Chapter 24

608 27 20
                                    

A/N; Hello! Just want to say sorry for the late ud's due to school works, fam problems chuchu. Pero kahit late ud's lagi binabasa at sinusubaybayan niyo pa din ang story na 'to that's why I'm still thankful to all of you. Hope you enjoy the second to the last chapter! Isang bagsakan nalang ang gagawin ko sa last chapter and epilogue. Wala pang sched kung kailan ko siya mapupublish pero sana matapos ko 'tong story na 'to bago matapos 'tong buwan na 'to. Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Enjoy reading! ❤

Ps: hi to all reginyetas! pambawi ko nga pala HAHAHA labyu ol ❤

-----

Regine's POV

"Love, they're waiting for us na sa baba." bulong ni Ogie saakin.

"Hmm." I moaned my answer and hugged him. He hugged me back and kiss my forehead. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang ngiti niya.

The smile from my dreams. The smile from our past. His sweetest smile is back.

"Your sweetest smile is back, baba." nakangiting ani ko sa kaniya. Ngumiti ulit siya saakin at inayos ang iilang hibla ng buhok ko na nasa mukha ko.

"Yeah, Because you're back. Ikaw lang naman ang nagbibigay ng napakagandang ngiti sa akin, Baba. Kaya kung ako sa'yo, magbihis ka na at mag-ayos dahil kanina pa sila naghihintay sa baba." sabi niya saakin at tumayo.

"Kanina pa pala sila naghihintay bakit ngayon mo lang ako ginising?" tanong ko.

"Ang sarap ng tulog mo kanina e. Mamaya kasi kapag ginising kita, kainin mo ako!" biro niya.

"Bakit naman kita kakainin e nakain na kita kanina." pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi ko 'yan. Iniwasan kong pumiyok pero pumiyok pa din ako.

"Ganun? Nakain na din kita kanina so hindi na kita puwede kainin mamaya?" pabiro niyang tanong.

"Alam mo? Ang bastos mo din eh 'no? Bumaba ka na nga doon at magbibihis na ako. Naiinis na ako sa'yo!" sabi ko at tumayo na.

"Ikaw naman nagsimula. Sige na, sasabihin ko sa kanila na hindi mo na ako kakainin este pababa ka na hahaha." biro niya at patakbong lumabas ng kuwarto ko.

Tumayo na din ako sa kama ko at inayos. Nagbihis na din ako at nag-ayos. Kahit pa kasi mga kaibigan ko ang kaharap ko kailangan ko pa ring maging presentable sa paningin nila.

"Te Reg! Ano na? Pababa ka na ba? Yung ilaw sa mga letters mapupundi na. Ang tagal mo!" sigaw ni Vice. Ilaw? Sa mga letters? Ano yun? Anong meron?

Tumingin ako sa salamin at lumabas na ng kuwarto.

"Ano'ng ilaw sa mga letra?" naguguluhang tanong ko.

"A-ah. May sinabi ba ako?" tanong niya.

"Kakasabi mo lang, Viceral. Ano 'yun?" tanong ko.

"Wala naman akong s-sinasabi ah?" palusot niya.

"Vice!" napalingon kami kay Kristine na hingal na hingal na dumating sa harap namin.

"Hoy Kristine. Ano yung sinasabi ni Vice na ilaw sa mga letters?" tanong ko. Nagtinginan sila ni Vice at tumawa.

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon