Chapter 23

536 26 22
                                    

Regine's POV

"New lovelife 'tong si Tin, oh. Tapos iiyak ulit 'yan. HAHAHA." biro ni Viceral habang nakatitig kami kay Kristine at kay Alexander na nagtatawanan at nagkukuwentuhan.

"Kristine, kumain ka na nga at baka mabatukan kita sa kaharutan mo." suway sa kaniya ni Lea. Ngumuso naman si Kristine at tumabi saakin upang kumain.

"Bakit ba ang sungit sungit mo? Palibhasa kasi wala si Aga kaya nagpapakabitter ka nanaman. Tawagan niyo nga si Aga nang hindi mang-abala ng naghaharutan dito." sabi sa kaniya ni Ate Pops dahilan upang matawa kami. Inirapan lang siya ni Lea at nagpatuloy na sa pagkain.

"Kristine sinasabi ko sa'yo ha. Hindi ka pa nga nakakamove on kay Carl, ayan nanaman. Gusto mo yatang masaktan nanaman, eh." sabi ko sa kaniya.

"Alam ko naman ginagawa ko, Reg. Gusto ko lang malimutan na si Carl." sagot niya saakin.

"Gusto mo siya makalimutan kaya ginagamit mo si Alexander?" tanong ko.

"No. Hindi naman sa ganun. Napapasaya niya kasi ako kahit ngayon lang kami nagkakilala. Alam mo yung pakiramdam na parang ang tagal tagal na naming magkakilala dahil sa mga kinukuwento namin sa isa't isa." nakangiting ani niya.

"Matanda ka na, Tin. Alam mo na ang tama sa mali. Alam mo kung saan ka sasaya. Kaya mo na ang sarili mo. Basta, nandito lang kaming mga kaibigan mo para suportahan ka, nandito lang kami para alalayan ka sa mga ginagawa mo." sambit sa kaniya ni Ogie na ngayo'y nakaakbay saakin.

"Ikaw, nakainom ka nanaman. 'Wag ka na nga uminom tandaan mo, magmamaneho ka pa." suway ko.

"Yes po. Hindi naman po ako masyadong uminom. Isang baso lang po yun. 'Wag na ikaw galit." sabi niya at pinisil pa ang pisngi ko.

"Wala naman akong dalang sasakyan, baba. Sumabay lang ako kila Ate Pops papunta dito dahil hindi ko pa napapaayos yung sasakyan ko magmula nung umuwi tayo galing sa Tagaytay." paliwanag niya.

"At kaninong sasakyan ka naman sasabay ngayon, aber? 'Wag mo akong titigan at baka dukutin ko 'yang mata mo." suway ko.

"I love you, Regine." sabi niya hang hindi inaalis at tingin saakin. Hindi na niya ako hinayaang sumagot at inilapit na niya kaagad ang mukha niya sa mukha ko upang halikan ako. Sa harap mismo nila?

"We'll continue this later." sabi niya at kinindatan ako. Umalis siya sa tabi ko at tumabi ulit sa mga kapatid ko. Gago.

"Reg, I need to go. Nasa bahay na yung pamangkin ko, wala siyang kasama dahil yung kapatid ko nasa work pa. I'm sorry. Congratulations sainyo ni Ogie." paalam ni Kristine.

"Sure, sure. Ihatid ka na namin dahil mahirap makasakay dito. Magpaalam ka muna sa kanila." sagot ko.

Nilapitan ko si Ogie na nakikipagkuwentuhan sa mga kuya ko at kinausap.

"Ihahatid ko muna si Kristine sa kanila. Gusto mo sumama?" tanong ko.

"Syempre naman, basta kasama ka." sabi niya at tumayo.

"Sa inyo nalang tayo mamaya, Ate Reg." anyaya ni Viceral. Tumayo na din sila dahil uuwi na din upang makapagpahinga.

Sumakay na kami sa sari-sarili naming kotse at dahan-dahang nagmaneho.

Hindi ko na pinagmaneho si Ogie dahil medyo nakainom na siya at delikado kung siya pa ang magmamaneho. Nagpasya na din siyang matulog muna saamin habang hinihintay sila.

"Hintayin ko lang dumating kapatid ko tapos gorabels na ako sainyo." sabi ni Kristine habang inaayos ang bag. Malapit na kami sa bahay niya kaya nag-aayos na siya. Medyo inaantok na din si Ogie kaya pumipikit pikit na siya. Buti nalang pala at hindi siya ang pinagmaneho ko.

Hininto ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nila Kristine. Nagpaalam siya saamin bago siya lumabas ng sasakyan ko at tuluyang pumasok sa kanilang tahanan.

Kumaway ulit siya bilang paalam at tuluyan na din akong nagmaneho papunta sa bahay upang makapagpahinga kami.

Iniliko ko ang sasakyan ko pakanan dahil nandito na kami sa gate ng subdivision namin. Ginising ko na din si Ogie dahil ayaw ko naman siya buhatin papasok sa bahay ano! Ano siya? Sinuswerte? Ang bigat bigat niyan. Gigisingin ko palang sana siya nang bigla naman niya akong hinila palapit sa kaniya at hinalikan.

Nagpupumiglas ako sa mahigpit niyang hawak at sa halik niya pero wala akong magawa dahil sa sobrang higpit kaya ginantihan ko nalang din siya ng halik.

Bago pa man mapunta kung saan ang ginagawa namin ay kaagad ko na itong pinutol. Ngumiti siya nang nakakapang asar at bumaba ng sasakyan. Iniwan ako, hindi ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. NAIINIS AKO SA'YO HERMINIO JOSE!

Padabog akong bumaba ng sasakyan at padabog ko ding sinara ang pinto ng kotse. Binagsak ko ang gate nang isasara ko na at pabagsak ko ring sinara ang pintuan. Lumingon ako sa sala dahil sa mga tawanan na naririnig ko. Nakita ko si Ogie na nakikipagtawanan sa mga kapatid ko at kapatid niya.

Napansin nila ang presensya ko kaya natahimik sila.

"What? Hindi ka ba masaya?" tanong ni Ogie saakin.

"Hindi ko nga alam kung ano ang pinagtatawanan niyo." seryoso kong sagot.

"Nagbalikan na sila Ate Pops at Kuya Martin." sagot niya at niyakap ni Kuya si Ate Pops.

Nagtatatalon ako sa saya at niyakap silang parehas.

"Baba, Ako? hindi mo ako yayakapin?" naglalambing na tanong ni Ogie at niyakap ako. Hindi ko nalang siya pinansin at nakipagusap nalang sa kanila.

"Baba, why are you not talking to me?" tanong niya saakin.

"Yakapin mo sarili mo tutal sarili mo lang din naman iniisip mo." masungit na tugon ko at inirapan siya.

"Akyat muna ako sa taas. Matutulog muna ako. Kuya, Ate, akyat muna ako." paalam ko at iniwan sila. Umakyat ako at pumasok sa kuwarto ko. Tumalon ako sa kama ko at pinikit ang mga mata ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan pero hindi ko nalang 'to pinansin at nag tulog-tulugan nalang ako.

Ramdam ko ang pag upo ni Ogie sa banding ulunan ko. Alam kong siya 'to. Alam ko ang amoy niya.

"What did I do wrong, baba? Did I hurt you? D-did I say something wrong? Did I--" nagulat ako nang suminghot siya. Bahagya kong binuksan ang mata ko at umiiyak siya!

"Baba, why are you crying? I'm sorry." patawad ko. Hindi ko naman alam na ganito pala ganito magiging epekto niyan sa kaniya!

"Ikaw naman kasi, hindi mo ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan!" sabi ko sa kaniya at pinunasan ang luha niya.

"Sorry na. Hindi lang ako sanay na ganiyan ka saakin. Sa susunod pagbubuksan na talaga kita, pangako 'yan!" sabi niya at hinalikan ako sa labi. Napangiti ako at niyakap siya. How I wish this could lasts forever.

Pinagpatuloy pa din namin ang ginagawa namin hanggang sa mangyari na ang hindi dapat mangyari

Hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa amin dahil parehas naman namin 'tong ginusto at parehas naming haharapin ang maaaring maging bunga ng nangyaring 'to.

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now