Wakas

154 7 1
                                    

PAGKALAPAG na pagkalapag ng waiter ng aming order ay ang malakas na pagbuhos ng ulan. Ngumunguya akong dumungaw sa labas, tiningnan ang maitim na kalangitan at kung paano humalik ang malalaking butil ng ulan sa basang lupa.

"After we eat, we will go somewhere." My eyes darted on him, and nodded as a response.

Lumipas ang ilang minutong katahimikan sa isa't isa at bigla na lang akong natawa nang mahina sa sumagi sa isip. Nakakatawa dahil puro ako tanggi na hindi ko siya magugustuhan, na hinding-hindi ko siya kailanman mamahalin at hindi ko siya bibigyan ng chance but here we are... 3 years in relationship and counting. Happy to say that we are going strong. Though there are times of misunderstanding but it is already part of our relationship. Hindi ko nga inaasahang tatagal kami ng ganito, na kahit minsan ay nagsasabihan kami ng masasakit na salita kapag parehas kaming galit ay kami pa rin.

I fell in love not just he is handsome or his attitude, but my heart decides to love him. Ganoon naman kapag napamahal ka na sa isang tao, e. Hindi mo siya pipiliting baguhin ang sarili niya, kundi tanggapin mo. Tama nga rin siya, mas magandang ipakita ang kasamaan ng ugali mo kaysa sa ugaling peke para malaman mo kung sino ang mananatili.

"I want to apologize," paunang sabi ko dahilan para mag-angat siya ng tingin. Nakataas ang isang kilay niyang ngumunguya, nang-i-inggit ang biloy niya.

"For what?" kuryuso niyang tanong sabay subo ng steak.

I apologetically smile. "Sa mga masasakit na salitang sinasabi ko sa 'yo kapag galit ako, at naiinis. At sa sinasabi kong pinagsisisihan kong nakilala ka tuwing nag-aaway tayo," isa-isa kong sabi saka ngumiwi. Ang kaninang ngiti niyang matipid ay naging mas malawak. Nakakaasar ang lapad ng ngiti niya.

"Apology accepted, but in one condition," wika niya. Nag-angat ako ng dalawang kilay. Aba, madaya talaga.

"Ano na naman 'yang kondisyon mo?"

"Huwag na huwag mo ng sabihing pinagsisishan mong nakilala mo ako, at ang nangyari sa atin noong gabing iyon. Because that night I met a bravest and selfless woman like you." Natawa ako sa tuwa dahil sa sinabi niya. Naitusok ko ang tinidor sa huling steak na kinakain ko't naisubo ko tuloy sa kaniya nang wala sa oras.

Pilit niya itong nginuya habang matalim ang titig nito sa akin, pero isang malawak na ngiti ang iginawad.

"Thank you for always making me smile kahit minsan nag-aaway tayo." Inabot ko ang pisngi niya saka pinisil ito matapos niyang malulon ang kinain. Pinching his cheeks is one of my way to express my love on him samantalang siya ay binubusog ako sa maasukal niyang mga salita't halik.

"By the way, are you going home early today or not?" tanong niya, hinawakan ang kamay kong nasa pisngi niya. Hinawi nito ang aking kamay sabay pisil sa palad ko.

"Bakit?" kunot-noong tanong.

Gamit ang isang kamay niya ay naisuklay niya ang buhok sa pamamagitan ng kaniyang mahahabang daliri. "Plano ko kasing lumiban muna tayong dalawa sa trabaho kahit ngayong araw lang, at saka bukas na lang kita iuuwi kay mamita."

Saan naman ako nito dadalhin? Ibinuka ko ang bibig ko para dumada nang itapat nito ang hintuturo niya sa aking labi. "Huwag kang mag-aalala namili na ako ng pansamantalang OIC, at nagpaalam na rin ako sa kanila," sabi niya nang madali niya ang itatanong ko.

"Bakit saan ba tayo pupunta after nito?" naiintrigang tanong ko. Bakit parang kinabahan ako bigla kung saan kami pupunta.

Ipinagsalikop niya ang palad naming dalawa. "My whole family plans for tonight at beach resort to have a simple family gathering, and they told me to invite you since you are my girlfriend and you'll be Mrs. Eustaquio one day." Halos mabilaukan ako sa nginunguya kong steak kaya dali-dali akong uminom ng tubig.

Roses of AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon