Chapter 32

5.4K 133 11
                                    

Jema

Hindi ko lang talaga naintindihan ang sinabi nito kaya tinanong ko siya.

"Ano?" tanong ko kay Deanna

"Iniwan ka lang nabingi kana." sabi nito

Aba! Kasalanan ng kakambal mo.

"Baliw! Ano nga?" sabi ko

"Ang sabi ko, mukhang okay kana agad ha." parang iba naman sinabi niya kanina

Nagbibingihan pa kasi.

"Ah, wala naman ako mapapala pag nagmukmok ako or umiyak ng umiyak diba? Kapag ginawa ko ba yun, babalik siya? Mapapawi lahat ng sakit?" sagot ko at bigla na namang nag unahan mga luha ko

"Sssshhhh, tama na. Nasa harap tayo ng food." sabi nito

"Sobrang sakit kasi nagpapakatatag lang ako pero ang totoo di ko na kaya." sabi ko minahal ko yung tao e di ko akalain na sa ganito nalang matatapos ang lahat

Tumabi ito sa pwesto ko at yinakap  ako. I feel so safe sa mga yakap niya. Pakiramdam na hindi ko naramdaman kay Dean. Kapatid siya ng taong nanakit sakin pero di ko kayang magalit dito.

"Tama na, okay. I promise i'll never leave you. I'm always here if you need someone to talk, someone to laugh with, someone to cry on. I'm always at your side since from the beginning i never leave you. Look, i'm sorry for what my twin brother did to you. Nasayo na lahat pero nagawa parin niyang magloko. Wag mo na siya iyakan. Mas madami pang deserved ka at deserved mo rin. Nasa tabi tabi lang. Kaya tama na yan at kumain na tayo." sincere na sabi niya

Di ko alam kung totoo mga sinabi niya pero nararamdaman ko naman ito. Dahil nandito nga siya ngayon at sinasamahan baka kung wala siya naglasing na ako at di ko na alam ang ginawa.

I wipe my tears and look at her eyes.

"Tama ka. Thank you ha kasi nandyan ka parin." sabi ko

"Kain na tayo." sabi nito at nginitian ako

Nilagyan niya ang plato ko ng pagkain at akmang susubuan ako.

"Iniwan lang ako at di naputulan ng kamay." medyo masungit na sabi ko

"E bakit sa gusto kita subuan e." pout na sabi ko

Hays. Naalala ko sa kanya si Dean. Paano naman parehong pareho sila. Sobrang cute.

Malamang kambal sila.

"Ewan ko sayo Wong!" sabi ko

"Sinong Wong? Dean Joseph Wong? Deanna Izabella Wong?" tanong nito

Natawa naman ako. Oo nga nuh. Sino ba sa kanila?

"Malamang ikaw, ikaw kausap ko diba?" iiling iling na sabi ko

"Talaga? Kainin mo nga to kung talagang ako." sabi niya

Kinain ko nalang ito para tumigil na. Pero mali ako.

"Ayiiieeee. Kinikilig ako." birong sabi niya

Aba! Pinalo ko nga sa braso niya. Ayaw paawat e.

"Ang sadista mo. Tama nga kapatid mo mapanakit ka. Pinapatawa lang naman kita e." tampo tampo niyang sabi

"Oy! Maria Deanna Izabella Wong! Spiker ata ako nung bata ako hanggang paglaki kaya umayos ayos ka." mataray na sagot ko

"Volleyball player din naman ako noon a. Hulaan mo anong posisyon ko." sabi nito

Ginawa pa akong manghuhula.

"Ano?" tanong ko

"Hulaan nga sabi e." maktol niya

Authentic LoveWhere stories live. Discover now