Kabanata 8

4.7K 115 1
                                    

Deanna

Nandito kami ngayon sa manggahan. Nakakamiss din pala ang sariwang hangin. I just got home pala from Paris. May mga client kasi dun at ako pinapunta ni Dad dahil nagkasakit ito. Pwede naman kasing si Dean e.

Tinanggap ko nalang din wala naman akong ginagawa sa bahay at gusto ko rin magtravel since sa Paris nga gusto kong puntahan ang Eiffel Tower.

So nandito nga kami ngayon sa tree house. Kasama pala namin ang girlfriend ni Dean.

I remember when i arrived at home siya una kong nakita. Nakatulala ito at nakatingin sa akin para bang nagulat.

Pero infairness maganda siya, sobra.

At nang bago kami pumunta dito. Magugulatin pala ito. Hahaha. Tawang tawa ako sa reaksyon niya nang kinalabit ko.

Iiwan ko sana siya kaso nakonsensya naman at baka pagalitan pa ako ni Dean. Kaya niyaya ko tong umangkas na sa likod ko.

At heto na naman po siya nakatulala na naman sakin na nakatingin.

Ewan ko kung nacucutan to sakin o napopogihan o nagagandahan. Haha

Lagi nalang natutulala pag nakikita ako. Ganun na ba kalakas dating ko. Haha

Pasalamat siya maganda siya. May mapungay itong mga mata. Yung jawline niya. At ang......kissable lips niya. Sarap halikan.

Jowa yan ng kambal mo pinagnanasahan mo

Hindi pa naman sila kasal a

Nakikipagtalo na naman ako sa isip ko.

Wala yata siyang balak sumama kaya pinaandar ko na ang motor. Maya maya may narinig akong sigaw.

"Wait!!!" sabi nito

Sasama rin pala e. Sinabi ko na humawak ito sa bewang ko baka mahulog pero di ako pinansin. Kaya pinaandar ko nalang ulit maya maya nagpreno ako dahil may dumaan na pusa. Kaya napakapit siya sa bewang ko bigla. Nakaramdam naman ako ng kung anong kuryente sa katawan ko. Weird.

Kaya wala na rin itong nagawa kundi humawak sa may bewang ko.

"Pero mas sweet ako jan baby." narinig kong sabi ni Dean

Kaya napatigil naman ako sa pagmumuni.

"Mas sweet ako jan." singit ko

Naramdaman kong tumingin ang girlfriend ni Dean. Kaya nagkunwari akong may kausap sa phone. Pahamak na bunganga e. Bakit ko ba kasi nasambit yun. Hays. Weird talaga.

Bumaba si Dean at Dad para mag usap. Si Mom at ano pala pangalan nito. Di ko pa pala alam pangalan niya. Si Mom at Pikachu naman masayang nag uusap. Pikachu muna tatawag ko sa kanya.

Ako? Busy sa phone pero ang totoo palihim kong kinuhanan ng litrato si Pikachu.

I find her cute and beautiful. What did i just say? Am i checking her out? Nagsasabi lang ako ng totoo. She's really beautiful.

Maya maya nagtawag na silang kumain. Bumaba ako para dun na ako sa baba kumain at makisalo sa mga tauhan namin. Makikita ko na naman kung gaano sila kasweet.

Affectted ka?

Hindi a.

Hindi nga ba?

Tong isip ko talaga. Hindi naman talaga ako affectted e.

Pagkatapos namin kumain nagkantahan na. Nagrent sila ng videoke. Maya maya ako na ang pinapakanta. Pati si Peter at Dean nakikantyaw na rin. Pati yung dalawang pinsan ko. Naku po! Mapapasubo ako nito.

Authentic Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن