Kabanata 48

6K 153 5
                                    

Jema

Maganda ang gising ko dahil pagmulat ko si Deanna ang nakita ko at nasa tabi ko. Maaliwas ang mukha nito. Ang sarap niyang pagmasdan. Hindi ka magsasawang titigan ito. Tumayo na ako pero inayos ko muna ang kumot nito  bago tuluyang lumabas. Mahimbing ang tulog nito kaya hindi ko na muna ginising.

Pumunta akong kusina para magluto hindi pala kami nakapagdinner kagabi. Binuksan ko ang ref paubos na rin pala stock foods namin. Dito na rin kasi nag istay si Deanna may mga damit na rin ito rito. Yayain ko nalang mamaya ito na maggrocery. Habang nagluluto ako ay may yumakap sa likuran ko.

"Goodmorning Love." bati nito

Humarap ako sa kanya para makita ang napakagandang mukha nito.

"Goodmorning too, Love." bati ko sa kanya

"Akala ko papaluin mo na naman ako e." natatawang sabi nito

Naalala ko naman nung nahampas ko ito ng sandok at namaga mga kamay nito. Kaya natawa na rin ako.

"Umupo kana nga dun. I'll serve the food na." sabi ko

"Yes boss." sagot nito

Natawa ulit ako sa sinabi nito. Hinahin ko na ang pagkain at agad itong kumain.

"Hindi naman halatang gutom ka nuh?" natatawang sabi ko

"Edi kumain ka rin." sabi nito

"E kung bigyan mo kaya ako." maktol ko saka kinuha ang pagkain sa harapan nito

Nagluto kasi ako ng chicken fried steak and stovetop mac and cheese with cheese crisps.

"O sige ganito nalang kung matalo kita pakainin mo ako and vice versa." sabi nito

"Paano naman?" takang tanong ko

"Bato bato pick."

"Yey! Talo ka. Pakainin mo ako." sabi nito na parang bata

"Ang daya mo naman e. Hindi ako handa run." maktol

"Subuan mo na ako, gutom na ako." sabi nito

Pinakain ko tuloy ito na parang yaya niya ako pero habang pinapakain ko ito ay kumakain din ako. Naubos namin yung niluto ko kaya sobrang busog kami.

"Bato bato pick."

"Pano ba yan Love, talo ka. Ikaw maghugas." sabi ko sabay kindat

"Ang daya mo rin e." maktol nito

"Hahahaha. Patas na tayo." sabi ko sabay iniwan ito

Pumunta na akong cr para maligo. Pagkatapos ko ay nadatnan ko si Deanna sa kama naglalaro sa phone nito mukhang tapos na maghugas.

"Maligo kana rin Love. Maggrogrocery tayo wala na tayong stock ng foods." sabi ko

Tinigil naman nito ang paglalaro at pumasok na rin sa cr. Pagkatapos nito ay bumaba na rin kami ng condo. As usual pinagbuksan ako ng pinto.

After 40 minutes nakarating kami sa grocery store. Kumuha ako ng push cart at hatak ito. Nakasunod lang naman si Deanna sa akin. Mga importanteng gamit at pagkain lang ang kinukuha ko.

Nang tignan ko ulit ang push cart ay halos mapuno na ito. Beer at mga junk foods at kung ano ano pa.

"Tanggalin mo nga mga yan. Ibalik mo mga yan." saway ko rito

"Bato bato pick."

"O talo ka. Kaya ibalik mo na. Dali!" sabi ko rito

Nagkamot naman ito ng ulo at binalik ang mga pinagkukuha nito. Mabuti naman.

Authentic LoveWhere stories live. Discover now