Kabanata 30

5.6K 149 35
                                    

Deanna

Nakakaisang bote palang ako ng may isang taong tumawag sakin na di ko inaasahan. Gabi na rin kasi. 6:38 pm na.

I answered her call.

"I need someone to talk." she said and ended the call

Narinig ko ang paghikbi nito. Is she crying? Bakit kaya?

Buti nalang at isang bote palang naiinom ko. Kaya agad akong umalis sa bar at mabilis na pinuntahan ito.

Tae naman. Naabutan pa ako ng traffic kung kelan ako nagmamadali e.










Hindi nakalock ang unit nito. Tsk. Paano nalang pag ibang tao ang pumasok dito.

Nadatnan ko itong nakatulog na sa couch. Umupo ako sa tabi nito.

Hinawi ko ang buhok niya na tumatakip sa mukha nito.

Umiyak nga ito dahil namamaga ang mga mata nito. Kumirot bigla puso ko. Nasasaktan ako dahil sa itsura niya. Ano kayang iniyakan nito.

Binuhat ko ito at pinunta sa kwarto niya. Inihiga ko siya at inayos ang higa tsaka kinumutan.

Pinagmasdan ko muna ito. Hindi mo deserve ang umiyak at saktan lang.

Hindi ko alam kung ano nagtulak sakin at hinalikan ko ito sa noo.

Pagkatapos ay kinuha ko ang isang unan niya at lumabas na sa kwarto nito.

Nahiga ako sa couch niya. Dito muna ako matutulog baka mamaya magising at kung ano ang gawin.









Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa narinig kong may nag aaway. Si Jema at Dean nag aaway. Sa harap ko mismo, nagsisigawan sila.









"Magsisinungaling ka pa. Sinabi na sa akin ni Kyla. Nakita niya kayo." sabi ni Jema

"Okay fine. It's true and i'm sorry." sagot ni Dean.

"At ang pinakamasakit may anak ka dun. Ilang taon na ang bata ha? At ilang buwan mo na ako niloloko?" sabi ni Jema

"Look, i'm sorry." sagot lang ni Dean

"Sorry? Pinagmukha mo akong tanga Dean. Minahal kita. Pinagkatiwala ko sayo ang puso ko. Hindi ko iniexpect na magagawa mo ito sakin." umiiyak na sabi ni Jema

Ouch! Yung puso ko.

"Nang magkilala tayo wala na kami ni Ella kaya niligawan kita. At nang gabi na sinurprise kita kinaumagahan nito ay tinawagan ako ni Ella sinabi nito na may anak kami kaya nakipagkita ako. Kasama niya ang bata anim na taon na ito. Sinabi ko na magpa DNA kami ng bata baka di ako ang ama pero nang lumabas ang resulta positive anak ko nga siya. Kaya bumawi ako sa anak ko yun yung time na sinabi ko sayo na busy ako at kaya rin di ako umuwi. Hindi ko rin namalayan na nahuhulog na ulit ako kay Ella. I'm sorry i didn't mean it." mahabang paliwanag ni Dean

"So ginawa mo lang akong panakip butas?!! Hindi naman ako nagkulang sayo Dean!!!" si Jema

Di na ako nakapagtimpi nasasaktan na ako na umiiyak ang taong mahal ko.

Kinuwelyuhan ko si Dean at sinuntok.

"I trust you bro. I thought you can never hurt her." sigaw ko sa kanya

"Nagpaubaya ako sayo kasi mas nauna kayong nagkilala at kayo na noon pero di ko akalain na ganito mangyayari. And i'm so stupid na tulungan pa kitang isurprise siya." sabi ko

Nakita ko na nagulat si Jema sa sinabi ko.

"Honestly, i don't want to do that because it will hurt me too." sabi ko

Authentic LoveWhere stories live. Discover now