Chapter 12

509 20 0
                                    

Herminio's POV

"Eh sinong torpe?" satkastikang ani Ate Pops.

"Edi si.." sagot ni Ate Zsa at unti-unting lumingon saakin.

"Herminio Jose!" sabay nilang sigaw at nagtawanan.

"Gagaling niyo naman po" sabi ko at inirapan sila. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinext si Regine.

To: Regine

Regine? Can we talk?

Sent.

"Ayaw ka na ngang kausapin pinipilit mo pa" sabi ni Ate Zsa saakin na nasa likod ko pala

"Bitter ka nanaman diyan! Hayaan mo nga silang maglandian para di magaya sayo na 33 years old na wala pa ding boyfriend" pang-aasar ni Ate Pops sa kaniya.

"Hiyang hiya naman ako sayo Maria Cielito? Bakit kaya hindi mo nalang balikan si Martin para hindi ka umiiyak tuwing gabi? Parehas kayong torpe ni Ogie diyan pag-untugin ko kayong dalawa eh" pang-aasar ni Ate Zsa saamin at ngumisi

"Ayos ng torpe kaysa naman ipagpalit yung anak sa lalaking walang ibang gawin kung hindi ang pe--" pinutol ko ang dapat na sasabihin ni Ate Pops dahil baka mauwi pa sa away ang biruan na 'to.

Aawatin ko na sana sila nang biglang magsalita naman si Ate Zsazsa.

"Kung sinasabi mong pinerahan lang ako ni Harry noon puwes, nagkakamali ka! You don't know our story so you better shut your mouth" sabi niya at lumabas ng bahay.

"Don't comeback anymore! We don't need you here!" sigaw ni Ate Pops at umakyat ng kuwarto niya. What the hell?

Tatayo na din sana ako at pupunta ng kuwarto ko pero narinig ko ang pintuang bumukas. Nagulat ako nang dumating sila Lea, Jaya, Vice, Sharon at.. Si Regine..

"B-bakit kayo nandito?" takang tanong ko.

"Makikika--" tinakpan ni Lea ang bibig ni Vice at tinanguan si Regine. Tinignan ako ni Regine ng seryoso at nagsalita

"Diba ang sabi mo gusto mo akong makausap? Tapos ngayong nandito na ako nagtatanong ka kung bakit? Aalis na--"

"No! Upo kayo" sabi ko at lumapit kay Regine.

"Sa garden tayo" bulong ko at lumabas. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya kaya naupo na kami sa garden namin at tumingin lang sa mga bulaklak na nakapaligid saamin.

"Regine, I'm so--"

"Sawang sawa na ako sa mga sorry mo. Wala na bang iba diyan?" sarkastikang ani niya.

"So--"

"Sorry nanaman? Alam mo, sinasayang mo lang ang oras ko sa mga sorry mo, Herminio Jose" masungit na ani niya at pumitas ng isang bulaklak.

"Gusto ko malaman kung bakit mo ginawa saakin yun, Ogie. Ayaw ko ng sorry mo. Ang gusto ko, paliwanag mo. Ang gusto ko, maging malinaw saakin lahat. Kung bakit mo nagawa saakin yun? Kung bakit mo ako iniwan nang walang pasabi. Kung bakit niligawan mo ako kahit hindi ka pa handa sa pakikipagrelasyon. Pinaglaruan mo lang ba ako? Kung ginawa mo lang yun dahil alam mong gusto kit--"

"Regine, natukso ako. Natukso ako ni Olivia. Lahat kasi ng mga pagkukulang mo, nagagawa niya" sabi ko at yumuko.

"Inaamin ko naman na talagang nagkulang ako sayo noon pero noong ikaw ang nagkulang, hindi ko naisip na humanap ng iba. Marami ring mas guwapo sayo na umaaligid saakin noon. Oo, inaamin kong napopogian ako sa kanila pero para saakin ikaw lang ang pinaka guwapo sa paningin ko, kasi mahal kita" sabi niya at ngumiti.

"Noong papunta na kayo sa Europe at nalaman kong kasama niyo si Olivia na inaamin kong nagagandahan din ako sa kaniya nagdadalawang isip pa ako kung papayagan ba kita pero pinayagan kita kasi may tiwala ako sayo. Kasi alam kong hindi mo magagawa na lokohin ako. Kasi alam kong mahal mo ako, at alam kong ako lang ang pinaka magandang babae sa mga mata mo dahil ako ang mahal mo" sabi niya at mayroong namuong luha sa mga mata niya na agad niyang pinunasan.

"Hindi ko naman ginusto na magustuhan si Olivia. Noong nasa Europe kami hindi ko alam kung bakit biglang nagkagusto nalang ako sa kaniya. Sinabi ko nalang sa kaniya na liligawan ko siya kahit tayo pa noon. Sa two weeks na magkasama kami naramdaman ko yung mga hindi ko nararamdaman sayo. Ang buong akala ko magtatagal yung nararamdaman ko para sa kaniya pero hindi. Nakipaghiwalay ako sa'yo kasi magpopropose na sana ako sa kaniya, kaya lang.. Nalaman ko na may boyfriend siya kaya hindi ko na itinuloy" nang sinabi ko 'yan, parang may kirot sa puso ko dahil sa nakikita kong lungkot sa mga mata niya. Alam kong nagkamali ako.

"Pero.. Narealize ko na, kaya ko lang pala siya minahal dahil naibibigay niya yung mga bagay na hindi mo naibibigay. Kaya ko lang pala siya minahal dahil natukso niya ako ng ganda niya. Kaya ko lang pala siya minahal dahil siya yung parati kong nakikita at nakakasama. But I swear, I really never stop loving you. Hanggang ngayon, pinagsisisihan ko pa rin yung ginawa ko sa'yo. Hanggang ngayon, nagsisi ako na minahal ko si Olivia. Kung hindi sana ako natukso noon edi sana tayo pa ngayon. Edi sana masaya tayo ngayon" sabi ko at pilit na pinipigilan ang sarili na umiyak.

"Ayos na. Narinig ko na ang mga paliwanang mo. Sapat na yun. Pasok na tayo sa loob? Marami kang ikukuwento saakin" sabi niya at inakbayan ako.

"Ayos na tayo? Talaga?" masayang tanong ko.

"Oo naman. Nabigla lang talaga ako sa nalaman ko. So please, wag ka ng magsinungaling saakin ha? Alam mo naman na ang ayaw ko sa lahat yung nagsisinungaling" sabi niya.

"Kahit ikaw mismo nagsisinungaling?" biro ko. Sinamaan niya ako ng tingin at hinampas sa braso.

"Charot lang! Masakit ha? Pero ayos lang. Ay may chika ako sayo!" sabi ko sa kaniya.

"Namiss ko kabaklaan mo" sabi niya at tumawa ng mahina.

"Woah okay na sila! Yes! Hindi na masungit si Ate Reg! I'm so happy!" biro ni Viceral

"Ehem libre" pagpaparinig ni Jaya

"Hoy kami nagpumilit na kausapin ka niyan baka naman gusto mo kami pasalamatan? Kahit libre lang hehehe" sabi ni Sharon.

"Edi kayo na bati" masungit na ani Lea.

"Ano na chikaness mo?" tanong ni Regine at hinila ako paupo. Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang magkuwento.

"Si Ate Zsa at Ate Pops kasi nagkainitan kanina. Nagbibiruan lang naman kami tapos biglang sinabi ni Ate Pops yung tungkol kay Karylle tsaka kay Harry eh alam mo naman si ate kapag nababanggit yung dalawang yun talagang naiinis siya. Tapos umalis siya sabi ni Ate Pops wag na daw siya bumalik dito kasi hindi na daw namin siya kailangan" sabi ko. Tumingin si Regine saakin at nagsalita.

"Alam mo kasi.." hindi ko na narinig ang sinasabi niya dahil nakatitig lang ako sa kaniya.

I promise to win you back. I want to be with you, forever. I never stop loving you and I will never stop loving you.

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now