Chapter 18

462 18 17
                                    

Herminio's POV

"What if, mahal niyo ang isa't isa pero hindi naman kayo masaya?" tanong ni Lea.

"Ang pagmamahal ba nakadepende sa saya? Kailangan ba parating masaya kapag nagmamahal?" tanong ni Regine.

"Bakit ka galit?" pang-aasar ko.

"Herminio Jose!" sigaw niya at sinamaan ako ng tingin. Tumawa lang ako at niyakap siya.

"Happy kayo? Happy?" tanong ni Kristine na nakapameywang na nakatingin sa amin.

"Tin, masyadong bitter. Masyado kang napaghahalataang iniwan eh." biro ni Regine sa kaniya.

"Nyenye. Atlis hindi torpe." biro niya.

"Mismo! Hahahahahaha! Apir tayo diyan!" tumayo si Lea at nakipagtawanan kay Kristine. Habang si Regine? Ayun naka tingin lang ng masama sa dalawa niyang kaibigan na pinagtatawanan siya.

"Kristine!" sigaw ng isang lalaki. Lumingon kami at nakita namin ang isang lalaking may hawak na bulaklak.

"C-carl. Hehehe." huminto siya sa pagtawa at tumayo din sa kinauupuan niya.

"Tin, I'm sorry for what I did yesterday. Hindi ko dapat ginawa yun. Here, your favorite flower. Date tayo? Para makabawi ako sa'yo."

"Carl diba break na tayo?" naguguluhang tanong niya.

"That's why I want you back. I want the old us to be back. I really love you, Tin." sagot naman niya.

Magsasalita at lalapit na sana si Kristine nang pigilan siya ni Regine.

"Hep! Ganun ganun nalang yun? Iniwan mo siya basta sa park kahapon tapos basta basta ka nalang din babalik? Siraulo ka pala eh. If you want her back, gumawa ka ng paraan hindi yung basta basta ka diyan. Ihuhulog kita sa bangin." singit ni Regine.

"I agree!" sigaw ni Lea at inakbayan pa si Kristine. Natawa nalang si Kristine sa inasal ng dalawa.

"T-tin." sambit ng lalaki.

"They're right, Carl. Kung gusto mong bumalik ako sayo, gumawa ka ng paraan. Siguro hindi ka niya pinili kaya bumabalik ka saakin ngayon 'no? Akala mo ba hindi ko yun alam?" sagot sa kaniya ni Kristine at nilapitan siya. Sinubukan siyang pigilan nila Regine at Lea pero hindi nila nagawa at tuluyang nasampal ni Kristine si Carl.

"Kulang pa ang sampal na yan sa lahat ng mga katarantaduhang ginawa mo saakin, Carl. Akala mo ba.. Hindi ko alam na habang nasa ibang bansa ka may nilalandi kang iba doon? And worse? Kaibigan ko pa? Anong klaseng boyfriend ka? May pasabi-sabi ka pa na ako lang ang mahal mo. Ako at marami pang iba pa pala. Alam mo? Akala ko magtitino ka na kaya binigyan kita ng isa pang pagkakataon. I almost give you 6 chances? Pero anong ginawa mo sa anim na pagkakataon na binigay ko? Sinira mo. Sinira mo lahat pati ang tiwala sayo ng pamilya at mga kaibigan ko, Carl! And I hate you for that. Limang taon ang sinayang ko sayo, Carl. Limang taon ang sinayang ko sa buhay ko para lang sa'yo kasi ang akala ko matino ka." sabi niya at bakas sa tono ng boses at sa mukha niya ang galit.

"Umalis ka na sa harapan ko dahil baka hindi ako makapagpigil at hindi lang sampal ang magawa ko. Wag na wag ka na din magpapakita saakin kahit kailan dahil hindi na kita kailangan. Mahal lang kita pero hindi na kita kailangan. Salamat nalang." sabi niya at kinuha ang bag at naglakad palayo saamin. Hinabol siya nila Regine at Lea. Sumunod naman kami kaagad ni Aga at natagpuan sila sa isang sulok na nag-iiyakan at nagtatawanan. Lord, help us.

"HAHAHAHA. Basta hindi ko na babalikan yung ugok na yun. Matutulog nalang ako baka mapanaginipan ko pa yung forever ko." biro ni Kristine.

"Loko ka. Punasan mo nga 'yang luha mo. Galing mo pala sumampal. Pero mas magaling pa rin si Regine manampal matatanggal pisngi mo dito." biro ni Lea.

"Syempre hindi naman papakabog si Lea pagdating sa sampalan. Nasampolan na niya si Aga noon, eh. HAHAHAHA" biro pa ni Regine at nagtawanan sila. Nakatitig lang ako kay Regine habang nagtatawanan sila dahil lalo siyang gumaganda sa tuwing nakangiti at nakatawa siya.

Kinuhanan ko siya ng litrato na nakangiti siya at pinost ito sa instagram account ko.

@herminiojose: your smile is my everything. @regquintero

Umupo ako sa isang sulok at nagscroll lang sa cellphone ko nang tumunog ang cellphone ko.

@regquintero: I love you yesterday, today, tomorrow and forever. @herminiojose.

Tumingin ako sa kaniya at nagtama ang mga paningin namin. Ngumiti siya saakin at alam ko na siya na talaga ang babaeng mamahalin ko sa habang buhay at ang magiging nanay ng mga anak ko. Mas kinilig naman ako nang ngumiti siya saakin ulit bago makipagusap sa mga kaibigan.

I'm really so inlove with her.

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now