Chapter 17

498 24 19
                                    

Regina's POV

"I don't love you anymore, Kristine. We need to stop this." rinig kong sabi ng lalaki na malapit sa puwesto namin. Nakaupo kami sa park ngayon dahil nag-aya na dito daw muna kami at hintayin namin ang pagdating nila Lea at Aga.

"C-Carl, nangako ka diba? Nangako kang.. Hinding-hindi mo ipaparamdam saakin kung ano man yung pinaramdam sa'yo ng ex mo." sabi ng babae at halata sa boses niya ang pagpipigil ng luha.

"Pinili kita kasi ang akala ko hindi mo ako iiwan. Pinili kita kahit hindi ka gusto ng mga kaibigan ko para saakin. Pinili kita kahit nawalan na ako ng mga kaibigan. Pinili kita kasi mahal kita. At akala ko, pipiliin mo din ako kasi mahal mo ako." sabi ng babae at tuluyang bumuhos ang luha na kanina pa niya pinipigilan.

"I'm sorry, Tin. Maganda ka, Mabait madami pang iba diyan" sabi sa kaniya ng lalaki at pinunasan ang luha niya.

"Ayaw ko sa iba, Carl! Gusto ko sa'yo lang! Ikaw lang!" sigaw ng babae at humagulgol ng iyak.

"I can't stay with you anymore. Hindi puwedeng pilitin ko nalang ang sarili ko na mahalin ka. Hindi ako ang masasaktan kundi ikaw lang din. Kung ikaw nalang ang nagmamahal, kawawa ka. Sayang ang pagmamahal mo kung sa isang katulad ko lang mapupunta. I love you, Tin. Mahal kita kaya gusto ko na maging masaya ka. Maging masaya ka sa iba at hindi sa akin. Hindi pa 'to ang huli nating pagkikita. At sana sa muli nating pagkikita, masaya ka na sa piling ng iba. I love you for the last time, Kristine." hinalikan siya ng lalaki sa noo at iniwan siyang umiiyak.

Kinuha ko ang panyo sa bag ko at lumapit ako sa kaniya.

"I know you're not ok right now. Malay mo naman iniwan ka niya dahil may mas malalim siyang dahilan." sabi ko at inalok ang panyo ko sa kaniya.

Kinuha niya iyon at ipinunas sa mga mata niyang basang-basa. Sandali kaming nanahimik bago ako muling magsalita.

"Minsan talaga kailangan natin pakawalan ang taong sobrang mahal natin para sa ikasasaya nila. Kahit pa sobrang mahal mo yung tao, kahit pa sobrang lalim na ng pinagsamahan niyo ng tao at komportable ka na sa taong yun, darating talaga ang araw na may magsasawa at mang-iiwan. Pero tandaan mo, hindi lahat ng umaalis, gustong umalis." sabi ko at tumingin sa mga batang naglalaro.

"Umaalis sila dahil mahal nila tayo. Umaalis sila dahil gusto nilang maging masaya tayo sa piling ng iba. Umaalis sila dahil ayaw nila tayong nakikitang nasasaktan dahil sa kanila." sabi ko at tumingin sa kaniya.

"Naranasan ko na din 'yan noon. He left me without ANY reason. Iniwan niya nalang ako bigla. Then, after three years nalaman ko na kaya niya pala ako iniwan dahil nagkagusto siya sa iba. Pero alam mo? Hindi niya sinabi saakin na 'hindi na kita mahal' dahil ang sabi niya saakin, he never stop loving me kahit nagkagusto siya sa iba noon." kuwento ko.

"Noong naghiwalay kami humingi ako ng sign kay Lord na kahit sa panaginip man lang maging masaya ako. Na kahit sa panaginip man lang ipakita niya saakin kung sino ba talaga yung para saakin." pagpapatuloy ko.

"Then, magmula noon nagsimula na akong managinip ng isang lalaki. Weird pero sa tuwing may nangyayari saakin maganda man o hindi siya yung parati kong napapanaginipan. Gustong-gusto ko makilala siya dahil familiar ang boses niya at ang itsura niya pero sa tuwing napapanaginipan ko siya ang labo ng mukha niya. Until one day, or should I say.. Last night, nakilala ko na kung sino yung taong yun. Kaya pala familiar siya saakin. Familiar ang lahat ng galaw niya at lahat ng mga sinasabi niya. Because The Man in my Dreams is The Man that I used to love three years ago. Yes, He is The Man in my Dreams." kuwento ko at tumulo nalang ang luha ko bigla.

"I don't know what to say." sabi ng babae at ngumiti.

"Thank you for making me feel that I'm worth it. Can I get your number?" tanong niya. Binigay ko ang number ko at ngumiti.

"I don't know where to go right now." malungkot na ani nito.

"You can come with us. I am with my friends. Yung dalawa hinihintay namin dumating yung kasama ko naman, hinihintay lang din sila." sabi ko.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya.

"I'm Regina. Regina Quintero. Reg nalang. Ikaw ba?" sabi ko at inabot ang kamay ko sa kaniya.

"I'm Kristine. Kristine Ramirez. Tin nalang." sagot niya at kinamayan ako.

"Reg, nagpapark lang sila Le-- Oh hello!" bati ni Ogie kay Kristine.

"Ogie, I want you to meet Kristine, Kristine, I want you to meet Ogie." nagkamayan sila sa isa't isa at ngumiti.

"Reg, siya ba yung sinasabi mo?" bulong sakin ni Kristine. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Bakit maga ang mata mo? Umiyak ka ba?" tanong ni Ogie sa kaniya at tinabihan ako.

Nagsimulang magkuwento si Kristine at nagsimula nanamang tumulo ang mga luha niya. And it hit me so hard when she said "hindi lahat ng taong gusto mong manatili, mananatili. Dahil minsan, tayo na din pala ang gumagawa ng dahilan para umalis sila at iwan tayo"

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now