Kabanata 21

63 5 0
                                    

TULIRO AKONG nakatitig sa kayumangging kulay ng kisame lamang ang nakikita. Dapat pala ay nilagyan ko na ito ng kumikinang-kinang na mga bituin tuwing gabi nang sa ganoon ay may makita rin naman akong kakaiba sa napakasimpleng kisame.

Umismid ako habang nakahiga. Nakaunan ang ulo sa braso. Ramdam ko ang bigat ng talukap  at hirap akong idilat nang mabuti ang mata dahil sa pag-iyak magdamag kagabi. Kinusot ang mata't sinubukang idilat nang mabuti, pero kahit ano ang gawin ko ay tila maliit pa rin.

Nakapikit akong nagpakawala nang malalim na paghinga. "Pamangkinak," tinig ni mamita sa labas ng aking pinto. Kararating lamang nila kahapon. Napaaga ang uwi na dapat ay isang linggo sana sila, kaso naging dalawang araw lang dahil hindi pala pinayagan si Maureene. 

Wala rin naman akong anong narinig sa pagbisita nila roon, sapagkat pagod sila at diretsong tulog ang dalawa pagkauwi ko. Nanatili akong tahimik nang kumatok si mamita.

"Pamangkinak, hindi ka ba papasok ngayon?" tanong niya sa labas ng pinto. Hindi ako umimik, tanging ang paghinga ko lang ang maririnig.

Umismid ako. "May problema ba?" Napabalikwas ako ng pagkakahiga. Humarap sa kanan saka ipinatong ang ulo sa braso. Binabalewala ang presensya ni mamita na alam kong nag-aalalala ito at nagtataka.

Muli siyang kumatok nang malakas. "Pamangkinak, huwag mong hayaang pader lang ang kinakausap ko." Hindi ko pinansin ang pananalita niyang nagbabanta. Nakabukas naman ang pinto, hindi ko naka-lock kaya makakapasok siya kung sakaling maisipan niyang pihitin ang seradura.

Pinakatitigan ko ang upuan, kung saan nandoon ang paborito kong bag, at ang bag na palagi kong ginagamit sa pagpasok. Sana nga'y tama ang desisyon ko. Maya-maya ay narinig ko ang langitngit ng pinto at ang yapak ni mamita, palapit sa aking kama.

Lumubog ang kama, hindi rin nakatakas sa aking pandinig ang pagbuntonghininga ni mamita nang malalim. Lumandas ang kamay ni mamita sa aking magulo't mahabang buhok. Sa katahimikan niya, alam kong naghihintay ito ng aking sasabihin.

Pumikit akong nagsalita, "Mamita, nag-resign na ako sa trabaho."

Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya, subalit patuloy niyang sinusuklay ang buhok ko sa pamamagitan ng kaniyang mala-kandila niyang daliri. "May nangyaring hindi maganda, ano? Sabihin mo, makikinig ang mamita mo," sabi niya.

Tila may pagsisisi akong bigla-bigla ay nag-resign ako. Paano na lamang si Maurel? Umalis siya nang masaya, pero babalik siyang magugulat at malulungkot. Tila ba nagpadalos-dalos ako ngunit parang tama rin ang ginawa kong pag-resign sa trabaho.

Hinusgaan niya ang pagkatao ko. Masakit iyon para sa akin. Hindi niya ako lubusang kilala, pero kung umasta ay parang kilalang-kilala niya ako mula ingrown hanggang anit. Napakagaling naman niyang humusga, naging judge na lang sana niya nang sa ganoon ay tama ang mapili niyang mananalo sa contest.

Segundo kaming binalot ng katahimikan. Naghahanap ng tamang buwelo para ikuwento sa kaniya lahat ang pangyayari. Mamita isn't a good listener, but I want him to know what happened, and I want to know his opinion, and his advice.

"Si Sir Maurel kasi ay hindi ko na boss, iba na at kapatid niya ang bagong boss ko. Napakasama ng ugali niya. Tingin niya sa akin ay mukhang pera at..." Tumigil ako nang maisip kong maibubunyag ko ang sekretong matagal ko ng pinaka-iingatan. Pero umarangkada ang bibig ko sa pagkukuwento. Nasabi ko ang lahat mula sa sekreto ni Maurel, ang pagpapanggap namin, ang kapatid niyang si Frence. Lahat ay nasabi ko upang maintindihan niya ako't malaman kung saan banda ako nagkamali kahit alam ko naman ang kamalian ko.

Humarap ako kay mamita na naupo sa tabi ko habang nanatili akong nakahiga. "Mamita, masama ba ang magtago ng sekreto? Ang magsinungaling?" malamya ang matang tanong.

Roses of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon