Chapter 7

520 17 32
                                    

Regina's POV

"Love, you should take care of yourself. Matagal-tagal din akong mawawala sa tabi mo. Walang mag-aalaga sayo" sabi ni Ogie na ngayon ay nag-aayos ng gamit niya. Nilapitan ko siya at niyakap.
"I will. Mag-iingat ka doon ha? Parati mo akong tawagan. Then, wag ka hahanap ng bago doon. Siraulo ka baka pagbalik mo magkaibigan nalang tayo. Ganiyan ginawa mo sa'kin noon dimunyu ka" biro ko. Hinarap niya ako at hinalikan sa noo.

"OA ka talaga. Sige na, matulog na tayo kasi maaga pa ako aalis bukas. Kung puwede nga lang na hindi umalis hindi na talaga ako aalis e" malungkot na sambit niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at umupo sa kama.

"Wag ka na malungkot. Nakakatamad na umiyak ha? Sakit sa eyes. Ayaw ko na umiyak" biro ko kaya natawa siya.

"I will surely miss you, hon" sabi niya at hinalikan ako sa labi. Ginantihan ko ito ng halik hanggang sa..

"Regina! Huy! Wag ka nga matulog diyan sa sofa. Mabigat ka di ka kayang buhatin ni labidabs mo!" dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at doon ko lang nalaman na nananaginip lang pala ako at nakahiga ako ngayon dito sa sofa.

"Anong oras na? Nasaan si Ogie?" tanong ko.

"Ay ses kami ang nandito pero iba ang hinanap. Tapos hindi na daw mahal? Wow ha. Regina, wala kang maloloko dito" sabi ni Jaya. Inirapan ko lang siya at tumayo.

"Nasaan nga kasi?" tanong ko ulit.

"Bumili lang ng pagkain mo madam. Kasama si Lei at Vice" sagot ni Jaya. Kinapa ko ang sarili ko at nagulat ako nang hindi na ako nilalagnat.

"Kumain na kayo? Anong oras na?" tanong ko ulit.

"7:30 na" sagot ni Jaya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sila Kuya.

{Oh? May problema ba? Mamaya pa yata kami makakauwi. We still have 100 clients}

"What?! Sino ang kasama ko dito?! Kuya, uuwi din sila Ate Sha mamaya!" sabi ko. Ayaw ko mag-isa dito!

{Ang OA mo talaga kahit kailan, Regina. Mag-stay muna diyan si Ogie habang wala kami. Kayong dalawa nalang naman, sabihin mo na ang dapat sabihin}

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now