Chapter 21

541 24 5
                                    

A/N: Halu gais. Sorry kung ngayon lang nakapag update ulit. Just want to inform you gais na hanggang chapter 25 nalang 'tong TMIMD then epilogue. Sorry kung laging matagal ang update. Kakatapos lang ng reporting namin then ang dami pang dapat tapusin. So sorry sorry sa mga late updates. Salamat pa din sa mga nakakaunawa at nakakapaghintay ng matagal. Aylabyu ol.

Herminio's POV

"H-ha?" tanong ko kay Regine. Hindi ko kasi narinig ang mga sinabi niya kanina dahil nakatitig lang ako sa kaniya.

"Hatdog HAHAHAHAHAHA." sagot niya at tumawa. Tumayo siya at pumunta sa mga kapatid ko. Ako naman ay pumunta sa mga kapatid niya para makipagkuwentuhan.

"Ano? Ligawan mo na ulit. Ang hina naman, tsk." sabi ni Kuya Martin.

"Ay wow. Hiyang hiya naman ako sa katorpehan mo, Martin? Eh hanggang ngayon nga hindi ka pa din nakikipagbalikan kay Pops." pang-aasar ni Kuya Gary sa kaniya.

"Siya ang ayaw makipagbalikan." sagot naman niya. Tumingin kami kila Ate Pops na nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Saktong tumingin naman saakin si Regine kaya napangiti ako.

"Punta tayo sa park. Maganda daw view doon e. Gora na tayo kasi kitang kita sunset doon kapag ganitong oras. Tsaka, walking distance lang yun dito sa hotel. Ano?" anyaya ni Viceral.

"Tara. Libre ko na kayo sa pagkain." sabi ko at tumayo. Nagsitayuan na din sila at lumabas.

Ang ingay namin pababa dahil sa mga nakakaaliw na kuwento ni Viceral habang nagbbyahe sila papunta dito.

"Ang lakas pa humilik ni Kuya Martin. Hindi na nahiya katabi pa naman si Ate Pops." biro niya.

"Sa tagal naming naging mag karelasyon niyan, alam ko na din kung ano amoy ng hiniga niyan." biro ni Ate Pops dahilan para tumawa kami ulit.

"Wow naman ha? Eh kamusta naman sila Ogie at Regine na pati pag-ihi at pagdumi kailangan magkausap pa din." sabi ni Kuya Martin dahilan para lumingon silang lahat saamin ni Regine na nagpahuli at magkahawak ng kamay.

"Sige, picturan niyo na kami. Nahiya pa kayo e. Ready na mga cellphone niyo e." biro ni Regine. Ngumiti kami sa mga camera nila at nagsimula ng maglakad ulit.

"Saan tayo kakain?" tanong ko.

"Kahit saan ako. Basta kasama ka." sabi ni Regine saakin dahilan upang mapangiti ako.

"Luh? Respeto naman sa mga single dito oh!" sigaw ni Tin.

"Sana all!" sigaw naman ni Jaya.

"Viceral, Jaya, Gary,Zsa,Tin. Mauna na nga tayo sa park iwan na natin 'yang mga magjojowa diyan." anyaya ni Sharon sa kanila. Sumunod naman sila at pumasok na kami sa restaurant para mag-order.

"Order na kayo. Tinatamad ako tumayo." sabi ni Regine saamin.

"Mga lalaki nalang mag-order. Hehehe." sabi ni Ate Pops. Tumango ako at niyaya na sila Kuya Martin at Aga.

"Ogs, is that him?" tanong ni Aga at tinuro pa ang lalaking naka itim. Tinignan ko ito ng maiigi pero hindi ko makita ang mukha dahil nakatakip ito.

"Ha? Hindi ko nga makita e. Nakatakip ang mukha. Tsaka, banned na sila sa Pilipinas." sagot ko naman.

"Oo nga pala. Baka namalik mata lang ako. Order na tayo at baka mabwisit nanaman saatin yung mga girls hahaha." biro niya. Tumawa nalang kami at nag-order na. Pero habang nag-oorder kami, hindi ko maiwasang tignan yung lalaki. He seems so familiar. Really familiar. Pero hindi puwedeng siya 'to. Sobrang imposible.

"Sir?" gulat akong napatingin sa cashier nang tawagin niya ako.

"Ha?" wala sa sariling tanong ko.

"3,504 po yung babayaran niyo sir." sabi niya.

"Ah? Sorry. Here." sabi ko at inabot sa kaniya ang bayad. Tinulungan naman ako nila Kuya Martin at Aga na dalhin ang mga pagkain. Bago kami lumabas ay tumingin muna ako sa lalaki. Nakatingin siya saakin pero inalis niya din 'to kaagad. Kinabahan ako. But as long as I'm with Regine I know that I'm safe.

Umiling nalang ako at hinawakan ang kamay ni Regine. Sabay kaming nagpunta sa park nang may ngiti sa labi.

Hinanap namin ang mga kasama namin at hindi naman kami nabigo dahil sa lakas ng tawa ni Viceral.

"Hala. Si ano ba yun?" tanong ni Jaya at tinuro ang lalaking nakaitim malapit sa puwesto namin.

"Hala. Oo nga no! Pero bakit? Hindi ba banned na sila sa Pilipinas? Baka kamukha niya lang 'yan!" sabi naman ni Ate Zsa

"Tignan mo mga galawan, siyang-siya talaga.Oh, tignan mo pati paglakad oh!" sabi pa ni Ate Pops. Tinitigan kong maiigi ang lalaki ngunit hindi ko ito masyadong nakita dahil sa sumbrerong nakatakip sa kaniya. Ipinagwalang bahala nalang namin iyon at nag-saya muna kasama ang mga kaibigan namin. Sinulit namin ang huling araw dito dahil bukas, babalik na kami sa Manila.

A/N: Change of person's POV from Herminio's POV to Third person's POV.





Third Person's POV

Hindi na namalayan ng magkakaibigan ang oras dahil sa mga kuwentuhan at kasiyahan. Hindi nila alam na nasa paligid nalang nila ang panganib at matagal na silang sinusundan.

"Umuwi na tayo. Masyado ng gabi." anyaya ni Regine sa mga kaibigan.

"Oo nga. Maaga pa tayo aalis bukas." dugtong pa ni Lea. Niligpit na nila ang pinagkainan nila at itinapon ito sa pinaka malapit sa basurahan. Nagsimula na silang maglakad pabalik sa hotel at hindi nila alam na may sumusunod na sa kanila.

Tinignan lang niya ang mga magkakaibigan na masayang nagkukuwentuhan at naglalakad hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Tumawa muna siya ng mahina bago magsalita ulit.

"Magpakasaya lang kayo ngayon dahil hindi din magtatagal ang kasiyahan niyong 'yan. Walang permanente sa mundo kaya hahayaan ko muna kayong magpakasaya hanggang sa huling sandali ng mga buhay niyo." sabi niya at tatawa tawang tumalikod at lumayo.

Samantala, ang magkakaibigan naman ay masaya at ligtas na nakarating sa tinutuluyan nilang hotel. Sandali muna silang nagkuwentuhan bago bumalik sa kaniya-kaniyang kuwarto at matulog.

Natulog sila ng mapayapa at walang iniisip na problema. Ngunit, magtatagal ba ang kasiyahang ito ngayong may gustong sumira nanaman ulit sa kanilang nananahimik na buhay?

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now