Chapter 9

564 23 4
                                    

Regina's POV

Nagising ako at inikot ang mata sa paligid ko. Gagi wala ako sa kuwarto ko!

"Tangina naman" bulong ko sa sarili ko at lumabas ng kuwarto na 'to. Pumasok ako sa kuwarto ni Ogie nang walang paalam at binulabog siya.

"Ogieeeee! Gumising ka diyan! Hoy!" sigaw ko at hinampas-hampas pa siya ng unan.

"Hmm" he moaned. Tangina naman wag kang ganiyan lalo akong naiinlove eh!

"A-ano ba! Gumising ka nga diyan! Og--potaaaa! Hoy bitawan mo ako!" sigaw ko dahil hinila niya ako kaya pumaibabaw ako sa kaniya.

"Ano baaaa!" sigaw ko at hinampas hampas siya sa dibdib niya. Tumatawa lang siya kaya lalo akong nainis. Tangina kasi nararamdaman ko na yung ano eh.. Basta yung ano!

"Ogie wala si Regine sa--ay diyos ko po" napalingon ako kaagad sa pinto at umalis sa ibabaw ni Ogie nang marinig ko ang boses ni Ate Pops.

"A-ate" sabi ko at sinamaan ng tingin si Ogie na tawa pa din ng tawa.

"Mag-breakfast na. Maaga pa tayong pupunta sa opisina. Tama na muna landian" sabi niya at lumabas. Pagkalabas na pagkalabas niya ay nagpakawala nang malakas na tawa si Ogie.

"Epal ka! Diyan ka na nga!" sigaw ko at lumabas ng kuwarto niya. Pabagsak kong isinara ang pinto at dahan-dahang bumaba.

"Goodmorning, Reg" bati ni Tita Amelia saakin. Lumapit ako sa kaniya at humalik as pisngi niya.

"How's your sleep?" tanong nito sakin.

"Ayos lang po. Hindi ko nga po alam paano ako napunta dito e. Kinidnap po yata ako ni Ogie" biro ko.

"Hoy! Anong kasinungalingan nanaman yung pinagsasasabi mo diyan?! Ako na nga 'tong sinukahan mo ako pa naging masama! Wow naman" tumingin ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Ogie. Sinukahan ko ba talaga siya?

"H-hoy! Hindi kita sinukahan! Wag kang ano diyan! Wala akong maalalang ginawa ko sayo yan!" angil ko. Tumawa lang siya ng mahina at tumabi na sakin.

"Wala ka naman talagang maaalala dahil lasing ka. Sayang nga hindi ko nirecord mga pinagsasasabi mo saakin kagabi. I wish.." bulong niya. Hinampas ko siya at ngumiti kila Tita Amelia at sa mga ate niya.

"Goodmorning everyone! Ay magkatabi nanaman si Regine at Ogie. Naku diyan nga ako Regine dito ka sa tabi ni Pops" sabi ni Ate Zsa. Tumayo ako at lumipat sa puwesto niya kanina.

"Luh. Ayaw nga kita katabi ate eh!" reklamo ni Ogie.

"Kapag nagtabi kasi kayo puro bangayan lang ang gagawin ninyo" sagot ni Ate Zsa at naupo sa puwesto ko kanina.

Napuno ng masayang kuwentuhan at punong-puno ng asaran ang umagahan namin. Ipinakita pa ni Ogie kung paano ako naging hyper kagabi. Wala akong maalalang nagsasasayaw ako kagabi ha! Potek baka kung ano ano na ang nasabi ko sa kaniya! Isa kang tanga, Regina!

"O siya. Maligo ka na diyan Regine. May mga damit naman doon sa cabinet doon sa pinagtulugan mo. Then, may mga undies din. Bumili talaga kami incase may makitulog dito na walang dalang gamit. Don't worry, hindi pa naman nagagamit yun" sabi ni Tita Amelia. Tumango lang ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa.
7:14 a.m.

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now