Kabanata 47

5.9K 162 9
                                    

Jema

Isang linggo na rin nakakalipas simula nang pumunta kami sa Cebu. At isang linggo na rin na nasa amin si Jasmine. Sobrang kulit at bibo nito kaya napapawi pagod namin ni Deanna sa pag aalaga rito. Sobrang hirap na masaya mag alaga ng bata. Hindi na rin namin napag uusapan ulit ni Deanna sa sinabi ng parents nito. Nandito kami ngayon sa isang resto hinihintay namin parents ni Jasmine dahil kukunin na nila ito. Nakauwi na raw sila galing sa business trip. Maya maya ay dumating na rin sila at tumungo kung nasaan kami. Agad naman nagpakarga si Jasmine sa kanyang Ina.

"So what's the feeling of having a kid?" tanong ni Dean kay Deanna

"It's hard but I feel happy whenever I saw Jasmine smiling together with Jema." sagot nito

"Then plan to have a baby." sabi ni Dean

"Hindi pa namin yan naiisip." singit ko

"Pagkatapos ng kasal namin ni Dean. Sumunod na rin kaya kayo ni Deanna." singit din ni Ella

"What if?" sabi ni Dean na nag iisip

"What if what?" tanong ni Deanna

"Let's have a double wedding since were twin." sagot ni Dean








"No!!!" sabay namin sabi ni Deanna

"Why?/Bakit??" sabay tanong ng mag asawa

"Just no/basta." sabay ulit namin sagot ni Deanna

"What's the problem there?/Anong problema dun?" sabay ulit tanong ng mag asawa

"Daddy and Mommy, Dada and Mom will you please sit down first. They are looking at us. And you can talk one at a time, don't talk in chorus." singit ni Jasmine

Tama nga naman si Jasmine. At pinagtitinginan na rin pala kami ng mga ibang kumakain. Kaya naupo na kami at nag order ng pagkain.

-----------

Deanna

"How's Mom and Dad?" tanong ni Dean

"They're okay." sagot ko

"Jema are you okay now with Mom and Dad? I mean you and Deanna." tanong nito kay Jema

Tumingin ako kay Jema pero tumingin din sakin ito mukhang nagdadalawang isip na sumagot kaya ako na sumagot kay Dean.

"They want grandchild as soon as possible." sabi ko

"What?/Ano?" sabay nilang sabi ulit na mag asawa

"Mommy! Daddy!" saway ng kanilang anak

Natawa naman kami ni Jema. Sinabi kasing wag magsabay e.

"Sorry baby." sabi ni Ella sa anak

"Ang aga naman ata edi ba bago palang kayo?" sabi ni Ella

"Yun na nga. Hindi pa kami ready mag alaga ng bata. Kay Jasmine na nga lang nahirapan kami e." sabi ni Jema

"At hindi pa kayo kasal." dagdag ni Ella

"Kahit mahuli na raw ang kasal." singit ko

"What?" sabi ni Dean

Mabuti naman at hindi na sila sabay.

"Yes. They are getting old na araw kaya gusto nila makita ang apo nila sa akin." sagot ko

"Pero bago ang mga bagay na yan. Sure na ba kayo sa isa't isa?" tanong ni Ella

"Ofcourse/Oo naman." sabay naming sagot ni Jema

Authentic LoveWhere stories live. Discover now