Kabanata 16

59 4 0
                                    

MAY malapad na ngiti ako sa labing naglalakad habang binabagtas ang daan pabalik sa kompanya. Sinamahan ko pa pag-ugoy ng kamay sa ere, na tila ini-imagine na may kahawak-kamay. I'm holding hands with air. Hindi ko ramdam ang nakapapasong init sapagkat maulan-ulan ngayon ang panahon. Minsan na lamang sumilip si haring araw, pero kung sisilip naman ay matinding magbigay ng init.

Sumaglit ako sa pagtingala upang humanap ng mala-rosas na formation ng ulap. I didn't fail to see a rose-like clouds. Napakaliit, pero hindi ko pinalampas ang pagtigil sa paglalakad at sundan gamit ang kamay ko sa pagguhit nang aking namataan.

Maya-maya ay may narinig akong pagtikhim ng lalaki sa aking likuran. Akala ko ay hanggang doon lamang ang mangyayari, na babalutin kami ng katahimikan, pero nagkamali ako. "Katriel," tawag ni Frence. Dahan-dahan ko siyang nilingon. I almost startled as I see how he stand out from his outfit today.

He wears his usual trend, pero litaw na litaw, at bagets  na bagets ang dating. Plain black polo shirt, a black denim pants, and his nike rubber shoes, made him stand out, it suits him well because of his fair skin.

Kaagad kong binawi ang sarili sa paglalarawan sa kaniya. Mahirap na't baka mamaya ay mahuli niya akong maglaway nang wala sa oras. Ngayon lang naman ako napatitig nang matagal sa kaniya.

"Lumabas daw kayo," panimula niyang nahuli ko pa ang pagsimangot nito.

Pagkaalis ng waiter ay tumingin ako sa kaniya. Ipinagsalikop niya ang palad, may sasabihin. He cleared his throat and he smiled a bit. "Humihingi ako ng sorry for what happened yesterday. Nang dahil sa inasal naming dalawa ay hindi ka nakakain," panimula niyang nginitian ko lang saka ngumuso nang bahagya.

Nagbilang ako ng ilang segundo, hanggang sa umabot na yata ng minuto ang pagpapalitan namin ng tingin. His eyes tells more  but I ignore it instead. Napansin kong bumaba ang tingin niya sa bandang labi ko. Lumunok ako nang wala sa oras dahil unang beses ko siyang makikitang madadako ang mapang-akit na mata nito sa aking labi.

"Lalambot-lambot ako pero bakit gusto kong halikan iyang labi mo?" seryoso niyang tanong dahilan para magulat ako nang husto. It shivers me.

Namalagi pa rin ang mata nito, ayaw alisan ng tingin. Hinampas ko nang mahina ang mesa't pumitik sa hangin upang tumingin ito mismo sa aking mga mata. "Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan," tumatawa kong saway. Hindi magandang biro para sa akin, at hindi dapat niya gawin iyon.

Napayuko ito saglit ngunit agad ding nag-angat ng tingin. Malamlam ang mata niya. Pagod itong bumuntonghininga."Hindi ko pa rin maiwasang magreklamo kung bakit... sorry." Napahilamos ito ng mukha.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Naramdaman ko pa ang pagkagulat niya nang hawakan ko siya. Ngumiti ako para ipahiwatig na ayos lang, na hindi dapat siya malungkot kahit kitang-kita ko mismo sa mga mata niyang nadudurog ito. "Naiintindihan kita. It takes time to heal your broken heart."

Maging ako noon ay nahirapan sa paghilom ng sugat mula sa idinulot ng aking nobyong nag-ibang babae. Sumakabilang pag-ibig matapos niyang magsawa— hindi pala dahil hindi pala niya ako mahal. Minahal niya lang ako dahil gusto lang niyang sumaya sandali habang sineryoso ko naman iyon dahil akala ko siya na, pero hayop pala.

"Huwag ka sanang makaramdam ng awkwardness when I always bringing up that topic,"  sambit niya.

"Ikaw naman ang nagiging awkward sa ating dalawa, e. Iiwasan mo ako." Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya, hindi agad ito nakaimik sa aking sinabi. Ganoon naman ang una niyang ginawa, 'di ba?

"Hindi ko na gagawin 'yon kahit masakit sa puso." Sabay taas niya ng palad nang nakangiti pa kahit alam kong pilit lang iyon. He can't fool me.

Roses of AffectionWhere stories live. Discover now