Kabanata 9

4.5K 116 1
                                    

Hapon na rin kaya naisipan na naming umuwi. Sumakay sila Dad sa van kasama sina Mom, Peter, at dalawang pinsan namin si Ate Nicole and Ate Cyrielle.

Yayayain ko na sana si Pikachu na sumakay sakin nang biglang...

"Let's go baby!" rinig kong sabi ni Dean

Umangkas naman si Pikachu at yumakap sa bewang ni Dean. Ouch!

Oh! Affectted ulit? Malamang jowa niya yun sa kanya sasama yun.

Hindi a. Bakit naman sana?

Napailing nalang ako. Grabe ang utak ko e.

Medyo malayo na sila. Ako nalang pala naiwan. Hays!

Pinaandar ko na rin ang motor ko at tinahak ko na ang bahay pauwi.

Pagkadating ko sa bahay nadatnan ko sila Dean at Pikachu sa may sala, naghaharutan 😑

Palibag ko namang inihiga katawan ko sa couch at pumikit.

"Mukhang pagod ka bro a." rinig kong sabi ni Dean

"Sobra. Sobrang pagod na akong maging cute." natatawang sabi ko pero nakapikit parin ako

"Aba! Mas cute naman ako sayo nuh!" natatawa ring sabi nito

"Mas cute nga ako." sabi ko dito at binato ng unan. Haha

"Mas cute ka pala ha!" sabi niya at kiniliti ako

"Ey! Stop it. Hahahahahahahahahahhahahaha!" sabi ko na pilit lumalayo sa kanya sa pagkiliti sa akin

"Pareho kayong cute. Kaya tama na yan. Stop it na By." sabi ni Pikachu

Tumigil na nga kaming dalawa at umayos na ako ng upo. Sakto namang dating ni Manang Corazon na may dalang meryenda

"Meryenda muna po kayo mga ma'am." saad nito

"Thank you manang." tugon ko sa kanya

"Btw, ano nga palang name mo? Kanina ka pa rito di ko pa alam pangalan mo." kamot ulo kong tanong kay Pikachu

"Jessica Margarette Galanza. Jema nalang for short." nakangiti niyang sagot at inabot ang kamay

I saw her beautiful smile again that makes me melt. She's really beautiful.

"Ma. Deanna Izabella Wong. Ikaw na bahala kung ano itawag mo sa akin. Pwede ding Love kung gusto mo." i said then wink. Inabot ko naman kamay niya.

And for the second time, naramdaman ko na naman na para akong kinukuryente. Weird!

"Tsk!" napatingin naman kami kay Dean

Haha. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa amin.

"Ey bro! I'm just kidding you know. You're so serious naman. Haha." sabi ko at tumawa

Binato niya ulit ako ng unan. Asar na to. Haha

"Loko ka!" sabi nalang niya at tumawa na rin

I drink my juice and eat my sandwich nalang and on the tv. Makapanuod na nga lang.

Jema

Padabog na humiga si Deanna sa couch at pumikit. Kadarating lang nito, nahuli kasi siya kanina umuwi.

Kaya napatingin kami sa kanya ni Dean.

Ang sarap niyang pagmasdan, hindi ito nakakasawang titigan.

"Mukhang pagod ka bro a." sabi ni Dean sa kanya

"Sobra. Sobrang pagod na akong maging cute." natatawang sagot naman niya pero nakapikit parin ito

Ayan na naman. Sarap niyang panggigilan. Ang cute naman kasi niya e. Weird na talaga tong nararamdaman ko. Hays!

Nagtalo naman ang dalawa kung sino mas cute sa kanila. Malamang pareho sila, kambal kaya sila. Haler!

Kiniliti ni Dean si Deanna. Ang cute naman nilang dalawa. Boy version ni Deanna si Dean. At girl version naman ni Dean si Deanna. How cute lang.

Nakita ko nang namumula si Deanna dahil sa kakakiliti sa kanya ni Dean.

"Pareho kayong cute. Kaya tama na yan. Stop it na By." sabi ko

Mabuti naman at tumigil sila. Naku parang mga bata.

Dumating naman ang katulong nila at binigyan kami ng meryenda.

"Btw, ano nga palang name mo? Kanina ka pa rito di ko pa alam pangalan mo." tanong ni Deanna na nagkakamot pa ng ulo

Wow ha! Di pa pala niya alam name ko e sa pagkakaalam ko naintroduce naman ako ni Dean a. Deanna Wong! Di ka nakikinig. Cute na sana e bingi lang. Haha

"Jessica Margarette Galanza. Jema nalang for short." nakangiti kong sagot at inabot ang kamay ko

"Ma. Deanna Izabella Wong. Ikaw na bahala kung ano itawag mo sa akin. Pwede ding Love kung gusto mo." sabi nito at wink

Yung puso ko po. Naku! Deanna Wong. Love daw?

Kinilig ka naman.

Hindi nuh.

Heto na naman ang utak ko. Cute siya yun lang at may Dean na ako.

Inabot niya rin ang kamay ko. At nakaramdam na naman ako na parang may boltahe ng kuryente na dumaloy sa aking katawan.

"Tsk!" rinig namin sabi ni Dean

Nakakunot ang noo nito. Ang cute naman. Nagselos ata sa sinabi ng kapatid niya.

"Ey bro! I'm just kidding you know. You're so serious naman. Haha." sabi ni Deanna at tumawa

"Loko ka!" sabi nalang din ni Dean at tumawa na rin

"Kain na mga anak!" sigaw ni tita sa may kusina

Pumunta na rin kami at nandun na sila lahat.

----------

Short ud muna. Hehehe.

Read. Vote. Comment.
😂😂😂

Authentic LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt