwala sa akin!") inis nitong sigaw. May isang yabag pa akong narinig, tunog ng sandals na tumutuktok sa sementado naming sahig. Umaangat-angat naman ang kilay habang hinihintay kong umalingawngaw ang boses ni mamita.

("Mamita!")

"Hoy, huwag kang sumigaw," saway ko rito dahil panay ang sigaw. Nakalimutang walang kausap na tao.

("Pamangkinak, tara na. Magpaalam ka na sa boss mo,") matinis na tinig niya.

"Mamita, hindi ganoon kadali magpaalam." Bumuntonghininga akong napakamot sa aking kilay.

("Aba, bakit hindi?") Nai-imadyin ko tuloy siyang nakapamaywang sa akin. Nakataas ang dalawang kilay na may simangot sa labi. 

("Gusto raw niya kasing makaharot pa ang boss niya kaysa sa makipag-bonding sa atin,") masungit na tinig ng aking pinsan. Tila gusto kong habaan ang kamay para hilain ang buhok niya sa pagsabat-sabat nito.

Pumikit ako sabay buntonghininga ulit. "Hindi naman sa ganoon, mamita at Mau, hindi naman kasi madaling magpaalam para sabihing may family bonding tayo sa Davao, at excuse ako, ganoon?" tanong sa kanila. Hindi naman ako bata para mag-excuse na ng ganoong walang kahulugan. It is a lame excuse at tiyak na hindi ako papayagan.

Ipinatong ang kamay sa office desk at umayos ng upo. "Hindi na ako estudyante na may exemption, na kailangan ng excuses tapos ang lame pa ng excuse ko. Wala naman akong sakit para hindi na magtrabaho, at mabuti kung papayagan ako ng boss ko." Sumimangot ako dahil parang nagtatampo ang dalawa.

("Pamangkinak, nagtatampo na talaga ako sa 'yo. Kaloka kang bata ka! Ni hindi na nga tayo nakakapag-usap sa bahay dahil lagi kang pagod na pagod, tapos hindi mo man lang ako pagbigyan ngayon?") malungkot ang tinig niyang nagtatampo nang pirmi.

Ngumiwi ako. "Mamita, puwedeng bumawi na lang ako next time? Hindi talaga kasi ako puwede, e. Remember sayang ang money," paalalang sabi sa kaniya. Hindi dahil sa mukhang pera ako, pero sayang ang suweldo. Mabuti kung papayagan ako ni Frence kapag sinabi kong may family bonding kami. Iyon pa, paniguradong hindi ako n'on pagbibigyan.

Roses of AffectionWhere stories live. Discover now