Chapter 8

540 18 23
                                    

Herminio's POV

We are now at the Leon's bar. Eto yung sinasabi ni Vice na bagong bukas na bar na malapit sa bahay namin.

Katabi ko si Regine sa kanan at sa kaliwa naman si Jaya at Viceral.

Umuwi na si Sharon kani-kanina lang dahil umuwi nanaman daw ng lasing yung boyfriend niya at pupuntahan niya daw ito sa kanila. Hindi pa kasi sila kasal.

May dalawang oras na din kami dito sa bar at hindi na ako nagbalak na uminom pa ng marami dahil ihahatid ko pa si Regine sa kanila. Maaga din kaming pupunta sa opisina bukas kasama si Regine dahil may URGENT meeting daw ang lahat ng member,officers, at head ng kompanya.

"Reg, stop" sita ko at kinuha ang bote ng alak na hawak niya.

"Why would I stop? Dali naaa. Akin na 'yaaaan. Ngayon lang naman ako uminom e!" sabi niya at ininom ang alak na hawak niya. Napailing nalang ako at uminom ng kaunting alak na nasa harap ko.

Tinignan ko si Regine na makulit at nag-iingay na. Vinideohan ko ito at tinawanan para asarin ko siya bukas. Malamang kapag nakita niya ang pinaggagagawa niya hindi nanaman niya ako titigilan sa kakatanong kung ginawa niya ba daw talaga yun.

"Hoy nakatulala ka nanaman diyan! Uwi na tayo sabi ko e" sabi ni Regine na nakapalupot na sakin ngayon. Well, sanay na ako dahil sa tuwing nalalasing siya ganito siya palagi. Sana nga lagi nalang siyang lasing e. Joke.

"Kanina ka pa tulala! Ano nanaman ba iniisip mo? Halika na kasi!" pangungulit niya pa. Umiling nalang ako at tumawa nang bahagya dahil sa iniasal niya. Tumayo na ako at nagpaalam na sa mga kaibigan namin.

Palabas na kami ng bar at nahihirapan na ako dahil yung lakad niya ay pang lasing talaga na kung sino sino na ang nababangga niya. Sa dulo kasi kami nakapuwesto kaya eto hashtag struggle is real.

Sa wakas ay nakarating na din kami sa parking lot ng bar. Nakita ko naman kaagad ang kotse ko kaya hindi na ako nahirapan. Pinindot ko na ang susi para bubuksan ko nalang kapag nakarating na kami doon.

Binuksan ko ang back seat ng kotse ko at inihiga siya doon. Lalabas na sana ako nang pigilan niya naman ako kaya nandito ako ngayon sa ibabaw niya.

"I l--" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang nagsuka siya. SA MUKHA KO! Ayos lang naman.

Tinawagan ko kaagad sila Kuya Marts para ipaalam na iuuwi ko na ang lasing na lasing nilang kapatid.

{Hello? Bakit? Nandito pa kami sa office. Pero pauwi na din naman}

"Kuya. Yung kapatid niyo nagpakalasing ng sobra. Nasukahan pa ako" sabi ko. Narinig ko ang tawanan nila doon.

{Diyan mo muna patulugin sa inyo 'yan}

"O-ok" tanging naisagot ko lang. Ibinaba ko na ang tawag at umalis sa ibabaw ni Regine. Pinunasan ko muna ang mukha ko at lumabas sa back seat at lumipat sa driver's seat.

Binuksan ko ang radio at tumugtog ang paborito kong kanta.

Bakit di magawang limutin ka?~
Bawat sandali ika'y naaalala~
Tangi kong dasal, sa may kapal~
Makapiling kang muli~

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now