Kabanata 15

61 6 0
                                    

GULAT NA gulat ako nang humarang sa dinaraanan ko si Frence. Matuwid siyang nakatayo sa harap ko kahit na kanina ko pa itinutulak upang makaraan lamang ako, ngunit masiyado siyang malakas para maitulak ko siya nang malakas.

"Sir..." nakangiti at mahinahon kong tawag sa kaniya. Naka-fierce look lamang siya, walang kaemo-emosyong makikita.

He pursed his lips. "Can we talk?" Lumunok ito sanhi para makita ko ang pagtaas-baba ng adam's apple niya.

"Nag-uusap na tayo," maikli't pabalang kong saad.

"Huwag kang gumaya sa napapanood mong namimilosopo," inis niyang saway.

Umikot ang mata ko saka humalukipkip. "Hindi ko naman sila ginagaya dahil totoo namang nag-uusap na tayo. Ano ba ang tawag mo sa ginagawa natin ngayon?" He just 'psh' and look away.

"Let's eat lunch together." My lips form an "o" shape, and my eyes became bigger. Maging ang tainga ko ay lumaki sa hindi inaasahang marinig.

"What?"

"Come on, you aren't a deaf," labas sa ilong niyang sambit. Tila napahiya sa mismo ito sa harap ko dahil sa pagbuga niya ng hangin.

"Tayo, kakain ng magkasama?" tanong ko, pinagdikit pa ang dalawang hintuturo ko nang iangat ko parehas.

"Bakit may mali ba roon?" Naiilang akong ngumiti habang sinasabayan ko nang pag-iling. Ano ba ang pumasok sa isip nito at biglang gusto niyang sabay kaming kumain? Kung alam lang niya kung gaano ka-awkward akong kasama siya. Seems like I am always on the hot seat. Sinusunog ang puwet ko noong kasabay ko siyang kumain. Nasanay na ako sa pag-uugali niyang matinik, at nakatatawa tuwing nagiging mabait ito sa akin. Tila nagkatawang taong anghel o baka sinaniban panandali ng kabaitan.

"Hindi lang ako makapaniwalang sasabay ka sa akin ngayon." Tumawa ako nang may kalakasan.

Namilog ang mata nang umikot ang mata nito. "Well, masanay ka na. Starting today, magkasabay na tayong kakain."

"Para ka namang jowa ko," pabulong kong ungot.

"If I only could have that title, why not?" Umarko ang kilay ko na papunta na sa tuktok ng aking ulo.

Sandali akong natimang sa naulinigan. Tinitigan ko nang maigi ang mata niya. Aaminin ko nakakalunod makipagtitigan sa kaniya. Imbes na umiwas ako, may nag-udyok pa sa aking ipagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Tila may mahika na pumupukaw sa akin para mapabilib o mahikayat na mas tumitig pa sa mga mata niya upang sa ganoon ay magsalita siya. "Tapatin mo nga ako—"

"I want you." Sumilay ang ngiti niyang minsang nagpaakit at nagpalamon sa akin sa isang alaala. It made me startled. I'm not used to it. I prefer the thorny attitude of him not like this.

Nandilat ang bilugan kong mata na tila maihahalintulad sa mata ng tarsier. Nakaawang ang bibig ko na magkakasya ang langaw sa loob.

Seryosong mata sa mata, kukurap-kurap kaming dalawa at hindi mawari ang ginagawa namin sa isa't isa dahil walang naglilihis ng paningin. Nahipnotismo kami sa pagtititigan namin. Nagsusurian at tanging pagtitig na lang yata ang aking magagawa sa pagkabigla. "But I can't have you. You are my brother's fiancee." Malungkot na pagngiti ang umukit sa labi niya't sumilip ang biloy nito.

God! Don't give me that smile, I'm falling.

"See you later," he said before leaving me alone from confusion.

Ano nga ba ang nangyayari? Bakit biglang umikot ang mala-ferris wheel na gulong ng sasakyang hindi umaandar, at umangat sa ganitong pakiramdam? Ang puso ko ay papalakas nang papalakas ang pagkabog, hindi dahil sa kaba kundi sa ibang dahilan na hindi ko kayang tanggapin. Hindi maaari.

Roses of AffectionWhere stories live. Discover now