Chapter 1

1.6K 30 50
                                    

Sorry for the grammatical errors,misspelled words and typos. Enjoy!

Regina's P.O.V.

"Regine, Aalis na kami" rinig kong paalam ni mama sa'kin. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto upang magpaalam na din sa kanila.

"Ikaw na muna ang bahala sa kompanya habang wala kami dito ha? Wag ka magalala tutulungan ka naman ng mga kuya mo at nila Ogie" bilin ni papa habang naglalagay ng mga gamit sa sasakyan.

"Sige po para pagbalik niyo bagsak na yung kompanya hehe" biro ko kaya napahinto si papa sa ginagawa niya.

"Joke lang pa. Alis na kayo" sabi ko sa kanila at humalik sa mga pisngi nila.

"Mag-iingat kayo dito ha. Regina, baka pagbalik namin may nobyo ka na" sabi ni mama. OA.

"Hala ang OA mo naman ma. Three weeks lang naman kayong mawawala parang three decades naman" sabi ko pa kaya natawa ng bahagya sila mama.

"Mga kalokohan mo talaga Regina" sabi ni papa at ginulo ang buhok ko.

"Maganda kasi ako pa. Sige na humayo na kayo at baka maiwan kayo ng eroplano. Mahirap na" sabi ko at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Bakit naman kami maiiwan ng sarili nating eroplano?" Ay oo nga naman.

"Ay may sarili nga pala tayong eroplano hehe. Sige na ma umalis na kayo" sabi ko pa.

"Sandali lang hinihintay pa namin sila Amelia" sabi ni mama at kinuha ang cellphone sa bag niya.

"Regine!" tawag sa'kin ni Kuya Martin.

"Nagchacharge pa ako kuya" pinangunahan ko na siya dahil manghihiram nanaman siya ng charger ko.

"May pangbili ng alak pero walang pangbili ng charger" sabi ko pa.

"OA! 'Wag kang sasama mamaya sa'kin ha pupunta ako kila Herminio! 'Wag kang sasama talaga. Itatanong ko palang sayo kung kaninong kotse ang gagamitin natin pero pinangunanhan mo na ako" pang-aasar niya.

"Edi 'wag! Hindi naman kita pinipilit na isama ako. Besides, kahit naman sabihin kong kotse ko ang gamitin ayaw mo namang gamitin yun" sagot ko at inirapan siya.

"Arte mo talaga. Bahala ka diyan. 'Wag ka talagang sasama" sabi niya at nagpaalam kila mama.

"Ewan ko sa'yo Kuya! Ma,Pa ingat nalang kayo nanggigigil ako sa anak niyo e" sabi ko hinampas muna si kuya bago ako pumasok ng bahay.

"Goodmorning Reg!" bati ni Kuya Gary sa'kin na kumakain sa kusina.

"Morning kuya!" bati ko at nanguha ng plato.

"Paalis na sila mama kuya ah bakit hindi ka magpaalam?" tanong ko.

"I did. Kanina pa" sagot niya at nagpatuloy sa pagkain. Tumango lang ako at nagsandok na ng pagkain. Yung cellphone ko pala!

Tumakbo ako papunta sa kuwarto ko at kinuha ang cellphone kong nakacharge. Kinuha ko din ang charger para hindi na ako aakyat mamaya kapag nalowbat ito ulit.

"Goodmorning Reg!" bati ni Ogie. Hala bakit nandito 'yan?

"Haler goodmorning! Bakit nandito ka?" tanong ko at inakbayan siya.

The Man in My Dreams  [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن