Chapter 22

571 18 10
                                    

Regine's POV

"Reg, salamat sa pagkakaibigan. Hinding hindi ko makakalimutan ang kabutihang ginawa niyo para saakin." sabi saakin ni Kristine at yumakap.

"Parang tanga, Tin? Mamamatay ka na ba at nagpapaalam ka ng ganiyan? Ang lapit lapit lang ng bahay niyo sa bahay namin. You can go there anytime you want." sagot ko sa kaniya.

"Back to reality na kasi tayo, Reg. HAHAHA. Back to work nanaman tayo. Pero naiisip ko, paano kaya kung nandoon pa din si Carl? Paano kaya kung guluhin niya ako ulit? Bibigyan ko pa ba siya ng another chance?" tanong niya.

"Kristine, 2 chances are enough. Tama na. Bigyan mo naman yung sarili mo ng kalayaan mula sa kaniya. Ikaw na ang nagsabi na limang taon ang sinayang mo sa buhay mo para sa kaniya. Tama na, tigil na. Matuto kang huminto kung sobra na. Minsan kasi, kahit nasasaktan na tayo ipinagpapatuloy pa din natin. Tin, hindi na tama yung pagbibigay mo ng anim na pagkakataon para sa taong paulit-ulit kang sinasaktan." sabi ko sa kaniya.

"Mahal ko pa siya." sabi niya. Tinignan ko siya ng deretso sa mata at nagsalita.

"Normal lang yun. Ang tapang tapang mo nung nasa Tagaytay tayo sabi mo pa nga mahal mo siya pero hindi mo na siya kailangan, diba? Ang sabi mo pa nga, hindi mo na siya babalikan dahil sa mga ginawa niya sa'yo." sagot ko sa kaniya.

"Sorry. Babae ako, marupok." sabi niya at sabay kaming tumawa.

"Wala ka ba talagang kasama dito sa bahay niyo?" tanong ko.

"Nasa school yung pamangkin ko tapos yung kapatid ko naman nasa trabaho. Nagpunta kami ni Carl sa Tagaytay para kahit papaano mawala yung stress namin sa trabaho. Pero dahil sa ginawa niya, parang mas lalo akong na-stress." biro niya.

"Parehas ba kayo ng trabaho?" tanong ko.

"Hindi. Teacher ako pero hindi ako nagtuturo sa mga school. Teacher ako sa mga nag hohome studies. Next year pa ako makakapagturo sa school yung regular teaching. Tapos siya manager siya ng isang hotel dito sa Manila. Madalas kaming mag-away dahil sa ugali niya. Napaka immature niya. Isip bata. Gusto niya palaging magkausap kami. Pero, teacher ako. Hindi ko kayang lagi siyang tinatawagan o tinetext. Ang mga teachers kasi, hindi lang teacher. Kapag nasa school na sila, sila yung tumatayong nanay, nurse, kaibigan ng mga anak natin. At higit sa lahat, kailangan nila maging artista." sabi niya. Kumunot ang noo ko.

"Artista? Bakit?" tanong ko.

"Kasi, kung may problema ka sa personal na buhay mo, hindi mo puwedeng dalhin yun sa trabaho. Makikipagtawanan ka pa din sa mga estudyante mo kahit sa loob loob mo, durog na durog ka na." sagot niya. Tumingin siya sa bintana at ngumiti.

"Pero alam mo, kahit ganun yun si Carl? Kasundo niya yung pamangkin ko sa lahat ng bagay. Gamit, pagkain. Kapag magkakasama nga kami, para kaming isang pamilya." kuwento niya.

"Akyat tayo sa kuwarto ko. May ipapakita ako sa'yo." sabi niya. Tumayo kaming dalawa at sabay na umakyat sa taas.

Pumasok kami sa kuwarto niya at naupo ako sa kama. Siya naman, nagpunta sa isang cabinet at binuksan iyon. May kinuha siyang kahon doon at nilapag iyon sa sahig. Naupo siya sa sahig at binuksan ang kahon.

"Ito yung unang regalo na binigay niya saakin. Ito yung kauna-unahang regalo na binigay niya, at hindi ko akalain na ito na din pala ang huli."

Mapait siyang ngumiti at itinago ulit ang kahon kung saan niya ito kinuha. Kinuha niya ang cellphone niya sa tabi ko at nanlaki ang mata niya sa nakita niya.

"We need to go, Reg. May nangyaring hindi maganda kay Ogie. Kailangan nating pumunta sa lugar kung nasaan sila ngayon." sabi niya at nagmadaling kinuha ang bag niya. Hindi na siya nag-abalang mag-ayos dahil sa pagmamadali.

The Man in My Dreams  [COMPLETED]Where stories live. Discover now