Kabanata 6

91 4 0
                                    

NAKAPANGALUMBABA  akong nakatingala sa kawalan. Pure white ceiling is what I see, but my imagination sees a visible stars are glimmering. Smiling like I see a falling star while sitting on Maurel's soft and comfy queen sized bed. My illusion stopped as I heard the creak of the door. Hindi ko siya nilingon dahil alam kong siya ito at magrereklamo.

Narinig ko ang padabog niyang mga yabag palapit sa aking kinaroroonan. Tumalbog pa ako nang bahagya sa kamang kinauupuan ko nang pabagsak siyang sumampa sa kama. Niyugyog niya ang balikat kong inagaw ang unang akap-akap ko.

"Bes, sa sofa bed ka na, please?" mahaba ang ngusong pagmamakaawa niya. Tumirik ang mata kong sinamaan siya ng tingin kahit ramdam ko ang pamimigat ng talukap nito.

"Be gentleman kahit ngayong gabi lang," wika ko sa kaniya bilang pangongonsensiya. Nilingon ko siya upang tingnan kung naisip niyang kailangan niyang maging gentleman for tonight.

"Hindi naman ako lalaki, e,"

"Ano'ng nakikita mo sa salamin, babae?" I mocked. He rolled his eyes.

"Tabi na lang tayo," sabi niya at agad itong nahiga sa tabi ko. This will be my first time— no! Hindi na pala ito ang unang beses kong natulog nang may katabing lalaki. However, this will be my very first time to sleep with him even I sleep for countless time at his condo.

Mabilis akong tumayo sa kama at hinawakan ang kamay niyang nakadagan sa tiyan nito. "Ayoko." Hinila ko ang kamay niya at pilit itong ibinabangon, pero masyadong nagpapabigat para hindi ko siya maipagtabuyan palabas sa sarili niyang kuwarto.

"Condo mo, condo mo?" pambabara niyang nakataas ang dalawang kilay.

"Hindi, pero—" Hindi ko natuloy ang sinasabi nang bawiin niya ang kamay mula sa akin. Niyakap na lamang nito nang mahigpit ang unang inagaw niya at dumila na parang bata dahil alam niyang hindi ako makaangal.

"Bahala ka riyan. Sa ayaw at sa gusto mo, I'll sleep beside you," pinal niyang pahayag dahilan para maupo ako sa tabi niyang bagsak ang balikat. Wala akong nagawa kundi ang mahiga sa tabi niya kaysa sa matulog sa sofa, kung saan hindi ako magiging komportableng matulog doon.

Bukas na ako uuwi sa amin dahil masyadong gabi na para umuwi pa. Hindi sa natatakot akong umuwi, baka lang kasi may magbalak sa akin ngayong gabi dahil hindi ko naman alam ang mangyayari sa buhay ko. Biglang bumaliktad ang ihip ng hangin at ayaw na niyang matulog sa sofa bed. Sa tuwing dito niya ako pinatutulog ay palaging siya ang natutulog doon. Siguro pagod lang ito ngayon at wala sa bokabularyo niya ngayon ang maging gentleman.

I sighed heavily when his brother Frence popped up in my mind. What would I do if ever we are now working at the same roof?

"Oh, bakit problemadong-problemado ka?" pahikab na puna niya, na akala ko ay nakatulog na.

I faced him with a worried look. "Bakit ka pumayag na magiging kahati mo siya sa pagpapalakad ng inyong business?" Sinigurado kong hindi niya mahahalatang ayaw ko sa kapatid niya.

"Why, is there a problem?" kunot-noong tanong niya. I immediately shook my head and wave my hand.

"Wala, wala, hayaan mo na 'yong sinabi ko." Iwinasiwas ko pa lalo ang palad sa mismong mukha niya.

Hinawakan niya ito't ibinaba. Minuto kaming nagkatitigan hanggang sa umimik siya. "Althea, bes," calling me out.

"Hmm?" ungot kong nakatuon sa kaniya.

"Do you have any idea?" Kumunot ang noo ko saka tumaas pa ang dalawang kilay. Is he asking me to give him an idea for our fake breaking up?

"For what?" maang kong tanong na kunwari ay hindi ko pa alam ang pinapahiwatig niya. I stared on his weary eyes.

Roses of AffectionWhere stories live. Discover now