Kabanata 8

76 4 0
                                    

MARAHAN kong isinara ang pinto ng kaniyang opisina nang ipatawag niya ako. Naabutan ko itong nakatungo sa laptop niya, binabasa ang dokumentong ginawa ni Maurel bago siya umalis kanina.

"Ano po 'yon, sir?" magalang at malumanay kong tanong. Pagkarinig niya sa boses ko't nang maramdaman ang presensya ko,  nag-angat ito ng tingin sa akin.

Pinanood ko siya kung paano niya buklatin ang wallet nito sa harap ko. He handed me one thousand without a smile on his lips, poker face. "Buy me a lunch at the usual place," maikling sabi niya.

"Ayaw mo sa malapit lang?" kunot-noong suhestyon ko.

"Ganiyan mo ba tratuhin si Maurel? Hindi ka sumusunod sa inuutos sa 'yo ng boss mo?" taas-kilay niyang tanong. Hindi naman ako umangal, nagbibigay lang ng suhestyon.

"I'm just suggesting," ngiwi kong sambit. Wala itong ganang iwinasiwas ang kamay niya, pinapaalis ako.

"I don't need your suggestion." Naitikom ko ang bibig at tinanguan na lamang ang nanlilisik niyang mga matang nakatingin sa akin.

As I leave his office, I murmered, imitating the way he speak even his annoying actions. Pumara ako ng taxi at hanggang sa pagsakay ko'y ginagaya ko na lamang siya para mabawasan ang inis. Mabuti pa si Maurel kasama, bakit ba kasi pinamigay niya ako? Bakit hindi na lang niya hanapan ng executive assistant ang Frence na 'yan? Bakit hindi siya tumanggi noong ako ang pinili niya?

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone kong nasa ibabaw ng aking kandungan. I receive a message from the usual person.

Maurel: I miss you, bes.

Napangiti ako nang bahagya at awtomatikong naglilikot ang daliri ko sa pagtitipa.

Me: Bumalik ka na, miss na kita.

Maurel: Mas maganda pa palang magkasama tayo kahit nagpapanggap.

Me: Ano na namang drama mo?

Maurel: Homesick lang akes.

Me: Dapat isinama mo na lang ako, ayan tuloy wala kang kakuwentuhan. Iniwan mo akong stress dito.

Maurel: Why? I need to be alone rn. Hinahanap ko ang lost self ko— este soulmate ko.

Me: Aba, aba hindi mo mahahanap diyan ang soulmate mo. Balik ka na kasi, mas gusto pa kitang maging boss kaysa sa kuya mong buang.

Maurel: Masasanay ka rin diyan saka remember, I'm not your boss anymore.

Me: Kasalanan mo kaya hindi na kita boss. Pinamigay mo ako.

Maurel: Bawiin kita, gusto mo? By the way, tama na ang kate-text ko sa 'yo baka majowabels na talaga kita. Charot. May gagawin pa ako. Babush!

Me: Basta kapag kailangan mo ng makakausap, one call away lang ako.

Bumuga ako nang malalim bago ilagay sa bulsa ang cellphone sabay tingin sa labas. Tirik na tirik ang araw kahit umaambon, may kinakasal sigurong tikbalang kaya ganiyan. Bigla akong natawa nang mahina sa kinauupuan nang maalala bigla ang pinaniwalaan ko iyan noong bata pa ako.

Bumaling ako sa nakamotorsiklong nasa tabi ng taxi na sinasakyan ko. Inis na inis itong napapakamot sa kaniyang batok, sabay busina nang malakas dahilan para gayahin din ng ibang motorista ang ginawa niya. Maging ako, na pasahero lamang ay naiinis sa trapiko. Halos hindi umusad ang sinasakyan ko sa bigat ng trapiko. Mawawaldas na naman ang suweldo ko nito dahil hindi siya nakapag-lunch on time.

"BAKIT ngayon ka lang?" galit niyang tanong bilang pambungad pagkapasok ko. Hingal na hingal ako't medyo padabog kong inilapag sa mesa niya ang pinabili niyang lunch. At sa tingin ko, ay lunch time pa naman kahit alas dos pasado na. Pambihira  alas dies ako umalis, wala pa akong kain. Kasalanan niya rin kung bakit ngayon lang ako.

"Traffic," simpleng sagot ko. Pinapaypay ang sarili gamit ang handkerchief.

I met his disappointied sharp eyes. "What a lame excuse," he hissed.

"What a lame boss," balik kong ganti sa kaniya nang nakipagsukatan din nang bahagya ng tingin.

"What?" pagalit niyang tanong dahilan para dumami ang gatla sa noo niya.

Umayos ako ng tayo, ngumiti nang matipid. Ngiting naiinis ngunit nagpipigil. "Mawalang galang na, sir. Kung uutusan mo ako, huwag sa malayo na kilo-kilometro pa ang tatawarin ko't tatanungin mo ako kung bakit ngayon lang ako? Sa tingin mo, hindi uso ang traffic?" Mas lalong sumama ang tingin niyang halos kainin na niya yata ako ng buhay.

"Did I allow you to speak? I didn't, right?" Tumirik ang mga mata ko sa kawalan at umariba ang inis na hindi ko napigilan pa.

"I have my own freedom of speech," kaswal kong sagot, na nasa tonong nang-iinis at sinasadya ko iyon.

His jaw clenched from what he got from me. "Leave." Itinuro niya ang pintong nakasara habang nakatingin pa rin siya nang masakit.

"Thank you," nanunuyang wika ko bago umalis. Because of him, I didn't eat my breakfast as well as my lunch, so thanks to him. Maingat kong isinara ang pinto kahit gustong-gusto kong ibalibag.

Hindi pa ako nakalalayo nang marinig kong muli sa intercom ang boses niya. "Katriel, in my office, now."

Pigil ang sigaw kong nangingitngit sa inis na pumihit paharap. Malalaki ang hakbang na tila nakalimutan kong nakasuot ako ng fitted pencil skirt ngayon.

Pagkarating sa tapat ng opisina niya ay walang kung anu-anong katok pa ang ginawa kundi agad kong binuksan, at dumungaw sa loob. Naabutan ko itong binubuksan niya ang lunch na aking binili. "What can I do for you, sir?" ngiting aso kong tanong.

Tiningnan ko ang itinuro niyang mahigit sampu yatang folder iyon, at makakapal. "Give me the files before 11 in the evening," utos niyang may awtoridad. Nasalo ko ang inihagis niyang kulay asul na flash drive.

Walang imik kong kinuha iyon sa ibabaw ng office desk niya at nagtungo sa cubicle ko pagkalabas. Padarag kong inilapag ang lahat sa mesa ko't medyo malakas akong bumuga ng hangin dahilan para magsitinginan sa akin mga kababaihang katabi lang ng cubicle ko.

Pinanlakihan ko sila ng mata at agad naman silang nagsibalikan sa kanilang ginagawa. Mga maintriga.

TWENTY minutes had passed after eleven and I'm still doing the fifth file out of twenty files. Paano ba naman, wala pang sampung minuto akong nakaupo, tatawagin niya ako't utos doon, utos dito. Sa pagkakatanda ko rin ay iniayos ko na ito noong isang araw, pero nagulo-gulo, nahiwa-hiwalay kaya mas lalo akong nahirapan sa pag-compile at pag-record into a document ang papers.

Bawat tipa ko ng limang salita ay sumusubo ako ng kanin at noodles, para busugin ang sarili.

"Katriel, where is the flash drive? I said before 11!" Nabulunan ako sa gulat nang marinig ang pagsigaw niya't paghampas sa cubicle ko.

Nag-angat ako ng tingin nang nasa tabi ko siya. "Sir, mag-overtime ako," paalam ko sa kaniya. May pandidiri sa tingin niya nang silipin niya ang kinakain ko sa cup noodles. Wala namang nakakadiri rito, at pagkain pa rin naman kinakain ko.

"Overtime? Kilos pagong ka naman!" uyam niyang kantyaw. Naging kilos pagong lang naman ako dahil sa kauutos niya. Tipong ang lapit-lapit na nga lang, ay kailangan pa niyang tawagin ako para ibigay sa kaniya.

I know the proper etiquette, pero minsan hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kaya sumusumbat ako. Tratuhin nang maayos ang boss, pero minsan hindi na boss ang dating niya.

Nakataas ang isang kilay ko sa kaniya. "Samahan mo na lang kaya ako, sir, ano?" suhestyon kong sana'y tanggapin, kaso humalikpkip ito at dinaig ang pagtaas ng aking kilay.

"Why would I? Trabaho ko ba 'yan?" sumbat niyang hindi  agad nakasagot.

"I'm leaving now. Once you're done, just leave the flash drive on my table, then leave." Nginiwian ko itong tinaasan ng dalawang kilay pagkatalikod niya. Sanay na ako mag-overtime, pero tila aabutin ako ngayon ng madaling araw o baka umaga na dahil sa ginawa niyang pag-disarrange sa lahat. Malaki talaga ang pinagkaiba nilang magkapatid. Sobrang layo.

Inis na inis ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa manliit siya sa paningin ko. Iniyukyok ang ulo sa pagkaantok, pero mabilis kong tinampal nang malakas ang sarili para magising at matapos ang ipinapagawa niya bago pa ako abutan ng tilaok ng manok sa umaga.

Roses of AffectionWhere stories live. Discover now