Chapter 11

512 21 7
                                    

A month later..

Regina's POV

"Bakit kailangan mong magsinungaling saakin?! Bakit mo nagawa saakin yun?! Bakit hindi mo sinabi yung totoo?!" galit na tanong ko habang hinahampas ang dibdib niya.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Ayaw lang kitang masak--"

"Tanginang dahilan yan! Ayaw masaktan?! Siraulo ka ba?! Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan nang malaman kong nagsisinungaling ka lang pala saakin?! Sa iba ko pa talaga nalaman 'yang kagaguhan mo!" sigaw ko.

"Regine, alam kong nasaktan kita. Hayaan mo muna akong magpaliwanag. First of all, matagal nang nangyari yun. Three years na" sagot niya.

"Napaniwala mo ako sa kasinungalingan mo!" sigaw ko sa kaniya.

"I'm sorry. I promise--"

"Pilipino tayo, wag kang nag-eenglish kapag nag-aaway tayo" biro ko kaya natawa na kaming parehas.

Niyakap niya ako at hinalikan ang balikat ko.

"I'm sorry. Hindi na mauulit, pangako"

"Muli ay iyong pagbigyan ako'y nagkamali muli--ay goodmorning Te Reg!" nagising ako sa tinig ni Viceral na kumakanta pa kahit wala naman sa tono.

"Ano ba? Bakit nandito ka?" masungit na tanong ko.

"Luh ang sungit palibhasa isang buwan nang hindi nakakausap at nakikita si Herminio" bulong niya sa sarili.

"Bubulong ka pa e ang lakas naman ng boses mo. At excuse me lang ha? Hindi ko namimiss yung ugok na yun!" pagsusungit ko.

"La ka te. Wala naman akong sinabing namimiss mo siya. Ay ikaw ha" panunukso siya saakin.

"Tumahimik ka. Lumabas ka muna ng kuwarto ko! Ang aga mo mambulabog. Kanta ka pa ng kanta wala ka naman sa tono" sabi ko pa. Umirap naman siya at padabog na umalis ng kuwarto ko.

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon