Jema
Nagising ako dahil sa isang tawag nang tignan ko si Mafe pala. Umagang umaga nambubulabog ng gising. Inaantok pa ako e.
On the phone.
"Ate!!!" sigaw nito sa kabilang linya
"Ano ba Mafe umagang umaga e. May kailangan ka na naman?" walang ganang sagot ko rito
"Uwi ka raw bukas sabi ni Mama at Papa." sabi nito
"Bakit? Anong ganap? May nangyari ba?" nag aalalang tanong ko
"Oa mo ate. Pista dito sa atin bukas kaya pinapauwi ka nila." sabi nito
"Oo nga pala. Sabihin mo kina Mama at Papa uuwi ako." sagot ko
"Magsama ka raw ng mga kaibigan mo at si kuya Dean. Ang daming handa bukas kaya magsama ka raw para maubos." saad nito
"O siya, sige ingat kayo jan." sabi ko saka pinatay na ang tawag dahil inaantok pa ako
Nakasanayan ko na rin kasi umuwi ng Laguna kapag pista doon. Pinapauwi rin nila ako Mama at Papa dahil gusto nila buo kaming mag anak kapag pista doon.
At alam na rin pala nila tungkol kay Dean nasabi ko kay Mafe nung pauwi na kami ni Dean galing Cebu. Nagsend na rin ako ng picture niya kay Mafe.
"Sino yun By?" biglang tanong nitong katabi ko
Dito pala natulog si Dean. Pinapauwi ko sa condo niya para naman may kasama kapatid niya. Kakauwi lang nito galing Paris e baka di pa nakakapag adjust dito Pinas. Ayaw niya naman gusto raw ako makasama. Hihihi
"Sino ba yun By?" tanong niya ulit
"Ah, si Mafe pinapauwi raw ako nila Mama at Papa." sagot ko
"Bakit daw?" tanong niya ulit
"Pista sa amin. Isama raw kita." nakangiting sagot ko
Lumungkot naman bigla ito. Ayaw niya ba akong kasama.
"Bakit By? Ayaw mo ba?" sabi ko
"Syempre gusto. Gustong gusto." agad naman nitong sagot
"E bakit lumungkot bigla mukha mo?" tanong ko ulit
"I have meeting tomorrow and I can't cancel it. It is important meeting i need to attend." he said while pouting
Nalungkot na rin ako. So hindi ko siya makakasama umuwi. First time pa naman sana siya makikilala ng parents ko.
"Babawi ako next time Baby. This is really important. I will talk to my sister to go with you para naman may kasama ka. At para kahit papano alam kong safe ka dahil kasama mo siya. I know Deanna will never let something bad happens to you kundi lagot siya sakin." seryosong sabi nito
Yinakap ko na lamang ito.
"I love you By." bulong ko sa kanya
"I love you more Baby." sagot nito
----------
Deanna
Nagising ako sa sikat ng araw. Nakauwi naman ako kagabi ng di lasing. Haha
Sabi nila ate Bea kagabi iwasan ko nalang daw para di na lumalim pa kung ano nararamdaman ko kay Jema.
Tama naman sila. Yun nalang gagawin ko. Kung mas nauna ko lang siya nakilala e di sana kami ngayon at hindi sila ng kapatid ko.
As if naman sasagutin ka.
Entrada na naman utak ko. Nako! This charming face hindi na siya makakahanap pa ng gaya ko.
YOU ARE READING
Authentic Love
AdventureInspired by Jedean Loveteam 💖 Read the whole story so that you would know the flow of our story. Thank you!