Kabanata 7

87 4 0
                                    

ITO ang unang araw niya at ang unang araw kong makakasama ang kinaiinitan ng aking dugo. I was standing firmly, waiting my boss Maurel and his brother, Frence— no! Pareho pala silang boss ko.

My eyeballs became bigger when I saw him. The employees give him a grand entrance. Lahat ng kanilang mga mata ay nasa kaniya, pero ako, napangiwi ako nang bahagya. He's different from his brother. Magulo ang buhok niya na tila bagong gising lamang at nagpagulong-gulong pa sa kama. Hindi boss ang datingan niya sa kaniyang suot, naka-plain shirt, kupasing jacket, at ragged jeans.

Bakas ang katuwaan sa mukha ni Maurel nang dumating ito pagkakita sa kapatid. As usual, he looks neat with his coat and tie.

"He is Frence Eustaquio, he will co-manage me the business, so please, call him as a boss also. He is different from me," ganadong-ganado niyang pagpapakilala sa buong opisina. Hindi nakatakas sa akin ang hagikgikan, at bulungan nilang nariring naman dahilan para makita ang pag-ngisi ng lalaki. Parang hindi sila nakakita ng guwapo sa tanang buhay nila, kilig na kilig, pero hindi naman siya interesado sa kanila.

"Mas guwapo pa siya kay Boss Maurel. Maginoong medyo bastos ang dating niya sa aura pa lang niya." Narinig kong tiling bulong ng babaeng nasa likuran ko. Agad silang tumahimik nang magawang lingunin sila. Sa takot sigurong magsusumbong ako sa dalawang magkapatid na nasa harap ko ngayon.

Marahang pumihit ang magkapatid patungo sa bakanteng opisina, na paniguradong dito ang opisina niya. Sumunod ako sa kanilang dalawa habang inililislis pababa ang laylayan ng umaangat kong palda.

"Dito ang magiging opisina mo, kaharap lang noong akin," sabi ni Maurel habang nakasunod ako sa kanilang dalawa.

I roamed around and I notice that his office are half-organized clutter, mahogany desk and a swivel chair; small chandelier at the ceiling and the color of his office are whole black unlike Maurel's cozy office are whole dirty white.

All in all, medyo komportable naman sa pakiramdam ang dating stock room. "On-going na rin ang pag-hire namin sa executive assistant mo," sabi pa ni Maurel. Umikot ang aming kausap sa buong mesa at nahuli pa ang kamay niyang ipinadaan sa mahogany desk, wala siyang napansing alikabok.

"No," maikling sagot niya pagkaupo nito sa swivel chair niya dahilan para magkatinginan kaming dalawa ni Maurel at parehong mangunot ang aming noo.

"I want her," dugtong niyang nagpaawang sa aking bibig habang nakaduro pa ito mismo sa akin.

My eyes wide open. Agad akong humawak sa braso ni Maurel para magsalita, at tumanggi pero nanatili siyang tahimik. Lumipat ang tingin ko sa lalaking prenteng nakaupo sa swivel chair habang may malapad na ngisi sa labi.

Alam kong executive assistant ang tinutukoy niya, pero bakit parang iba ang pakiramdam ko sa tingin niya?

"Okay," maikling sagot niya. Nanlaki ang mga matang biyugyog ko ang laylayan ng kaniyang coat. Umaasang bawiin niya kahit napaka-klaro na ng sagot.

"Maurel," pabulong kong tawag sa kaniyang pangalan nang pabulong.

Ramdam ko ang tingin ni Frence na tumutusok sa akin. Tuwang-tuwa. "Aayaw ka ba sa sinabi ng ex-boss mo?"

"Hindi pero—"

"Don't worry I won't let you fall for me," nakangiting paniniguro niya dahilan para hindi ko matapos ang sinasabi. Of course! I will not fall for him.

"It's not that—" Humaba ang nguso nang hindi ko ulit natapos ang sinasabi nang sumabat si Maurel,  na humarap pa sa aking hinawakan ang magkabilang balikat.

He lifted my chin. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mata, at may iba pa akong napansin. "You're no longer my executive assistant, but you are my only fiancee on my heart." Sabay kindat niyang nagpakilabot sa akin bago niya ako iwan kasama ang kapatid niyang nakikipagtitigan.

WALANG kaalam-alam si Frence na paroroon ako sa opisina ni Maurel, kahit inuutusan niya akong bilihan siya ng kape. Itinulak ko ang pinto niya, at naabutan ko siyang abala sa pagbabasa. Padarag kong isinara ang pinto niya pagkapasok para agad kong makuha ang atensyon niya. Kaagad naman itong nag-angat ng tingin. He frowned and he look so tired.

"Maurel, bakit ka pumayag na maging EA niya ako?" walang pakundangang angil ko. May ngiti sa labi itong nagpakawala ng buntonghininga.

"Ayaw mo 'yon, magkakaroon na tayo ng way para maghiwalay," taas-baba ang kilay niyang sabi, na hindi ko nahimigan nang husto sa tono ng boses niya ang tuwa.

Umupo ako sa upuang nasa harap niya. Hinilot nang bahagya ang kanang sintido, sumasakit ang ulo dahil hindi na niya ulit yata pinag-isipan ang ginawa.

"Kaloka ka! Nag-iisip ka ba? The more I spent time with your brother, the more we need to pretend." Tumirik ang mata ko sa kaniya.

He shook his head, a sign of disagreement on what I had said. His lips form a small smile. "I think this is a perfect solution. At naaalala mo ba 'yong potential client na ilang buwan nating nililigawan?" Tumango ako bilang sagot.

"Well, they called me at ini-invite nila ako para bisitahin ang kanilang site next week," nakahalukipkip niyang sabi habang hindi nawawala ang matipid niyang ngiti sa labi, na alam ko namang pilit lang iyon.

"And?" taas-kilay kong tanong.

"I stay there for a week, and meaning we don't need to pretend as a happy couple. Also, malakas ang chance na makagagawa tayo ng paraan to be apart," dagdag niyang sagot. Nalungkot ako sa ibinalita niya. Naalala ko bigla ang emosyong nakita sa mata niya kanina.

Pero ito ba ang dahilan kaya ko siya nakitaan ng lungkot sa mata at sakit?

Iwinaglit ko sa isipan iyon. "Besides, you know the company than anybody else. You are a perfect candidate to guide Frence." I shrugged. Ganoon na talaga siya katiwalang-tiwala sa akin, at natatakot tuloy akong sabihin sa kaniya ang totoo.

"Hindi ko na mababago desisyon mo, pero suportado pa rin kita," malungkot kong sabi sabay buga nang malalim na buntonghininga.

Tumayo ako at ambang lalabas nang tumikhim ito nang may kahinaan halatang may sasabihin pa yata siya kaya humarap ako. "At saka ginagawa ko 'to para mahanap ang sarili ko," seryoso niyang bitiw sa bawat salita na ikinakunot ng aking noo.

My eyebrows raise. "Bakit, nawawala ba sarili mo?" kunot-noo pa ring tanong nang may ngisi sa labi.

"Yes," nakangiting sagot nito nang hindi pa rin napapawi ang kaseryosohan sa mata niya.

He bowed down and ruined his hair that it made me frowned. "I think I am falling into someone even I am like this," he said.

Napamulagat ang mata at agad lumapit sa kaniyang kinauupuan, niyugyog ang balikat niya. "What?! Congrats! To whom?" kuryusong tanong ko sa kaniyang nakamulagat pa.

Hindi man lang siya natawa sa ginagawa kong pagyugyog sa kaniya, na kung dati ay tawa ito nang tawa. May hindi ako gusto sa kaniya ngayon, ang pagtahimik.

"From you." Awtomatikong naestatwa ako saka halos manghina ang tuhod ko sa narinig, nagkaroon ito nang malakas na impact sa aking pagkatao. Tumitig ako sa mga mata niya... kalungkutan ang nakikita ko sa mga mata niya at sa kabila ng kaseryosohang iniukit nito sa mukha. Two words and the only word were the speaker is addressing is the word "you".

"How?" naisambit ko sa pagtataka at kuryusidad. Akala ko hindi siya magkakagusto sa akin, pero nakalimutan kong lalaki pa rin siya at may pag-asang mahulog din sa isang babae.

Iwinasiwas niya ang kamay nitong napatayo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko't pinihit patalikod, palabas sa opisina niya.

"Forget it," sambit niyang tinapik ako sa ulo.

"Maurel, paanong—"

Ambang isasara niya ang pinto nang kaagad akong humarang. "Nagbibiro lang ako. Ito naman, sineryoso agad." Sabay tawa niya nang malakas, na tila nakatutuwa talaga ang birong iyon.

I shook my head from disbelief and I feel relief at the same time. "Muntik mo na akong napaniwala roon," sabi ko sa kaniyang tinalikuran siya pagkatapos.

Muntik na, pero isang birong idinaan sa pagkaseryoso. Ngunit, ang mga mata niya ay nagsasabi ng totoo.

Alin ang paniniwalaan ko, ang sinabi niya o ang sinasabi ng mga mata. Ewan ko sa Maurel na 'yan!

Roses of AffectionOnde histórias criam vida. Descubra agora