Kabanata 13

75 3 0
                                    

NAKAPAMAYWANG akong nakatayo sa harap ng opisina niya habang sa kanang kamay ko, ay hawak ko ang termos niyang may kape. Hindi ang paborito niyang kape ang nasa termos, kundi timpla ko't ginawa ko lamang iyon dahil sa inis.

Nagdadalawang isip kung papasok ba o hahayaan siyang magalit nang tuluyan. Tuwang-tuwa ako sa paulit-ulit niyang pagtawag sa akin minu-minuto. Para siyang call center agent, na pine-paging ako. Bumungingis akong naghihintay itong sumigaw para magulat ang mga empleyadong patay na patay sa kaniya. Segundo ko lamang binalingan ng tingin ang aking relos para tingnan kung anong oras. Alas-siete pasado na ng gabi, at panay pa rin ang utos niya. Nakawiwindang sa dami.

"Katriel, in my office, now!"

Muli akong bumungisngis, tila siraulo sa kinakatayuan ko. Ibinuka ko ang bibig ko't ginaya ang pagalit niyang pagtawag sa akin. Sa kalagitnaan ng pagkatuwa ko sa panggaya ay sumagi sa isip ko si Maurel. Hindi pa rin kami nag-uusap. Nag-a-adjust pa siya siguro sa natamo niyang kasagutan sa akin at ang pangre-reject, o baka nag-iisip na nag paraan kung paano namin tatapusin ang relasyong walang katotohanan.

Hindi ko pa nga rin siya nakitang lumabas sa kaniyang opisina para kumain o mag-utos sa kung kanino, o sa akin. Marahil, kumain na siya o baka umuwi na. Nababahala rin ako sa kaniya, baka kasi biglang matapos ang pagiging magkaibigan namin nang dahil sa “pag-amin niyang hindi ko sinuklian”. Ewan, maraming “baka”, at mga “o” sa isipan kong nagpapagulo rin sa akin ngayon.

Ibinaba ko ang aking kamay at tumayo nang matuwaid, pumihit ako para umalis sa kinaroroonan ko nang biglang bumukas ang pinto’t bumungad sa akin ang nangingitngit sa inis na si Frence. Tila maiiihaw ka sa talim ng tingin niya at ang pag-igting nang pirmi ng kaniyang panga. I smiled, sheepishly.

"Kanina pa kita tinatawag, at ano ang ginagawa mo riyan?" galit niyang tanong. Nagbabanggan ang makapal niyang kilay na hindi bumabagay sa kape niyang mga mata. Guwapong nilalang, pero nakakapaso ang ugali’t nakakasugat. Iniabot ko sa kaniya ang kape't natuwa dahil medyo maginoo naman niya itong tinanggap.

"Naghihintay na bumukas ang pinto," matabang kong pamimilosopo sa kaniya. He gritted his teeth and rolled his eyes annoyingly.

"Natapos mo na ba ang ipinapagawa ko sa 'yo?" walang-gana niyang tanong pagkatalikod niya. Sinunandan ko naman siya sa loob.

"Yes, sir.” Sinundan ng bilugang mata ang paglapit nito sa swivel chair, at ang padarag niyang pag-upo.

Tumango siya nang hindi nagbabago ang ekspresyon niyang kusot na kysot, na akala niya ay bagay na bagay sa kaniya. Para siyang mangangain lagi ng tao kapag ganiyan. Wala ba siyang mabait at mala-anghel na ekspresyon? "And I want you to do the same thing, again. Marami ka pang reports na hindi mo pa nagawa," ungot niya sa pagitan ng pagpapakawala nang malalim na buntonghininga.

"Hindi ba ang sabi mo, wala na akong gagawin?" salubong din ang kilay kong tanong nang nakamaang. Umismid ito. Lumipat ang mata ko sa labi niyang may sasabihin, pero hindi niya naituloy.

Tinanguan ko siya ng isang beses bilang paalam sa kaniyang aalis na ako. "Maurel says I'm sorry," aniya bago pa ako tumalikod.

"Kailan niya sinabi iyan?" biglang tanong ko. Para bang nagasolinahan ang pagkatao ko sa naulinigan. Sapat na para marinig iyon kahit hindi siya mismo ang nagsabi.

"Kanina, bago siya umalis." Taas-kilay nito sa akin habang naniningkit ang mga mata niyang napapakamot sa batok.

"Umalis na siya?"

He nodded. Bumuga siya nang malalim, at parang may sasabihin kaso ayaw sabihin. Magtatanong na sana ako pero mabuti na lamang at may lakas ito ng loob para isiwalat ang nais. "Masama ba talaga ako para sa 'yo?"

Roses of AffectionWhere stories live. Discover now