Kabanata 15

5.2K 132 17
                                    

Jema

Nandito na kami ngayon sa kusina. Ang daming niluto ni ate Jovi. Tinulungan ko lang siya magprepare.

Si Mama at Papa magkatabi sa center. Katabi ko naman si ate Jovi at kaharap namin si Deanna at Athena. Close na sila agad ha. Teka asan ba si Mafe?

"Ma, asan si Mafe?" tanong ko kay Mama

"Nasa sala." sagot naman niya

Tinawag ko ito mula sa kusina.

"Mafe!!! Kakain na." sigaw ko rito

Pinuntahan ko ito dahil di sumasagot. Pagkarating ko sa sala ay ubos na ang pagkain na dala ni Deanna. Jusko ka naman Mafe, hindi ka manlang nagtira.

Ngiting ngiti naman ito na nakatingin sa akin. Kutusan ko e. Ang takaw.

"Jusko ka naman, Mafe. Ang takaw mo." sabi ko rito

"Mamaya na ako kakain ate. Busog pa ako." nakangiting sabi nito

Bumalik nalang ako sa kusina para kumain.

"Mamayang gabi may piging sa tabing dagat. Punta ka hija ha." sabi ni Papa kay Deanna

"Sure po." sagot naman nito

"Pagkatapos niyo kumain magpahinga muna kayo. Alam kong pagod kayo sa biyahe. Jema anak sa kwarto mo si Deanna. Maaga pa naman at mamaya pa ang piging." mahabang saad ni Mama

"Opo Ma." sagot ko rito

Si Deanna naman ay di maipinta ang mukha nang tignan ko. Problema nito.

Pagkatapos namin kumain ay pinauna ko na si Deanna sa kwarto ko. Tutulungan ko muna sina Mama maghugas.

------------

Deanna

Pinauna na ako ni Jema sa kwarto niya. Tinuro niya naman kung saan ito kaya pinuntahan ko na.

Pagkapasok ko sa kwarto niya naamazed lang ako. Ang neat ng kwarto niya, organized. Hindi tulad sa kwarto ko magulo. Haha

Magshoshower muna ako bago matutulog. Pagkatapos ko magshower ay umupo ako sa dulo ng kama.

Napansin ko na iisa ang kama so ibig sabihin magtatabi kami matulog.

What?!!!!!!!!!!!!!!

Ngayon ko lang naalala na iniiwasan ko pala ito pero ngayon naman magtatabi kami matulog. Nu ba yan!!!

Bahala na nga si Batman.

Humiga ako sa gilid nito kaya malawak pa ang space para kay Jema. Di ko namalayan nakatulog ako kakaisip kung paano ko ito iiwasan.

----------

Jema

Nadatnan kong nakatulog na si Deanna. Natawa naman ako rito ang luwang naman ng kama ko pero kulang nalang mahulog ito dahil sobrang gilid niya.

Nagshower muna ako bago matulog. Pagkatapos ay humiga na rin ako sa kama. Tinext ko naman si Dean.

To : Baby ❤

"Hello Baby! Kumusta meeting mo?"

Naghintay pa ako ng ilang minuto sa reply niya pero wala parin. Di ko namalayan nakatulog ako kakahintay ng reply nito.

Few moments later

Nagising ako dahil sa katok ni Mafe.

"Ate! Tara na sa may tabing dagat." sigaw nito

Nang tignan ko ang katabi ko ay wala na  ito kaya agad akong bumangon at lumabas ng kwarto.

"Nakita mo si Deanna?" tanong ko kay Mafe

Authentic Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें