Kabanata 26

5.1K 142 42
                                    

Jema

Busy si Dean ngayon dahil may mga client daw ito. Kaya naisipan kong maggrocery dahil paubos na rin ng laman ang ref ko.

Pagkasara ko ng unit ko ay nakita ko sina Deanna at Mafe. Anong ginagawa ni Mafe dito? Bakit di ko alam na nandito siya?

Ang dami nilang bitbit ang mukhang mahuhulog na ang iba. Halatang naggrocery ang mga ito.

"Mafe!" sabi ko

"Ate!" sabi naman ni Mafe

"Bakit ka nandito?" tanong ko

"Nagbabakasyon." tipid na sagot ni Mafe

"Saan ka dumiretso? Alam mo naman unit ko diba." tanong ko

"Kay ate Deanna." sagot ni Mafe

At dun talaga siya dumiretso ha. Ako ang kapatid pero di sakin nagpunta. Alam naman nito ang unit ko.

"Naku! Dun ka sa unit ko. Nakakahiya naman kay Deanna." sabi ko

"Okay lang." singit ni Deanna

"Pumasok na kaya muna tayo." sabi ni Mafe

Konti nalang kasi malalaglag na ang mga hawak nito.

Sa condo kami ni Deanna pumasok. Sumunod naman ako.

Pumasok na ako rito nang iuwi namin ito na lasing pero hindi ko masyadong nakita ang loob nito dahil gabi noon.

Pero ngayon ay kitang kita ko na. Medyo messy ito. Hindi ba niya alam maglinis? Tsk. Pero maaliwalas sa mata ang pintura nito at malawak ito mas malawak sa unit ko.


Naupo si Deanna sa couch at mukhang ang lalim ng iniisip dahil nakatulala ito. Ano naman iniisip niya?


Samantala sinundan ko naman si Mafe sa kusina. At ang bata parang nasa bahay lang kung umasta a.

"Hoy! Mafe sino bumili lahat niyan. Sobrang dami naman." sabi ko

Nginuso naman niya si Deanna.

"Nakakahiya ka Mafe. Hindi ka manlang nahiya dun sa tao. Hindi natin kaano ano tapos pinaggagasto mo." suway ko kay Mafe

"Malay mo maging KAPAMILYA natin siya ate tapos maging KAPUSO mo. Ayieee." nakakalokong sabi ni Mafe

Pinagsasabi nito hindi ko maintindihan. At inemphasize talaga sa kapamilya at kapuso ha. Ano naman kaya pinakain ni Deanna dito at nagkakaganyan.

"Ikaw Mafe sabihin mo kung nababaliw kana at dadalhin na kita sa mental." sabi ko dito

"Grabe ka talaga sakin ate. Asan pala si Kuya Dean?" tanong nito

"Busy sa work e." sabi ko

"Dito kana maglunch ate. Ipagluto mo kami ni ate Deanna." sabi nito

Tumingin naman ako kay Deanna. Nakatulog na ito sa couch. Nakitingin din naman si Mafe.

"Mukhang puyat yan ate. Nadatnan ko kanina na may mga bote pa ng alak dito sa kusina niya. At puro nalang meat at alak laman ng ref niya. Kaya madami akong kinuha at kumuha rin ng gulay. Hindi ata kumakain ng gulay e." mahabang sabi ni Mafe

E nasaan ba kasi yung Francine niya at di niya inaalagaan ito. Tsk

Kaya pumayag na rin ako na magluto. Chapsouy lulutuin ko para naman makakain siya ng gulay.

Habang nagluluto ako ay pinapanuod lang naman ako ni Mafe habang nilalantakan ang tempura ang takaw talaga.

Pagkatapos magluto ay naghain na ako.

Authentic LoveWhere stories live. Discover now