Kabanata 3

113 4 3
                                    

Paulit-ulit na pagbuga ng hangin ang ginawa ko bago sumulyap sa katabi kong mahimbing na natutulog, habang nakadantay ang ulo nito sa aking balikat. Inaantok man, pero hindi magawang maidlip sa kadahilanang kabado ako masyado.

Pinadaan ko ang daliri sa hanggang balikat kong buhok gamit ang kaliwang kamay. Pagkalapag ng eroplanong sinakyan namin dito sa Cebu City, ay sinundo kami ng kanilang family driver. Inoorasan ko kung anong oras kami makakarating mismo sa kanilang mansion. Mga alas dos y media na pero binabagtas pa rin namin ang maluwag na daan.

Sabi ni manong kanina ay malapit na raw kami dahilan para dagahin ako ng aking matinding kaba. Problemadong-problemado ang hitsura ko.

Mabuti na lang at hindi nang-intriga sila mamita at Maureene sa pupuntahan ko. Nagpaalam akong may business trip kami sa Cebu nang sa ganoon ay hindi sila maghinala. Inayos ko na rin ang schedule naming dalawa, at pansamantalang namili ng OIC habang wala kaming dalawa.

Gumalaw ako sa aking posisyon sapagkat nakaramdam na ng pagkangalay. Nagising ko siya sa nagawa kong pag-upo nang maayos. I gritted my teeth and scratch my nake.

Pupungas-pungas itong ngumiti sa akin. "Are we here?" palinga-linga niyang tanong. Kibit-balikat ang naisagot ko saka lumingon sa labas ng bintana upang silipin kung nasa kaharian na nga ba kami ng pamilya Eustaquio, pero tila malapit na nga kami dahil sobrang bilis ang kabog ng aking puso.

Hinawakan ang kanang palad na biglang nanlamig. Tumingala ako para i-adjust ang lamig ng nakatutok na air conditioner sa akin.

"Bes," tawag niya sa aking nakanguso nang lingunin ko. Pinandilatan ko siya nang mata sabay nguso naman sa harap bilang pagsaway sa kaniyang hindi dapat lalambot-lambot. "Thank you," he mounthed.

Halos tumirik ang mga mata ko. Maurel lied that he has a secret girlfriend for a few years now. A lie just to hid himself, at sa kadahilanang nangungulit na rin ang parents niya kung kailan niya ipapakilala ang babaeng iibigin niya habambuhay. And my boss slash my best friend, persuade me to pretend... and here I am, he succeeded to convince me. Sideline ko ngayon ang maging pekeng fiancee niya.

Sinimangutan ko ito. I heard him giggled besides me. "Naiinis ka pa rin ba sa akin?" Tinutusok-tusok niya ang balat ko sa palad, gamit ang kuko niyang may katulisan.

Ismid lamang ang sagot sa kaniya. I faced him when my imaginary light bulb, blink. May inis pa rin sa aking ekspresyon. "Maurel, hindi ba sign na ito para umamin ka?" pabulong kong tanong, where only the two of us can hear.

This time, nakita ko ang pagsimangot niya't pagbuntonghininga nang may halong pagkadismaya. "Hindi mo kilala ang pamilya ko, Althea."

Natigilan ako, hindi nakapagsalita. Gaano ko nga ba kakilala ang pamilya niya kahit ngayon ko pa lamang sila makikita?

Politician at retired military ang daddy niya, at kilala ang pamilya nila sa kanilang probinsya. Retired principal naman ang mommy niya. Lima silang magkakapati, at puro sila lalaki. Tatlo sa kaniyang kuya ay pamilyado na.

Ang panganay niyang kapatid ay isang abogado, married, at may tatlong anak. Pangalawang kapatid niya ay isang doktor at may kambal na anak. Samantala ang pangatlong kapatid niya ay isang engineer at may apat na anak. Ang pang-apat niyang kapatid ay dalawang taon lang ang tanda niya kay Maurel, and he is the black sheep of the family. I understand the pressure of being with that kind of family. These are the only information I know, based on Maurel's little life stories he tells to me.

"Ma'am, Sir, nandito na tayo." Sabay kaming tumango. Tiningnan ko ang relos ko, kalagitnaan ng hapon na pala kami nakarating. Umikot si Maurel para pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Maalinsangang panahon maging ang hanging bumungad sa akin. Segundo akong tumingala to look up the sky, and I saw a rose-like formation of clouds that it made me relaxed.

Roses of AffectionWhere stories live. Discover now