Kabanata 50

6.2K 162 19
                                    

Jema

Nandito ako ngayon kina Ella dahil nga nagpapatulong ito na gumawa ng invitation card. Si Deanna naman ay lumabas kasama ang kapatid at pamangkin.

"Ang dami palang dapat gawin pag ikakasal." sabi ni Ella

"Sinabi mo pa. Kaya nga wala pa sa isip ko e." sagot ko

"Ayaw mo ba talaga?" tanong nito

Napaisip ako sa tanong nito. Gusto na ayaw ko pa e. Gusto ko kasing ienjoy nga muna ang buhay ko.

"Gusto. Pero sa tamang panahon." sagot ko

"Asus. Dapat ikaw ang makakasalo ng bulaklak ha." sabi nito

"I'll see." sagot ko

Maya maya dumating na ang tatlo. Agad naman tumakbo si Jasmine sa ina.

"Mommy, see what dada bought for me." masayang saad ng bata sabay pakita ng mga laruan nito

"Naku! Deanna masyado mo namang inispoiled pamangkin mo." sabi ni Ella kay Deanna

"Ngayon lang yan. Soon, magkababy kami ni Jema hindi na yan spoiled. Hahaha." sagot ni Deanna tsaka tumabi sakin

"Ang tanong kelan nga ba?" singit ni Dean

"Matagal pa." sagot ko

"Teka, tapos na ba kayo?" tanong ni Deanna

"Ah. Oo sakto kaninang pagdating niyo." sagot ni Ella

"So can we go home now?" tanong ulit ni Deanna

"Why don't you want to have dinner here?" tanong din ni Dean

"Next time bro. Gusto ko masalo girlfriend ko." sagot nito sabay akmang hahalikan ako. Agad ko namang sinampal ang mukha nito pero hindi naman malakas

"Grabe Love a." angal nito

"Dada! Mom! Get a room." singit ni Jasmine

"Sige na. Umuwi na nga kayo. Hahaha." sabi ni Ella

"See you next time baby girl." paalam ko kay Jasmine. Humalik naman ito sa pisngi ko

Nagpaalam na nga at umuwi na. Sa biyahe ay tahimik lang kami ni Deanna kaya di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

-------------

Deanna

Mukang napagod ang mahal ko a. Nakatulog na kasi ito sa biyahe. Medyo nakanga pa ito. Hihihi

"Gising na Love. Dito na tayo." sabi ko rito

Nagising naman na ito at lumabas na ng car. Magkahawak kamay kaming umakyat sa unit namin I mean niya. Haha

"Ano gusto mo kainin Love?" tanong ko sa kanya pagkapasok namin

"Para namang alam mo magluto e puro pripri ka lang. Hahaha." asar na sagot nito tinaasan ko nga ng kilay

"Joke lang Love. Di ka naman mabiro." dagdag nito

Hindi ko siya pinansin at naupo sa couch sabay bukas ng tv.

"Gusto ko scrambled egg then bacon Love. Ipagluto mo ako." sabi niya sabay tabi sakin

"Wag na. Di ko alam magluto." kunwaring tampo ko haha

"Biro lang naman yun Love e. Dali na, gutom na ako." sabi nito

"Okay. Sige pero," sagot ko

"Pero?" tanong niya

"Kiss ko muna." sagot ko

Hinalikan niya naman ako sa pisnge. Tsk

"Sinabi ko ba na sa pisnge. Sa lips gusto ko." sabi ko

"Arte mo Wong! Daming alam." hysterical na sabi nito

"O sige ikaw magluto. Tutal di ako marunong diba. Pripri lang alam ko." galit galitan ko haha

"Oo na. Pingit ka." sabi nito kaya napangiti naman ako

Pumikit naman ako pero nakikita ko parin siya konti. Haha. Nang malapit na siya sa mukha ko ay agad akong humarap sa kanya kaya sa lips niya ako nahalikan. Hahaha. As usual hampas na naman nukuha ko sa kanya.

Pumunta na nga siyang kusina at nagluto pagkatapos ay kumain na rin kami. Then shower at natulog na pagkatapos gusto ko pa sana lambingin kaso pagod daw. Kaya natulog na rin lang ako.



-----------

Jema

At ito na nga pinakahihintay ni Dean at Ella. Ngayon na ang kasal nila. Nandito kami sa simbahan kung saan kinasal ang Papa at Mama nila Dean at Deanna. Madami ring tao at mukhang mga mayayaman. Royal blue ang kanilang motif. Ang bride nalang ang hinihintay. Si Deanna ay nasa tabi ng kanilang mga magulang. Kasama ko naman sina Peter at dalawang pinsan nila.

Ilang minuto pa ay nagbukas na ang pinto at niluwa si Ella. Nakatingin ang lahat sa kanya. Habang naglalakad ito ay parang naiimagine ko ang sarili ko na ang ikakasal. Pagtingin ko kay Dean ay medyo maluha luha eto pero bakas sa mukha ang sobrang saya. Pagtingin ko kay Deanna ay nakatingin din pala ito sa akin at nakangiti kaya nginitian ko rin.





Pagkatapos ng ceremony ay hagisan na ng bulaklak. Hindi sana ako pupunta kaso hinila hila ako nila Nicole at Cyrielle. Kaya wala akong nagawa kundi sumali. Paghagis ng bulaklak ni Ella ay nahulog ito sa harapan ko pero hindi ko kinuha. Pinag agawan tuloy nila Nicole at Cyrielle. Lumapit sakin si Ella.

"Bakit di mo sinalo nasa harap mo na nga e di mo pa kinuha." sabi ni Ella

"Alam mo kasi pag ikakasal kana talaga ikakasal ka." sagot ko

"Daming alam." sabi nito

Dumiretso kami sa reception kasama ko parin sina Nicole at Cyrielle. Di pa kami nagkakausap at nagsasama ni Deanna. Nakikiusap ito sa mga kamag anak nila kasama ang parents niya. Pansin ko rin na hindi ako pinapansin ng parents niya. Sa pagkakaalam ko nakita naman nila ako. Siguro dahil sa kondisyon nila hindi pa namin nabibigay ni Deanna.



Natapos na akong kumain pero hindi pa ako pinupuntahan ni Deanna. Sobrang busy naman ata sa pakikipag usap.

Maya maya lumapit sa akin si Peter.

"Hello ate Jema." bungad nito

"Hi baby boy." sagot ko

"Nasaan ang ate mo?" tanong ko

"She's busy with our relatives and business partners ate. She's saying that you can come home first. She will gonna call you later daw ate." sabi nito

"Okay. Thank you Peter." sagot ko

Medyo nalungkot naman ako. Wala naman akong kakilala na iba pa kaya umuwi nalang ako.

Past 7 na rin ako nakarating sa unit ko. Nagshower at nakapalit na ako pero hindi ko pa naririnig bumukas ang pinto at niluluwa nito si Deanna. Habang hinihintay ko siya nanuod muna ako ng horror movies.

Nakakatatlong movies na ako pero wala parin ito. Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala.









------------

Guys, sorry tagal di nakaud. Super busy pa ako sa review ko. Lapit na exam ko guys. Sana naiintindihan niyo ko. Namimiss ko na rin naman na kayo 😔 pero mas importante to guys 😇

Shout out to Pringles71 😁

Orayt guys 😂😂😂

Authentic LoveWhere stories live. Discover now