Chapter 5

456 130 83
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. I opened my eyes and look immediately on the clock. Napabalikwas ako ng bangon sa kama nang ma-realize kong male-late na ko sa school!

Shocks. 6:30 A.M NA!!

I have only thirty minutes left to prepare and go to school.

Pumunta agad ako sa walk-in closet ko at dumiretso na sa banyo. Naligo ako, at masasabi kong ito na ang pinaka mabilisang ligo ko. Then after that, I did my daily routine.

Good thing, it only took me 15 minutes para mag ayos sa sarili. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon pero hindi ko na inisip pa dahil nagmamadali na ako.

Pagkatapos ko mag ayos, bumaba ako sa hagdan and then head towards the dining. Nakita kong wala doon sila Mommy at Daddy. Siguro pumasok na sa office. I wonder kung gising na din kaya si Kuya Prix. Pero mukhang hindi pa naman because he's not here yet.

"Hay salamat buti gising ka na, Euri! Kumain ka na, male-late ka na sa school!" nagmamadaling sabi ni Yaya Marie, nang makita niya ko.

Hinila niya ako sa may lamesa at pinaupo doon.

"Ya, bakit di nyo po man lang ako ginising?" sabi ko habang nakasimangot.

"Ay ikaw talagang bata ka. Kanina pa kita ginigising para sumabay ka kila Ma'am kumain, pero hindi ka magising." sabi niya saka inilagay sa mesa ang bacon, spam, hotdog at fried rice. "E, nagmamadali din sila Sir. Kaya inuna namin silang asikasuhin."

"Ya, hindi na po ako kakain. I don't have time na po, magbabaon na lang ulit ako ng sandwich." mabilis akong tumayo at kumuha ng sandwich sa ref saka nilagay sa loob ng bag ko.

"Kahapon sandwich lang din ang kinain mo, pati ba naman ngayon? Pagagalitan ako nito nila Sir, e."

"Yaya, I have to go or else hindi ako makakapasok sa first subject ko." I frowned.

Bumuntong hininga na lang siya sa sinabi ko. Tinakpan na lang ni Yaya iyong pagkain sa lamesa at sumunod sakin.

"Si Mang Thomas po pala, nasaan na?" tanong ko nang nasa sala na ako.

Nasa balikat ko na yung back pack ko at paalis na. Lumabas ako ng bahay, at dumiretso sa garage.

Para kong binuhusan ng tubig sa nakikita ko. Wala ni isang kotse namin ang nandito bukod sa kotse ni Kuya.

Ayoko namang siyang gisingin dahil panigurado pagod pa yun sa byahe niya kahapon. God, mag taxi na lang kaya ako? Pero hindi naman ako pwedeng mag commute. Aish!

"Si Mang Thomas, ang nag drive kila Ma'am papuntang opisina." she scratched the back of her head. Mukhang hindi na din alam ang gagawin.

"How about Mang Ben? Where is he?" my forehead creased.

"May inutos sa kanya sila Ma'am na lakarin kaya wala din siya."

"What?! Yaya naman." hindi ko mapigilang sinapo ang nuo ko. "E 'di sino na po ang maghahatid sa akin ngayon? Mag tataxi na lang po ako. I really need to go." sabi ko at akmang lalakad na palabas ng bahay nang nag salita ulit si Yaya at pinigilan ako.

"Euri, hindi pwede. Bawal ka mag commute diba?" sabi niya habang hawak ako sa braso, pinipigilang lumabas. "Jusko, ako talaga malalagot nito,e."

While I'm talking to Yaya, I heard footsteps near us. I shifted my gaze to the other side to see who is it. Then I saw Kuya.

"Kuya, bakit ang aga mo magising?" nagtataka kong tanong sa kanya. Alam ko kasing tanghali naman siya gumigising madalas kapag pagod or wala namang gagawin.

What If (St. Mary's U Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon