Chapter 11

387 103 78
                                    

After lunch na kami nakarating ni Vernon sa bahay dahil sa traffic at lakas ng ulan. I invited him na sa bahay na lang kami kumain since ayaw niya na kumain sa labas dahil baka magkasakit daw ako.

"Thanks ulit sa pag hatid at sa jacket." I broke the silence and removed his jacket para ibigay sa kanya. "Pasok na tayo, for sure gutom ka na din."

"Yeah, I am." He chuckled, then inilagay niya sa shoulders ko ang black leather jacket niya. "Don't remove this. Mamaya na lang kapag nakapag bihis ka na."

After that siya ang naunang lumabas ng kotse na may dalang payong saka binuksan ang pinto sa passenger seat.

Hindi pa din natigil ang ulan kaya inakbayan niya ako para hindi mabasa.

"Oh! Euri, bakit basang basa kayo?!" salubong ni Yaya nang makapasok kami sa bahay at nagmamadaling lumapit sakin.

"Uhm... nabasa lang ng ulan, Yaya. Wala kasi si Mang Thomas. Mag cocommute sana ako, kaya nabasa ako." sagot ko.

Si Vernon naman nasa gilid ko lang at nilapag ang bag ko sa gilid dahil basa iyon. I saw Yaya looked at him. She smiled playfully.

"Yaya, si Vernon po. Friend ko." pakilala ko. "Vernon, si Yaya Marie."

"Good afternoon po." he politely said.

"Good afternoon din, Vernon." ngiting ngiti na sabi ni Yaya at sinulyapan ulit ako saka binigyan kami ng towel. "Anong nangyari sa alaga ko, mukhaang basang sisiw. Pinabayaan mo?"

"Yaya!" pigil ko sa kanya.

Vernon brightly smiled. "Hindi ko po pinapabayaan ang alaga niyo."

"Aba! Mabuti kung ganoon."

I sighed. "Yaya, nagugutom na po kami. Paluto naman po."

"Ay jusme! Dapat kanina mo pa sinabi. Sige, sige. Dito muna kayo sa sala." Yaya said before she go to kitchen.

Naiwan naman kaming dalawa dito ni Vernon sa sala.

Tinignan ko siya at sinabing, "Pasensya ka na kay Yaya ha. Ganun lang talaga yun." I awkwardly smiled at him.

"Okay lang. I'm glad to meet the person who takes care of you." he said, smiling genuinely at me.

"Uhh sige. Maupo ka muna diyan. Bihis lang ako." I answered before going upstairs.

As I went inside my room, I quickly get in to the bathroom. I took a bath and changed clothes.

Mabilis lang ako naligo dahil nasa baba si Vernon. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya.

I wore a minion yellow shirt and black denim shorts -- na hindi masyadong maiksi, then brushed my hair and I'm done.

Nang matapos ako mag ayos ay bumaba ako kaagad at dumiretso sa sala pero nakita kong wala na si Vernon doon.

"Yaya, si Vernon po?" I asked her nang makasalubong ko siya.

"Nasa dining na, hinihintay ka." She smiled playfully again.

"Ang gwapo ng kaibigan mo." Yaya added.

I shook my head.

"Ya --" she cut me off.

"Siya nga pala, si Prix nasa dining din. Kinakausap si Vernon."

Nanlalaki ang mga mata na tinanong ko siya. "W-What?! Si Kuya nandito na?"

What If (St. Mary's U Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon