Kabanata 11

69 6 0
                                    

IT'S A bit awkward for me to be along with Frence in one business meeting that Maurel and I usually do for a long time. I don't like his presence, if he sees me as an eye sore, bakit siya nandito?

Umikot ang mga mata ko at isinaltak ang earphone. Mahimbing na nakadantay sa aking balikat ang ulo ni Maurel habang nararamdaman ko naman ang pagsulyap ng lalaking nasa driver's seat. We are now heading somewhere after the successful business meeting as well as the agreement of the both sides.

Normal na lamang sa akin ang magpunta kung saan pagkatapos ng business meeting, a treat for ourselves from the hardwork we made on persuading the client to sign in.

I was doing lip sync when his coffee eyes met mine at the rear view mirror.

"Huwag ka sa akin tumingin, sir, baka mabangga tayo," saway ko sa kaniyang napa-"tch" lang ito't agad din akong sinunod.

Namataan kong pumasok kami sa isang eskinita na tila parking area yata ng aming pinasukang beach resort. Malaya niyang ipinarada ang sasakyan. Walang sabi-sabi'y tinanggal niya ang kaniyang seatbelt at tumingin sa akin.

"Wake him up now," utos nito sa akin. Kibit-balikat ko itong inismiran sabay baling sa katabi kong mahimbing na natutulog.

A little smile form on my lips. His hair is messy and he looks so exhausted, but he is the handsome gay I met.

"Maurel..." tawag ko sa kaniyang pangalan habang mahinang tinatampal ang pisngi niya.

Ambang yuyugyugin ko ito pero inunahan ako ng siraulo sa paggising sa kapatid niya. Bigla-bigla ay sinuntok niya sa braso si Maurel dahilan para magising ito nang wala sa oras. He just ignored what his brother did. Hindi ba masakit ang suntok na 'yon para sa kaniya? I didn't see his annoyance in Maurel's face.

"That's the proper way of waking him up," hambog niyang sambit na tinaasan ko lang ito ng dalawang kilay.

"Hindi ba't masakit naman ang ginawa mo?" taas-kilay kong tanong sabay baling ng tingin kay Maurel, na nanahimik sa aking tabi nang nakayuko.

Tumaas din ang kilay nito sa akin sabay tingin sa kapatid niyang ginigising ang buong diwa. "Hindi naman siya umaray, kaya hindi masakit sa kaniya."

"Kahit na, pero hindi mo dapat siya ginising ng ganoon," giit ko. Umigting ang panga niya, senyales na naiinis ito.

"It's fine. Come on, bumaba na tayo," pag-aaya ni Maurel. Hinawakan nito ang palad kong bahagya kong ikinagulat, at hindi rin nakatakas sa aking mata ang pagbaba ng tingin doon ni Frence sabay talikod nito sa amin.

Medyo naiilang ako't may namumuong kilig sa aking sistema habang magkahawak-kamay kaming dalawa. "May ime-meet pa ba tayong client dito?" tanong ko bilang pagbasag sa katahimikan.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo sa gawi ko. "Wala. Pangliwaliw lang natin 'to. Stress reliever for a while, something like that," nakangiting sagot niya. I nodded as I roamed my eyes for a second. An ordinary beach resort, and the ambient is quite relaxing and less pollution. Hindi gaya ng sa Boracay ang ganda, subalit lahat ng isla, karagatan, o saan mang lugar ay namumukod tangi sa ganda.

Hindi white sand, hindi kulay asul ang tubig, subalit nakakaginhawa talaga sa pakiramdam. Mas lalo sigurong nakakaginhawa sa pakiramdam kapag may hawak-hawak akong rosas at nilalanghap ang bango nito.

"Akala ko may ime-meet pa tayong client dito," imik ko habang iginagala ang paningin sa buong beach resort. Mangilan-ngilan lamang ang tao rito, ngunit mababakas mo ang saya sa muha ng mga turista.

"Do you like the place?" biglang tanong niya. Tumango ako nang dalawang beses, para ipahiwatig kung gaano ko nagustuhan ang ganda sa paligid.

"Overnight ba tayo rito?"

Roses of AffectionWhere stories live. Discover now