Chapter 30

274 69 60
                                    

Two days had passed since the incident between me and Sofia happened. On the next day after it, I haven't seen her on the campus. Usap usapan na din sa buong school that she was suspended for an unknown reason. 

The news spread quickly. May mga natuwa - siguro iyong mga nakakaalam sa kondisyon niya. Meron din nalungkot na supporters niya dahil nga sikat din siya sa school namin.  I've heard this is the first time she has been suspended.

Nakakapagtaka lang kung paano siya na-suspend, dahil hindi naman ako nakita nila Mommy paguwi ko dahil umalis na ulit sila ni Dad, si Lola nasa vacation house dahil bored na daw sa bahay and si Kuya na late ng umuwi dahil nagpunta sa party ng friend nila ni Kuya Jacks.

Truth be told, I'm not mad at her. The reason why she acted like that was understandable since she has a mental health problem-based on what Khalil told us. I even wanted to ask her parents if they could take care of her very well. It's just that I'm concerned about her and for the people she's interacting with.

Iniisip ko din si Chantalle dahil matapos ang huli naming pagkikita sa coffeeshop sa loob ng SMU ay hindi niya na ako kinakausap. I chatted her when I got home, pero sineen niya lang ako.

Kinabukasan din kasabay ng suspension ni Sofia, ang hindi niya pagpansin sa akin.

She wasn't talking to me and kept on avoiding me. And every time our friends would ask her what's happening with her or what is her problem, she would always kept mum and changes the topic.

Of course, sinubukan ko din siya kausapin, pero talagang iniiwasan niya ako at hindi sinasagot.

Kung dati magkakatabi kaming tatlo nila Carlynn sa room, ngayon kami na lang ni Carlynn dahil lumipat siya sa likod at kay Austin na tumatabi.

When afternoon came, I tried to talk to her again. I walked towards her seat and settled on Pierre's chair, wala pa naman kasi siya. I took that chance while our teacher is not yet around.

"Chantalle," I called, silently hoping she'll notice me.

"Pwede ba tayo mag usap?" tanong ko habang nagbabasa siya. Alam ko namang hindi talaga siya nagbabasa. She just doesn't want to talk to me but still, I want to try. "Kausapin mo naman ako please? Ano bang problema? May nagawa ba akong mali or nasabi?"

Naiinis siyang nagbuntong hininga bago nag angat ng tingin sa akin. "Manhid ka ba talaga? Ayoko nga makipag usap sayo! Dahil kung gusto ko gagawin ko. So stop bugging me!"

My heart sank on what she said and how she looked at me. Ito ang first time niyang sinagot ako simula noong sinubukan ko makipagbati. Sandali akong natulala.

Hindi ko nga alam kung bakit niya ako iniiwasan. Sa lahat ng friends namin, ako lang ang hindi niya pinapansin. Wala naman akong natatandaan na ginawa kong mali. Kaya bakit niya ako ginaganito?

Kaya hindi ko na pinairal ang pride at sinubukan makipag ayos. Kahit na hindi ako sigurado kung may nagawa ba talaga akong mali.

"Ano ba ang nagawa ko, Chantalle? Bakit bigla mo na lang ako hindi pinapansin ---" she stood up before I could finish speaking.

Walang emosyon niya akong tinignan. "Shut up. You're wasting my time Eurica," she stated and stormed out of the room.

Napasapo na lang ako sa nuo. What should I do? Masyado akong nabobother dahil masama ang loob ni Chantalle. Mabait naman siya e. Pero bakit bigla na lang nagbago?

Kinakabahan ako dahil hindi naman talaga siya nagagalit, bilang lang din kung ilang beses kami nagkatampuhan. Tapos biglang ganito ang mangyayari.

Carlynn patted my shoulder then she shook her head. "Hayaan mo muna. Kakausapin ko na lang mamaya. Just give her space for now," then she gave me a comforting embrace. "Wag ka na masyadong ma-sad,"

What If (St. Mary's U Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon