Kabanata 27

5.1K 131 17
                                    

Deanna

Nagising ako dahil sa may yumugyog sakin. Nakatulog pala ako sa kakaisip.

Kinusot kusot ko ang mata ko. Nakita ko si Jema. Hindi ko alam kung nanaginip ako o hindi. Pero nagsalita ito.

"Ah, ano kase kakain na. Tanghali na." sabi nito

Tumayo na rin ako at naglakad papuntang kusina pero nakita ko sa peripheral view ko na akmang aalis na si Jema.

"Saan ka pupunta? Dito kana rin maglunch." sabi ko rito

"Oo nga ate. Ikaw pa nga nagluto e." sigaw ni Mafe sa kusina

Kaya napatingin ako kay Mafe, ngumiti ito sa akin. Kaya napangiti rin ako. Mukhang mapaparami ako ng kain nito a.

"Ikaw pala nagluto e kaya sumalo kana." sabi ko kay Jema

Wala siyang nagawa at naglakad na nga kaming kusina. Magkatabi kami at kaharap namin si Mafe.

Nang makita ko ang ulam ay medyo napangiwi ako kaya kanin lang nilagay ko sa plato ko.

"Ayaw mo ba ng ulam?" biglang tanong ni Jema

"Ah, e gusto pero kasi ano di ako nag uulam ng gulay." kamot na sagot ko

Nag uulam naman ako ng gulay kaso di ko alam magluto kaya nasanay na ako sa bacon, ham or egg. Nakalimutan ko na lasa ng gulay.

"Tikman mo kasi masarap naman e." sabi ni Jema at sinubuan ako nito

Medyo nagulat pa ako sa ginawa nito pero di ko na lang pinansin. Napapangiti nalang ako.

"Ehem!" rinig naming sabi ni Mafe

Tinignan ko ito at nagwink sakin pero di nakita ito ni Jema. Ayos pala tong hipag kong hilaw. May pakinabang. Hahaha

Hipag agad ang bilis ata Deanna.

"Masarap diba?" tanong nito

"Yes." sagot ko

Actually, masarap nga siya. Masarap siya magluto. Kunin ko kaya siyang cook ko. Kidding! Hahaha

Nilagyan niya ang plato ko at di naman ako umangal. Nakatingin lang ako sa kanya at nangingiti. Marami akong nakaim.

Pagkatapos namin kumain ay nag alok si Jema na siya raw maghugas pero di ako pumayag. Nagtalo pa kami.

"Ako na!" sabay naming sabi

"Kayo dalawa nalang kaya." singit ni Mafe na nakacross arms at naglakad papuntang sala

Kaya kaming dalawa ang naghugas. Nang nagkaroon ng bula ay nilagyan ko pisngi nito. Ang cute niya. Hahaha

"Ano ba." sabi nito

Hahaha. Nilagyan ko ulit ang kabilang pisngi nito. Akala ko magagalit ito pero nilagyan niya rin ako sa mukha.

Nagkatuwaan kami na parang batang tuwang tuwa sa bula.

Hays. Ang ganda talaga niya. The way she smiles. Hindi niya deserve ang masaktan. Sana tumigil ang oras at ganito nalang kami.

"Maghugas hindi magharutan." rinig namin na sabi ni Mafe sa sala

Pinigilan kong tumawa sa sinabi ni Mafe. Kaya tinapos na namin.

Pagkatapos ay umupo na kami sa tabi ni Mafe na nanunuod. Feel na feel at home a.

Pinaggitnaan namin siya ni Jema.











"Ate! Busy ka ba ngayon or may gagawin?" biglang tanong ni Mafe

Authentic LoveWhere stories live. Discover now