Chapter 25

558 25 4
                                    

A/N: Last chapter then epilogue na. Hindi ako makapaniwalang umabot tayo dito lalo na't hindi ko nahaharap mag update parati. Enjoy reading. Sorry for the grammatical errors and misspelled words.

--------

Regine's POV

Nagising ako nang hawak nila Kuya Martin at Kuya Gary ang dalawa kong magkabilang kamay.

Hindi pamilyar kung nasaan ako pero alam kong nasa ospital ako.

Sinubukan kong magsalita pero hindi ko kaya. Nasa ospital na kami ngayon at wala pa akong balita sa kung ano na ang nangyari kay Ogie.

"R-regine.. Gary, c'mon call a doctor.. Or a nurse!" natatarantang sambit ni Kuya Martin at tumayo. Agad din namang tumayo si Kuya Gary at tumawag ng doctor sa labas.

Wala pang ilang minuto ay bumalik na si kuya kasama ang doctor.

"Regine, mabuti naman at gising ka na." nakangiti aniya sa'kin. Nakikita ko sa mga mata niyang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"Doc, alam kong may gusto kang sabihin, sabihin mo na." sabi ko at umupo.

"Salamat at nagising ka na matapos ang isang taon mong pagtulog."

"Salamat at nagising ka na matapos ang isang taon mong pagtulog."

"Salamat at nagising ka na matapos ang isang taon mong pagtulog."

"Isang taon mong pagtulog."

Ha? Isang taong pagtulog? Hindi ko maintindihan.

"D-doc? I-isang taon? N-nasaan ang anak ko? N-nasaan ang bata sa loob ng tyan ko? Nasaan si Ogie?" naguguluhang tanong ko. Bakas sa mga mukha nila ang pagtatakang hindi ko maintindihan.

"Ogie? What do you mean, Regine? I already sent Nate to school. Buntis ka? H-how come? Herminio is living in peace for 2 years now, isang taon ka na ding nakaratay diyan sa higaan na 'yan. Paano?" tanong ni Kuya Gary

Who is Nate? A-at bakit patay na si Ogie? Naguguluhan ako. Gulong gulo na ako.

"K-kuya.. S-sino si Nate?" tanong ko.

"Regine! Are you out of your mind?! Nakalimutan mo ang sarili mong anak?! What kind of mother are you?!" sigaw ni Kuya Martin kaya nabigla ako.

"Martin, be calm. Regine's memories are not functioning well at this point dahil na rin 'yan sa isang taon siyang na comatose. But, later on, makakaalala din siya ng mga nangyari sa nakaraan. Kailangan ko pang pumunta sa ibang mga pasyente ko. Regine, it was nice seeing you awake already." sabi ng Doctor at ngumiti bago lumabas.

"Kuya, ano ba talaga ang nangyari? B-bakit wala akong maalala?" tanong ko.

"Matulog ka ulit, Regine. Baka sakaling bumalik ang mga ala-ala mo. Darating na din maya-maya ang anak mo, matutuwa siya kapag nalaman niyang gising ka na at ayaw niyang hindi mo siya maalala. That was his biggest fear, Reg. Ang hindi siya maalala ng sarili niyang nanay. Nate is just seven years old, pero lahat ng nangyayari sa paligid niya, naiintindihan na niya." paliwanag ni Kuya Gary.

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now