Epilogue

549 30 14
                                    

A/N: Last part of the story!! Una, nagpapasalamat ako na sa simula palang ng story ko, nagbabasa na at hanggang dito nakaabot kahit pa isa akong napakatamad na author yes po, opo. Ayun, no more dramas basta salamat ng madami. Lahams ko keo lahams q den si tin, charot! Enjoy reading! Sorry for the grammatical errors and misspelled words.

----

Regine's POV

Isang linggo na din ang nakalipas matapos ang pangyayaring hindi ko maintindihan.

Ang sabi ng doctor, maaaring dahil lang daw 'to sa isang taon kong pagtulog kaya hindi ko maalala ang mga nangyari saakin. Hindi naman daw 'to permanente at maaari ding maibalik sa loob ng isang buwan o linggo.

Noong nakaraang linggo, nakalabas na din ako sa ospital. Hinihintay lang daw naman nila na gumising ako at maaari na akong makalabas sa ospital.

Ngayon, naintindihan ko na ang nangyayari dahil sa mga kaibigan ko, at sa mga taong nakapaligid saakin.

Tama nga sila, everything happens for a reason and maybe the reason is here, the reason is with me.

Nandito ako sa bahay at nag-aayos. Aalis kami ngayon kasama ang mga kaibigan ko. Pupuntahan namin ang puntod ng asawa kong dalawang taon na mula nang mawalay saamin. Pero, tanggap ko, tanggap na namin.

Alam na din ng mga kaibigan ko ang nangyari sa'kin. Alam na nilang nakasama ko sila sa isang paglalakbay habang nakikita nila akong nakahimlay at mahimbing na natutulog sa loob ng isang taon.

"Mom, Nasa baba na po silang lahat, tayo nalang po ang hinihintay. What should I say to them?" tanong ng anak ko kaya nabalik ako sa sarili.

"Yes, nak. Pababa na ako, pakisabi nalang." nakangiting sagot ko at hinablot ang bag ko sa tabi. Sandali akong tumingin sa salamin at ngumiti.

Lumabas na ako ng kuwarto at kahit wala pa ako sa baba ay rinig na rinig ko na ang tawanan at kuwentuhan ng mga kaibigan ko. Napailing nalang ako, kahit sa panaginip ko din ay ganito sila kaingay, walang magbabago.

"Because Tita Tin is scary when she's teaching! One time, I visited her on her class then, she's sitting sa likod ng room then someone is reporting in front tapos she is asking the reporters many many question, I told her that 'Tita Tin, she is pressured na don't make a question so dami naman. She is kawawa na in front oh' and then, she answered mnate "No, Nate. She needs to answer that questions because its for the sake of her grades naman. When you are already a high school student, you will realize that I am right. But, for now, Just watch' I was in shocked when the student answer ALL of her questions. So that's it." kuwento ng anak ko. Tumambay lang ako sa hagdan at tinignan kung paano siya magkuwento.

"Then, she's making piyok pa. I make tawa nalang but her students are making tawa in their own," natatawang kuwento niya.

"Hay nako, Nate! Napaka daldal mong bata at pati ang pagsabit ng boses ko sa oras ng klase ko naikukuwento mo na. Kung hindi ka lang talaga bata natuktukan na kita diyan." biro sa kaniya ni Kristine na ikinatawa ng lahat, maliban saakin na pinagmamasdan at nakangiti lamang.

"Oh, here's mom na pala! I want to go to dad na." saad ng anak ko at tumakbo papunta saakin. Inalalayan niya ako hanggang sa tuluyan na kaming makababa ng hagdan.

"I'll drive." presinta ni Kristine.

"Baka pumiyok din yung sasakyan kapag ikaw ang nagmaneho, Kristine ah!" biro ni Viceral sa kaniya na ikinatawa namin.

Sumakay na kaming lahat sa mga sasakyan namin at dahan-dahang nagmaneho. Tulad ng sinabi niya, si Kristine ang nagmaneho ng sasakyan at nasa tabi niya ako. Nasa likod ko si Nate na hawak ang iPod niya.

"Tin, kamusta naman daw performance ni Nate sa school?" tanong ko bilang siya naman ang nagsisilbing guardian ni Nate sa school. Magkaiba sila ng building pero pinupuntahan ni Kristine si Nate madalas upang kamustahin siya sabay na din silang uuwi at ihahatid ni Kristine si Nate sa bahay bilang hindi maharap nila Kuya ang pagkuha ng yaya ni Nate habang wala pa akong malay.

"Ayun nga, highest honor. Hinakot lahat ng award sa room nila at kulang nalang wala ng makuhang award yung top 2 nila." sagot niya.

"High school lang ba ang tinuturuan mo, Tin?" tanong ko.

"Oo, hindi ko kasi kayang mag handle ng elementary students. Well, madaming may gustong maging teacher ako sa elementary pero ayaw ko talaga." sagot niya. Tumango nalang ako dahil wala din naman akong maiintindihan sa kahit anong ipaliwanag niya.

In no time, we arrived at the cemetery. Kinuha ko ang bulaklak sa likod at bumaba na ng sasakyan. Halos sabay-sabay lang din kaming nagsibaba ng mga sasakyan namin. Dala naman nila kuya ang mga pagkain na kakainin namin dito.

Inayos na namin ang mga upuan at nilagay ang mga pagkain sa lamesa.

Umupo ako sa tabi ng puntod ng asawa ako ngumiti. Pinagmasdan ko ang mga kaibigan, kapatid at ang anak kong masayang nagkukuwentuhan.

"Look at them, honey. Ang saya nila, diba? But you know, I guess it'll be more happier if you are still here, with us." sambit ko.

"But, I know you are happy na up there kasi kasama mo na mga magulang mo. 'Wag ka mag-alala saamin ni Nate, madami ng alam ang anak mo na 'to, lalo na sa pambobola! Syempre, kanino pa ba magmamana? Edi sa tatay!" biro ko at mahinang tumawa.

"Kung alam mo lang kung gaano kita gusto ng yakapin, halikan at alagaan ulit. Kaya lang, wala na. Kinuha ka na ni Lord, masyado ka kasing mabait." biro ko.

"But honey, salamat sa lahat ng sakripisyo at pagtitiis na ginawa mo saakin. I hope to see you in my dreams again. Mahal na mahal kita." sambit ko at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Napangiti naman ako nang may dumamping malamig na hangin sa pisngi ko.

Tumayo ako at tumingin sa bughaw na langit. Habang nakatitig ako ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga masasaya at mapopoot na pangyayari sa buhay namin noon.

But, that's life! Just go with the flow of your life kasi kung hindi, wala, talo ka.

Totoo nga yung sinabi ng ibang tao na kapag mahal mo yung isang tao, kung kayo talaga ang para sa isa't isa, maligaw man ang landas niyo, mawala man ang komunikasyon niyo, sa huli, pagtatagpuin pa din kayo ng tadhana.

Sa sitwasyon ko, hindi man kami biniyayaan ng pagmamahalang hanggang wakas, hinayaan naman kaming magmahalan ng wagas kahit sa panaginip lang.

To my husband, the father of my child, and to The Man in my Dreams, Thank you for everything you've done. I will never forget you, I love you.












End.

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now